Chapter Twenty-Eight :

5 0 0
                                    

Lumipas ang isang buwan pero wala pa ding kibuan sila Cyrus at Jeoff. Napatawad ko na si Jeoff dahil na din sa natauhan ako sa sinabi ng mama ni Eunice.

Hindi lang naman kasi kami ang nawalan ng kaibigan at mahal sa buhay eh. Nakikita ko sa kanya na pinagsisisihan na niya ang nangyare.

Tinatry niya ding kausapin si Cye pero lumalayo to sakanya. Kinausap ko naman si Jeoff na kung sana hayaan niya nalang muna mag isip si Cye. Alam kong mapapatawad din siya nito, parang kapatid na din turingan nila dati eh. Pero hopefully magkaayos na silang dalawa.

Malapit na birthday ko pero mukhang wala sa timing ang lahat. Sabi ko sa isip ko.

"Anak, saka nalang kami babalik ng Dad mo sa States after ng birthday mo okay? Gusto ka naming makasama sa birthday mo next week." Nagulat ako sa sinabi ni Mom. Sobrang busy kasi nila ni Dad.

"Pano po yung mga appointments niyo ni Dad, Mom?" Pagtatanong ko.

"Pinamove na ng Daddy mo. Hindi naman pwedeng mag isa ka lang magcecelebrate ng birthday mo diba?" Sabi niya habang nakahawak sa dalawa kong pisnge.

"Thanks Mom *smiles*".

"Nakooo. You'll be turning 17 na and after a year debut mo na *smiles* Dalaga ka na anak."

"Moooom. Stop it." Asar kong sabi.

"Oh bakit? Dalaga ka naman talaga ah? Asus. May manliligaw ka na nga ata eh." Pabiro niyang sabi na siya naman ang dahilan ng pagkatulala ko.

Ewan ko ba pero feeling ko hindi nako yung Jack Frost na lalaki. I mean, nararamdaman ko na sa sarili ko na nagbabago nako.

"So meron nga anak?" Natauhan ako bigla sa sinabi ni Mom kaya naman napailing agad ako.

"N-n-no! N-none!" Utal kong sabi.

"Wala akong manliligaw Mom noh. Hinding hindi mangyayare yun." Palusot kong sabi. Ayaw ko pa kasing sabihin sakanila yung about sakin. Gusto ko munang patunayan sa sarili ko na ako na talaga si Jackie. Na ako ay umiibig na sa isang lalaki at hindi sa isang babae.

Kaya ko to. Konting panahon pa po please. I just need something to clarify. Sabi ko sa isip ko.

"Ang totoo gusto kita. . ." Bigla kong naalala yung sinabi ni Cyrus sakin. Inamin niyang gusto niya ko.

Imposible to. Si Cyrus? Nagkagusto sa isang tulad ko? Sabi ko sa isip ko.

OMG! Ngayon lang nagsink in sakin lahat! Maygaaaaaad! 😱

"Jackie."

Hindi ko alam mararamdaman ko. Nag hahalo halo yung emosyon ko.

"Jackie anak."

Kailangan ko makausap si Cyrus. Aaminin ko na din sakanya nararamdaman ko.

"Jackie!" Nagulat ako bigla ng sigawan nako ni Mommy. Nawawala nako sa sarili ko.

"Y-yes Mom?"

"Are you really okay?" Pagtataka niya.

"I'm fine Mom. By the way I have to go. I need some important thing to do." Tumakbo ako palabas ng pinto para kunin yung motor ko.

"Honeeeey!" Sigaw ni Mom.

"See you later Mom! I'll be back!" Pasigaw ko habang pinapaandar ang motor ko.

Cye's P.O.V

Alam kong isang buwan palang ang nakakalipas, pero diko na kayang itago tong nararamdaman ko eh.

Oo, sinabi ko na sakanya na gusto ko siya, pero hindi pa din ako kuntento eh. Gusto ko na siyang ligawan.

Pero iniisip ko din na baka si Eunice pa din nasa puso niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One of the Boys [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon