Pumasok ako ng maaga sa school. Nakita ko naman si Jaekyun kaya tinawag ko.
"Dre."
"Oh? Aga mo pumasok ah?" sabi niya habang nakikipagtext. Barkada namin si Jaekyun, sa kabilang section naman siya. Nakilala ko siya nung kumain kami ni Cyrus sa canteen.
Unang tingin ko sakanya, para siyang bakla. May kulay kase buhok niya tsaka nakasalamin siya lagi. Yung mga fashion niya pang korean. May lahi din kasing koreano to. Napakachickboy ng lalaking to grabe, sabagay pogi din kase eh.
"Wala lang, gusto ko lang pumasok ng maaga. Haha. Eh ikaw? Wala ka pa bang klase?"
"Maya maya pa dre eh." sabi niya na nakatingin pa din sa phone.
"Busy ka ata ah? Sino na naman yang chix mo?" pagtatanong ko na sumisilip silip pa sa phone niya.
"Sekretong malupit dre. Hahaha" sabi niya sabay tago ng phone. Sumikreto pa ang mokong?
"Hahaha. Sexy ba yan? Pakilala mo naman ako men." tinutusok tusok ko tagiliran niya gamit hintuturo ko.
"Wag na men. Baka agawin mo saken eh. Haha."
"Agawin mo muka mu. Parang magpapakilala lang eh. Haha"
"Next time men, promise." nag aagawan kami ng cellphone ng dumating si Jeoff.
Half british naman si Jeoff. Asset niya yung matangos niyang ilong at malakiller smile niya. Cool din tong lalaking to eh, malakas sa mga babae.
Nakilala ko naman siya sa field. Naglalaro ako nun ng volleyball. Kala niya nung una babae ako kaya nilapitan niya ko at nagpacute. Hahaha tawa nga ko ng tawa nun eh. Classmates din sila ni Jaekyun kaya magkakilala silang dalawa.
"Ano na naman yang pinag aagawan niyo? Chix na naman noh? Haha" sabi niya na nakapamulsa pa't ngumunguya ng gum.
"Chix? Hindi noh. Haha nasa harapan niyo na kaya yung chix." Sabi ko sabay kindat sakanila.
Tumingin naman sakin yung dalawa na parang nagulat sa narinig nila. Nakakatawa talaga mga face expressions nila.
"Oh baket? Joke ko lang yun! Hahaha. As if namang maging chix ako. Pogi pogi ko eh." sabay pogi sign at taas ng dalawang kilay.
"Ahhhhh. Kala ko nagladlad ka na eh. Hahaha" sabi naman ni Jeoff.
"Utut mu!" sabi ko.
Tiningnan ko wrist watch ko, malapit na palang mag 9. Diko namalayan yung oras ah? Agad naman akong nagpaalam sa dalawa, baka kase malate pako.
Iniwan ko na yung dalawa sa hallway. Tumakbo ako paakyat, hingal na hingal ako pagdating ko ng pinto. Buti nalang wala pa prof namin. Pumasok nako sa loob at umupo sa tabi ni Cyrus.
"K-kani-na ka pa ba dito men?" tanong ko na kinakapos pa din sa paghinga.
"Oo eh. Ba't ngayon ka lang? Hingal na hingal ka ata ah?"
"Kanina pako dito sa school. Nakasalubong ko lang sila Jaekyun sa baba kaya yun, diko namalayan yung oras." sabi ko.
"Ahh. Nga pala dre, mamaya gigimik kami. Gusto mo sumama? Pakilala kita sa dalawa pa naming barkada." pagyayaya niya.
"Osige ba! Game ako jan syempre. Haha" sabay thumbs up.
"Kaso dre, bawal nga pala tibo dun sa pupuntahan naming bar eh. Okay lang sayo kung magdadamit babae ka?"
"Whuuut? Ay hindi nalang sasama pag ganun." sabi ko.
"Sayang, dami pa namang chix dun." nang inggit pa amp. Tagal ko ng di nakakakita ng magagandang babae. Sawa nako sa mga estudyante dito. Ikaw ba naman puro lalaki kasama mo :3
BINABASA MO ANG
One of the Boys [On-Hold]
LosoweAct like a Man infront of your Parents. Act like a Woman infront of your Love. This story is still (On Going)