Jackie's Point of View :
Alam ko nakita ni Brylle yung picture na yun kaya iba kinikilos niya ngayon at tingin siya ng tingin saken. Sinundan ko siya sa taas, dahil gusto ko siyang kausapin.
"Ano naman kaya sasabihin ko sakanya?" bulong ko sa sarili ko. Nakalimutan ko diko pa pala alam kung saan yung kwarto ni Brylle kaya naman nag umpisa na naman ako sa kakahanap. Hanggang sa tapat ng kwarto ko, nakita kong bukas yung pinto nun. Sumilip ako saka nakita ko siya na nakaupo sa kama niya.
Kumatok ako saka pumasok. Sinara ko yung pinto saka nilock yun.
"Uhm, pwede ba tayong mag usap?" nakita kong nanlaki mata niya. Nagulat siguro.
"Uhm, ano naman pag uusapan naten?" sabe niya. Lumapit ako sakanya saka umupo sa kama.
"Magsabe ka nga saken ng totoo Brylle." huminto ako at tumingin sakanya. "nakita mo yun noh?"
"H-ha? N-nakita ang ano?" kunot noo niyang sabe. Tinitigan ko siya sa mata, agad naman siyang umiwas. Nagsisinungaling siya.
"Wag ka na nga magsinungaling jan dre." sabe ko sakanya.
"Ako pa ngayon sinungaling?" medyo nagulat ako dun sa sinabe niya.
"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko.
"Alam ko na sikreto mo Jack."
"Sikreto? Pinagsasabe mo jan? Di kita maintindihan." Naguguluhan na talaga ako sakanya.
"Wag ka na ngang mag maang maangan jan. Alam ko ng nagpapanggap ka lang na tomboy, siguro may nagugustuhan kang lalaki sa JHU kaya nagawa mong lokohin sila Cyrus. Hindi lang sila, pati kami ni Kaiji niloko mo." Sabe na eh. Sabe na iisipin niya yun eh. Hindi niya kase ako maintindihan. Wala siyang alam saken.
"Hi--" magsasalita na sana ako kaso inunahan niya ako.
"Ganyan ka ba kadesperada Jack? Ganyan na ba mga babae ngayon? Gagawin lahat mapalapit lang sa taong mahal nila? Okay lang na makapangloko sila mapansin lang ng taong mahal nila?" Sa totoo lang sobrang sakit ng mga salitang binibitawan niya saken. Hindi ko akalain na ganito pala siya kaharsh. Ang sakit eh. Bigla ko nalang naramdaman yung luha ko na tumutulo.
"Wala kang alam saken Brylle kaya wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan. At higit sa lahat hindi ko kayo niloloko. Kung ano man ang nakikita niyo ngayon saken, ako to. Totoong ako." hindi ko na napigilang umiyak kaya napahagulgol ako, agad akong lumabas ng kwarto. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Jeoff. Mas lalo akong napaiyak, narinig niya siguro pinag uusapan namin ni Brylle. Nilagpasan ko na siya saka ako tumakbo.
"Jaaack!" tawag saken ni Jeoff pero diko siya pinansin. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makalayo nako sa bahay namin. Diko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko.
Hindi ko alam kung nasaan nako. May nakita akong upuan, umupo ako dahil ramdam ko na ang sakit sa mga paa ko dahil sa kakatakbo ko. Pinatong ko mga paa ko saka ito niyakap. Ang lamig na kase eh. Nakalimutan kong magdala ng jacket.
Mga kalahating oras na din akong nakaupo. Nanginginig nako sa sobrang lamig. Hindi ko pa naman memorize tong lugar na to. Minsan lang kase kaming pumupunta dito eh. Sa tuwing umuuwi lang sila Mom galing States.
Maya maya may naramdaman akong nagpatong ng jacket saken. Inangat ko ulo ko, nanlaki mata ko sa nakita ko.
"C-c-cy-cyrus?"
Jeoff's Point of View :
Umakyat nako sa taas. Nakita ko namang pumasok sa isang kwarto si Jack kaya naman sumunod ako. Bubuksan ko sana yung pinto kaso nakalock. Kaya dinikit ko nalang tenga ko sa may pinto.
BINABASA MO ANG
One of the Boys [On-Hold]
De TodoAct like a Man infront of your Parents. Act like a Woman infront of your Love. This story is still (On Going)