Dahil 1st monthsary namin ni Eunice, sinurprise ko siya. Pinuntahan ko siya sa school nila kasama ko si Jeoff at iba pang mga classmates ko na binayaran ko pa ng tag 500 para lang samahan ako.
"Tama ba tong ginagawa ko pre?" pagtatanong ko kay Jeoff. Kinakabahan kase ako eh.
"Oo naman. Mahilig yun sa mga surprises." Ha? Kilala niya ba si Eunice?
"Anong sabi mo? Magkakilala ba kayong dalawa?"
"Ha? Ano, I mean. Y-yung mga babae, mahilig sa mga surprises. Tsaka, p-pano ko naman makikilala yun eh dipa nga kami nagkikita nun eh." Tumawa siya ng mahina at napakamot sa ulo.
"Ahh. Linawin mo kase, kala ko magkakilala kayo eh."
Nakapasok na kami sa loob ng school nila Eunice. Buti nalang mabait yung guard dun. Tsaka kakunchaba ko na din Prof and classmates niya. Kaya naman pagkadating namin dun sa room niya, sinurprise na namin siya. Yung mga classmates niya and classmates ko nagsama sama at may pinakitang banner na may nakalagay ng HAPPY 1st MONTHSARY BABY. I LOVE YOU!
Ako naman may dala dalang red roses and chocolates. Syempre may gift ako sakanya. Nung kahapon na nagmall kami, may sapatos and dress siyang nagustuhan. Kaya naman pagkauwi namin, bumalik ako dun para bilhin yun.
"OMG!" napatakip siya ng bibig niya tas parang mangiyak ngiyak na ewan.
"I love you baby. Happy 1st" sabi ko sakanya at inabot yung bulaklak, chocolates and gift.
"I love you too baby. Happy 1st and thank you. I'm really surprised! OMG!" nilapag niya muna sa upuan yung binigay ko and niyakap niya ako.
Naghiyawan naman mga classmates niya. Syempre nakakahiya naman sa prof nila kaya binigyan ko na din ng Flowers and Chocolates.
"Awww. Why so sweet my dear? Thabk you." bineso ako ng prof niya.
After 1hr ng celebration sa loob ng room nila, nagpaalam nako kay Eunice pati sa prof niya. Pagkalabas namin ng gate, nagsisitalon ako sa sobrang tuwa. AS IN TALAGA!
"Shet! Successed!" nakipag hi-five ako kay Jeoff.
"Oo nga men eh. I told you, matutuwa yun eh. Haha!"
"Woah, I can't believe it! I love myself! Hahaha thanks again for helping me dude." I hugged him.
"You're always welcome bro." he smiled.
Eunice's Point of View :
Tss. Eh yung sinurprise lang naman ako nung tomboy na yun? Yuck lang! Buti sana kung tunay na lalaki siya eh. Leshe kasi yung kaibigan kong yun eh, kung hindi ko lang siya crush hindi ko talaga gagawin to. Nakakadiri kaya ang mga tomboy. Buti nalang talaga at magaling akong umarte. Psh.
"Well, hanggat wala pa siyang alam, peperahan ko muna siya. Hahaha" malademonyo kong sabi sa isip ko.
Cye's Point of View :
Pumasok ako sa school. Ba't parang ang konti lang ng pumasok? Hindi ko din nakita si Jack kaya naman nagtanong ako sa iba kong classmate kung nasan yung iba. Buti nalang walang prof ngayon.
"Andun sinamahan si Jackie na isurprise yung girlfriend niya. Binayaran pa nga niya ng tag 500 yung iba para lang gawin yung pinapagawa niya eh." nahinto ako bigla dun nung marinig ko yung word na GIRLFRIEND. Fuck nooooo!
"G-gi-girlfriend? S-si Jack? M-may g-girlfriend?" nauutal kong tanong.
"Oo. Hindi mo pa ba alam? Kayo laging magkasama diba?" hindi ko na siya sinagot. Napaupo nalang ako sa upuan ko.
"Hindi to pwede. Yung babaeng nagugustuhan ko, may girlfriend na pala. Pano to? Kaya ba hindi niya nako pinapansin? Ba't di niya sinabe saken?" sabi ko sa sarili ko. Hindi talaga ako makapaniwala na may girlfriend na siya. Mas lalong di ako makapaniwala sa sarili ko na nagkagusto ako sa isang TOMBOY!
BINABASA MO ANG
One of the Boys [On-Hold]
RandomAct like a Man infront of your Parents. Act like a Woman infront of your Love. This story is still (On Going)