"Grabeng bakasyon to. Hindi manlang kami nakagala dito sa Baguio." sabe ko sa sarili ko habang nilalagay yung mga damit ko sa maleta.
Ngayong araw na balik namin sa Manila. Sobrang daming nangyare, hindi ko inaasahan na dito pa sa Baguio mangyayare yung ganito.
Pero masaya ako dahil okay na ulit kami ni Brylle. Balik ulit sa dati, yung usapang tropa talaga.
9am alis namin dito, dapat 6 yung alis namin. Kaso hinihintay pa namin si Cyrus kaya 9 kami makakaalis dito sa Baguio.
Naalala ko bigla yung sinabe saken kahapon ni Cyrus.
Ano kayang ibig niyang sabihin dun sa sinabe niya na may nalalaman siya tungkol sakin? sabe ko sa isip ko. Napaupo ako sa kama.
"Wala naman akong nakekwento sakanya ah? Tsaka, si Jaekyun palang naman may alam lahat ng tungkol saken." mahina kong sabe sa sarili ko. Nababaliw na naman ata ako, kinakausap ko na naman sarili ko.
Pero talaga eh, napapaisip talaga ako dun sa sinabe niya.
"Aish." sabe ko at ginulo gulo ko buhok ko.
"Oh ano nangyare sayo?"
"Aahh!" Bigla akong napasigaw ng mahina at napahawak sa dibdib (kahit wala naman talagang dibdib), nagulat kase ako bigla eh.
"Ano ka ba Jeoff! Wag ka ngang manggulat! Gusto mo ata akong magkasakit sa puso eh." asar kong sabe.
"Ahahaha. Ano na naman ba kase iniisip mo?" lumapit siya ng nakapamulsa.
"Wala." umupo ulit ako sa kama at sinara na yung zipper ng maleta ko.
"Oo nga pala, may sasabihin ako sayo Jack." napatingin naman ako sakanya. Ano na naman kaya to?
Tinaas ko lang kilay ko.
"Ka--"
"Why you've gotta be so rude, don't you know I'm human too." bigla namang tumunog cellphone ko.
"Si Cyrus tumatawag. Teka lang Jeoff." sinagot ko na agad yung phone. (Oo, kami na ng phone. Sinagot ko na eh. HAHAHA Dejoke)
"Hello Cyrus?"
(Papunta nako. Daanan niyo nalang ako dito sa may high-way)
"Ay ganun ba? Osige sige. Alis na kami dito."
(Sige Jack. Ingat kayo.)
"Ikaw din Cye. Sige bye (Call Ended)"
"Tara na Jeoff. Daanan nalang daw natin si Cyrus sa may high-way." binuhat ko na yung maleta ko at hinatak si Jeoff palabas ng pinto.
"Bakit sa high-way pa?"
"Eh kase madadaanan din naman natin yun dun eh."
"Sabagay."
"Oy guys. Ready na ba kayo?" tanong ko nung makababa na kami.
"Yow, we're always ready meeen!" sabe ni Kaiji.
"Aw. Galawang breezy bro ah? Hahaha" sabe naman ni Jaekyun.
"Loko ka? Haha"
"Ahaha tara na nga. Baka nandun na si Cye." sabe ko.
"Bakit? Asan daw ba siya? Di siya pupunta dito?" tanong ni Jaekyun.
"Madadaanan din naman natin siya eh. Kaya sa hi-way nalang daw natin siya sunduin." sabe ko.
"Ayy sige."
Sumakay na kaming lahat sa Van. Well syempre, usapang tropa na naman dun.
Pinagtitripan namin si Kaiji kasi mukhang excited na excited ng bumalik ng Manila. :D
BINABASA MO ANG
One of the Boys [On-Hold]
RandomAct like a Man infront of your Parents. Act like a Woman infront of your Love. This story is still (On Going)