Jackie's Point of View :
"Ganun ba? Osige kayo bahala." sabi ni Jeoff.
"Sayang, susurprise ko pa sana siya eh. Kaso baka O.A nako pag ganun. Haha."
"Oo nga eh. Haha." nandito kami ngayon ni Jeoff sa may field malapit sa puno, dun kase kami lagi tumatambay. Pinag uusapan namin kung isusurprise ko ba ulit si Eunice kaso yun nga, next time nalang siguro.
"Kumain ka na ba?" breaktime din kase nila ngayon. Kaso 2hrs yung sakanila, samin 1hr lang.
"Hindi pa eh. Ikaw ba?"
"Hindi pa din. Gusto mo kumain muna tayo?"
"Osige ba. Gutom na din yung alaga ko sa tiyan eh. Ahahaha." sabe ko na hinimas himas pa yung tiyan. Kala mo naman talaga meron eh :3
"Ahaha. Nga pala, pansin ko lang ha? Ang takaw takaw mo pero ni kuting di nadadagdagan ng taba yang katawan mo?" natanong niya saken habang naglalakad kami papuntang canteen.
"Eh? Wag mo na kasing pansinin. Hahaha"
"Haha. Loko." naloko pako? Amf.
"Loko ka din." sabay dila. Pagkapasok namin ng canteen, nakita agad ni Jeoff si Cyrus sa may dulo na nag iisa.
"Samahan nalang kaya natin si Cyrus? Kawawa naman oh, nag iisa." tumingin siya saken, tiningnan ko naman siya ng WAG-MUNA-NGAYON-LOOK.
"Uy mga dre! Ano ginagawa niyo dito? Tara dun na tayo sa pwesto ni Cye." Waaaah! Wrong Timing talaga tong babaerong to. Dina ko nakaangal kase hinila na ni Jaekyun kamay namin ni Jeoff papunta dun kay Cyrus.
"Yow men. Ba't nag iisa ka ata ngayon?" Tanong ni Jaekyun.
"Uy. Kayo pala, uhm wala lang." nung nakita niya ko na kasama ni Jaekyun, iniwas niya ang tingin niya saken. At ganun din ako sakanya.
Alam mo yung ang awkward kase magkaharap kayo? Di tuloy ako mapakale sa kinauupuan ko ngayon.
'Sana lumindol at magcrack yung sahig sa kinauupuan ko ngayon, gusto ko ng lamunin ako ng lupa!' sabe ko sa isip ko.
"Uhm, Jeoff order na kaya muna tayo?" Haaay, buti naman at di ako nautal. Baka mamaya mahalata pa niya ko. Tsk.
"Osige, umupo ka nalang jan. Kami nalang ni Jaekyun yung oorder." Anoooo?! At talagang iiwan mo ko dito kasama ang lalaking to? T____T
"H-ha? Ayaw mong sumama ako?" taeng dila to.
"Jan ka nalang kase, samahan mo nalang muna si Cyrus." Ay tae! Kala ko ba tutulungan mokong iwasan siya? Psh. Napasilip nalang ako kay Cyrus, nagulat ako kase nakatingin din pala siya saken. Pero nag iwas din ako ng tingin.
Humarap ako kay Jeoff, "Fine. Pakibilisan lang kase kanina pako nagugutom." umalis na sila ni Jaekyun. Maya maya nagsalita si Cyrus. Napahawak naman ako sa dibdib ko kase nagulat ako dun.
"Men. Ayaw mo na ba akong kasama? Dati naman tayong dalawa lagi sabay kumain eh. Ganyan ka na ha? Pinagpalit mo nako kay Jeoff." nagpout siya at yumuko. Fuuudge! Stop pouting you little cutieee! :">
'Ang landi mo na Jackie! Kala ko ba iiwasan mo na siya? Eh ba't parang kinikilig ka ata jan?' sabe nung boses sa utak ko. Tch. Panira ng moment! Shuuu! -_-
"Wuy. Dimo nako pinapansin, galit ka pa rin ba saken?" bumalik naman sa kasalukuyan yung utak ko nung magsalita siya ulit. Galit pa nga rin ba ako sakanya?
"Sorry, hindi naman. Baket?" sabe ko ng hindi tumitingin sakanya.
"Ba't parang iniiwasan mo ko?" this time napatingin nako sakanya. Bakit nga ba kita iniiwasan? Gusto kong sabihin sakanya na INIIWASAN KITA DAHIL MAY NARARAMDAMAN NAKO SAYO AT AYOKONG LUMALA PA YUN. Pero diko kaya, syempre may hiya din naman kase ako eh. Tsaka hello? TOMBOY ako! May Tomboy ba na nagkakagusto sa LALAKI? Tch. Ako palang ata! -__-
BINABASA MO ANG
One of the Boys [On-Hold]
De TodoAct like a Man infront of your Parents. Act like a Woman infront of your Love. This story is still (On Going)