Chapter Twelve

103 4 0
                                    

"S-S-Si . . . Si . . . J-Jack ba to?" Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga to. Pero ano to? Sino tong lalaking katabi niya? Ba't ngayon ko lang to nakita? Kapatid niya ba to? Hindi eh, pagkakaalam ko only child siya eh.

Pero talaga ang pinagtataka ko sa lahat. Nakapangbabaeng damit siya.

"Hindi kaya nagpapanggap lang na tomboy si Jack?" bulong ko.

"Asan na kaya si Brylle?" narinig ko yung boses ni Jack. Kaya naman agad kong binalik yung picture sa table at binitbit yung dala kong bag at agad na lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita kong nanlaki mata ni Jack at tumingin sa likuran ko.

"A-a-anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Tama nga hinala ko, nagpapanggap lang siyang tomboy!

"H-ha? Uhm ano, pinapili kase kami ni manang ng room. Eh to napili ko kaso pambabae pala yun." Nanlaki ulit mata niya nung marinig niya yung sinabe ko na PAMBABAE.

"Wui! Okay ka lang? Ba't natulala ka jan?" winave ko kamay ko sa harap ng mukha niya. Napapikit pikit naman siya at tumingin saken.

"H-ha?"

"Ang sabi ko, okay ka lang ba?" Ano bang nangyayare dito?

"A-ah. Oo. O-okay lang ako."

"Sigurado ka?" paniniguro ko.

"Teka, may nakita ka ba sa loob? I mean, may napansin o ano?"

"H-ha?" sa totoo lang narinig ko naman talaga eh. Sasabihin ko ba na may nakita akong picture niya na nakasuot ng dress at may kasamang lalaki? O magsisinungaling na walang nakita?

Haaay. Bahala na -_______-

"Ano?"

"Wala. Wala akong pinakealaman dun."

"Ha? Tinatanong ko kung may nakita ka hindi pinakelaman." Patay tayo jan.

"Wala" Hindi ako makatingin sa mata niya, nakakailang kase eh. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Buti naman. Bumaba ka na. Andun na sila, nakahanda na yung pagkain."

"Uhm, ahh sige sige." Dali dali naman akong umalis sa harap niya at pagkalagpas sakanya, tumakbo nako pababa.

Jackie's Point of View :

Hinanap ko si Brylle kase kakain na kami. Eh ang dami kasing kwarto dito sa bahay na to eh. Pag umuuwi kase sila Mom and Dad, nagrereunion kaming lahat dito sa Baguio. Buong kamag-anak namin kasama. Reunion nga diba?

Malapit nako sa kwarto ko kanina.

"Asan na kaya si Brylle?" pagtapat ko sa may pinto ng kwarto ko biglang iniluwa nito si Brylle.

Nagulat ako, natatakot, naiinis, nahihiya, halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Si Brylle galing sa kwarto ko! Kanina pa kaya siya duon sa loob? Fudge! Nagpapanic nako sa loob looban ko.

"Chill lang Jackie." sabe nung boses sa utak ko. Oo,  chill lang ako para di ako mahalata. Inhale, exhale, phew.

"A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?" tae naman tong dila na to! Nautal pako. Boset!

Nung sinabe niyang pambabae daw pala yung kwarto, saka siya lumabas. Tapos ang tanga ko talaga! Nasabe ko pang kwarto ko yun!

"Ano bang kinakatakot mo? Eh ang alam nila Tomboy ka." sabi nung boses sa utak ko.

Oo nga, tsaka sabi niya kanina wala naman siyang nakita sa loob.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko nung makababa na si Brylle. Nakita ko agad yung picture frame. Naalala ko bigla si Brylle. Hindi naman bulag yun para di niya agad mapansin yung picture frame na yun lalo na't nag-iisa lang yun dun sa table.

One of the Boys [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon