Chapter Sixteen :

80 4 0
                                    

Cye's Point of View :

Pagkatapos naming mag usap ni Jeoff dumiretso ako sa kwarto ni Jack. Hindi pa din siya nagigising hanggang ngayon, mataas din yung lagnat niya.

Ano kaya problema niya ngayon? Gusto ko siyang tulungan. Ayoko sa mga nakikita ko ngayon.

Alam kong may alam si Jeoff sa mga nangyayare. Hanggang ngayon ba magsisinungaling pa rin siya?

Umupo ako sa tabi ni Jack. Pinagpahinga ko na si Jaekyun, antok na antok na kase yun kanina pa. Gabing gabi na din kase. Sila Brylle and Kaiji dumating na din kanina. Nasa kanya kanyang kwarto na sila. Si Jeoff diko alam kung asan. Basta iniwan ko lang siya sa kwartong yun.

"Jack, namimiss na kita. Miss ko na yung mga kalokohang pinag gagawa naten dati. Sana ngayong pasukan bumalik ulit tayo sa dating gawi naten." hinawakan ko kamay niya. Yumuko ako at ipinikit ko ang aking mga mata.

Maya maya nagvibrate yung cellphone ko. Naalala ko kanina pa pala to vibrate ng vibrate. Kinuha ko cellphone ko sa bulsa ko at nagulat ako sa mga nakikita ko.

"Si Eunice tumawag?" sabe ko sa isip ko. As in talaga, 21 missed calls. Tapos may dalawa siyang text. Chineck ko naman agad yun.

From : Panget

Hoy. Wag mong isipin na kaya kita tinawagan kase gusto ko. No! Never noh! Wala lang talaga akong choice dahil kinatok ako dito ng Papa mo. Nag aalala na daw siya sayo kasi dika pa din daw umuuwi. Kung ako sayo umuwi ka na dito para dimo ko naiistorbo!

Natawa ako sa text niya. Kahit kailan talaga tong babaeng to oh. :D

Chineck ko ulit yung isa pa niyang text.

From : Panget

Hoy mokong! Hindi ka talaga magrereply? Pinupuyat moko ha? Magreply ka na nga ng masabe ko na sa papa mo at ng makapagbeauty rest nako!

"Ahahaha baliw talaga tong babaeng to. Masyadong highblood." sabe ko sa isip ko. Nireplyan ko naman agad siya, kawawa naman eh. Baka magkapimples yun ako pa sisihin.

To : Panget

Hoy ka rin PANGET! Sabihin mo kay Papa nandito ako sa bahay ng classmates ko. Nagbakasyon din pala sila dito. Dito muna ko magstay hanggang sa mag uwian na. Pakisabe kay Pa na huwag na siyang mag alala dahil okay lang ako dito. Thanks! ;)

(send)

Eunice's Point of View :

Alam mo yung pipikit ka na tas biglang tumunog yung cellphone mo tas naalimpungatan ka? Tch.

"Istorbo." sabe ko habang binubuksan yung message. Naalerto ako bigla nung magtext si Cyrus. Nawala antok ko eh.

From : Mokong

Hoy ka rin PANGET! Sabihin mo kay Papa nandito ako sa bahay ng classmates ko. Nagbakasyon din pala sila dito. Dito muna ko magstay hanggang sa mag uwian na. Pakisabe kay Pa na huwag na siyang mag alala dahil okay lang ako dito. Thanks! ;)

At talagang nakacapslock pa yung word na Panget ha? Kapal ng mukha nun. Tss.

To : Mokong

K!

(send)

"Kala mo ha? Tss." hihiga na sana ako kaso naalala ko bigla si Tito kaya naman tumayo agad ako at lumabas ng kwarto. Bumaba nako at nakita kong nanonood ng tv si Tito.

"'to." lumingon naman siya saken.

"Nagreply na po si Cyrus, sabe niya po andun daw siya sa bahay ng classmates niya. Dun daw siya magstay hanggang sa mag uwian. Okay lang daw siya dun."

One of the Boys [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon