Ayoko na, ang tagal ng sembreak namin. Gusto ko na ulit magpasukan. Miss ko na si Eunice, gusto ko na siyang makita.
"2wks?! 2 weeks kaming di magkikita?! Gosh! Nakakabaliw!"
"Ano kaya kung sundan ko nalang siya dun sa Tagaytay?" sabe ko sa isip ko.
"Oo nga. Tutal may 1wk pa naman kami. Yayayain ko nalang sila Jeoff na pumunta ng Tagaytay bukas!" Tama. Itetext ko muna si Eunice kung saan sila banda sa tagaytay.
To : Baby <3
Hi baby. Saan nga pala kayo banda nagstay sa Tagaytay? :)
Ilang minuto bago siya nagreply.
From : Baby <3
Wala na kami sa Tagaytay. Kaaalis lang namin eh. OTW na kami sa Baguio.
"Oh? Sa Baguio na pala sila ngayon? Edi masaya. Hahaha" sabe ko sa sarili.
To : Baby <3
Ahh ganun ba? Osige baby. mag iingat kayo sa byahe niyo okay?
Hindi na niya ako nireplyan. Tch. Nakakatampo lang. Alam mo yung habang tumatagal pawala ng pawala yung pagmamahal niya sayo? Tss.
Tinext ko nalang sila Jeoff na bukas na bukas pupunta kami ng Baguio. Wag na silang mag-alala yung van naman gagamitin namin eh tsaka may libreng foods na din. May bahay din kase kami dun sa Baguio kaya mas lalong wala silang dapat ikabahala.
~~~~~~~~~
"Cool! Last week of sembreak na and we're going to Baguio City!" excited na sabe ni Jaekyun habang nilalagay namin mga bag namin sa likod ng van.
And yes, pumayag sila dahil wala naman silang gagastusin kasi libre na lahat.
"Sana magkasalubong tayo baby." sabe ko sa isip ko.
Ano kaya kung magkita kami dun ni Eunice? Matutuwa kaya siya? Magugulat? Yayakapin dahil namiss niya ako? Haay. Gustong gusto ko ng makita si Eunice at ang magiging reaction niya pag nalaman niyang andun din ako.
"Ano na naman ba yang iniisip mo?"
"Ay palaka!" muntik kong mabitawan yung bag na dala dala ko dahil sa gulat. Tae naman kase tong si Jeoff eh.
"Oh? Hahaha. Mukha ba akong palaka?" pagtatanong niya na natatawa pa.
"Sorry, ikaw kase eh. Wag ka kasing manggugulat jan men." sabe ko habang inaayos yung mga bag namin.
"Hindi naman kita ginulat ah? Nilapitan kita kase mukhang malalim na naman yang iniisip mo." Sabe niya naman at inabot saken yung ibang bag.
Kargador nako. Ang matcho ko kase eh. Sheet :">
"H-ha? Hindi naman eh." nautal pa amf.
"Sus. Denial Queen." sabe pa niya sabay smirk.
"Utut mu. Queen ka jan." Asar na sabe ko sakanya.
"Hahaha. Ang cute cute mo." Pinisil niya lang naman magkabila kong pisngi.
"Aray aray aray!" Sabe ko saka inalis yung kamay niya sa pisngi ko.
"Gusto mong masapak?" sabe ko sakanya habang hinihimas yung magkabila kong pisngi.
"Hahaha. Eh ano ba kasi yang nasa isip mo at sobrang lalim?" Psh. Ayan na naman po siya sa kakatanong sakin. Kung di lang cute tong si Jeoff eh. Dejoke lang, I mean kung hindi ko lang siya barkada baka nasapak ko na siya sa pagpisil niya sa pisngi ko.
"Wala yun. Wag mo ng intindihin." sabe ko sabay sara ng pinto sa likod ng van.
"Oh ready na ba lahat mga men?" sabr ko pa na tumitingin tingin sa paligid kung may nakalimutan lang.
BINABASA MO ANG
One of the Boys [On-Hold]
RandomAct like a Man infront of your Parents. Act like a Woman infront of your Love. This story is still (On Going)