Cye's P.O.V
"Jaaack! Wag mokong iiwan! Lumaban ka parang awa mo naaa." Pagmamakaawa ko sakanya habang iyak ng iyak.
Hindi ko na kinakaya, parang gusto ko ng mahimatay. Hindi ko pa kayang mawala ang taong mahal na mahal ko.
Nasa labas ako ng pinto na parang nagwawala dahil nakikita kong nirerevive na siya ng mga doktor. Pangalawang beses na kasi tong pag rerevive sakanya.
Please Jack. Wag mong gawin sakin to. Hindi ko kaya. Hindi ko makakayang mawala ka. Wag mokong iiwan mahal ko. Yun nalang nasabi ko sa isip ko.
Alas otso na kasi ng umaga pero nasa ER pa din siya. Hanggang ngayon hindi pa din siya naooperahan.
Para nakong mababaliw. Si Jeoff dumugo na ang kamay sa kakasapak sa bato.
Talagang pinagsisisihan niya yung ginawa niya kay Jack. Pati yung tatlo dina maipinta yung mukha dahil sa kakaiyak.
Kahit ganito kaming lima, importante samin si Jack. Mahal na mahal namin siya. Hindi namin kakayanin na mawala siya sa grupo namin lalo na't siya lang ang nag iisang babae samin.
"Jackieeee. Where's my daughter?!" Narinig kong may sumisigaw na babae sa may nurse station. May kasama itong lalaki. Nasa mga 40's na yung edad nilang pareho.
Baka magulang to ni Jack dahil tinawag siya ng babae ng anak.
Lumapit siya samin at nagtanong kung kilala namin si Jack.
"Kayo po ba ang magulang ni Jack?" Pagtatanong ko nung lumapit ako sakanila.
"Oo. A-asan na siya?" Maiyak iyak niyang sabi.
"Nasa ER po, n-n-nirerevive." Bigla siyang sumigaw at nagtatatalon sa sobrang gulat.
"Noooooohuhu my daughter. Jackieee. Please, don't leave me darli-heheheng" at bigla siyang nahimatay.
"Jackelyn, wake up honey." Narinig kong sabi ng papa ni Jackie.
"Ano ba nangyare sa anak ko?" Pagtatanong niya nung tumingin siya saken.
"Mabilis po yung mga pangyayare sir, nabangga po yung sinasakyan niyang kotse ng 10 wheeler truck. Kailangan na daw po siyang maoperahan sabi ng doktor kagabi dahil sobrang malubha daw yung damage na natamo niya sa utak. Pero wala ho kaming pera. Nagmakaawa na ho ako sa doktor na kung pwedeng unahing isalba ang buhay ni Jack at saka na ang pera pero ayaw ho nilang pumayag." Pagkekwento ko.
Maya maya biglang lumabas ang doktor.
"Doc what happened to my daughter?" Pagtatanong ng papa niya, kasabay naman dun ang pag gising ng asawa niya kaya tumayo silang dalawa.
Bakas na bakas sa mga mukha nila na pagod sila sa byahe at sobrang alalang alala sila sa anak nila na parang hindi na natulog.
"Kayo ho ba ang magulang ni Jackie Frost?" Pagtatanong ng doktor. Medyo nainis ako dahil kakasabi lang nila ng anak tas magtatanong pa siya kung sila ang magulang nito.
"Yes, kami nga po. *sniffs*" Sagot ng mama ni Jack.
"Sir, Ma'am malakas ho ang anak niyo. Lumalaban ho siya. Kailangan niya na hong maoperahan bago pa siya sumuko. Pangalawang beses na ho namin siyang nirevive ngayon. Sana ho maoperahan na siya nang sagayun hindi lumala ang kalagayan niya."
Thank you Lord. Wag niyo hong pababayaan si Jack. Malakas ho talaga yan at hindi basta bastang sumusuko. Sabi ko sa isip ko.
"Sige ho doc. Gawin niyo na po ang dapat gawin at kami na bahala sa babayarin."
BINABASA MO ANG
One of the Boys [On-Hold]
De TodoAct like a Man infront of your Parents. Act like a Woman infront of your Love. This story is still (On Going)