Chapter 19

22 1 0
                                    

Chapter 19

Anne

Three weeks later...

Its been what? Three weeks at hindi pa rin binibigay ng epal na 'yon ang phone ko. Well, ibibigay niya daw pero may kapalit. Sagutin ko na daw siya at ibibigay niya daw ng walang angal ang phone ko.

Tangina! Ano siya sinuswerte? Sa babaero niyang 'yan? Kumuha lang ako ng batong ipupukpok sa ulo ko 'no!

Atat na akong makuha ang phone ko nang mawala na siya sa buhay ko. There's a big but! I will never be his girlfriend, not now, not ever!

"Babe!" 'Di ko na kailangan lingunin kung sino siya at sino ang tinutukoy niya. Boses malandi pa lang kilalang-kilala ko na.

Binilisan ko ang paglalakad. Palabas na kasi ako dahil sa maagang nadismiss ang klase and as usual, hindi ko na hinintay si Tanya.

Kaya nga ako naunang umalis dahil sa ayaw ko siyang makasabay eh! Nakakahiya pa naman. Dahil kasi sa pinaggagawa ng lalaking 'to, palagi na kaming hot topic sa buong campus. Akalain niyo 'yon? Na-feature pa kami sa school paper bilang couple of the month?

Ang sarap tuloy ipagsigawan na assuming lang ang epal na lalaking 'to!

"Fuckin' shit!" Bulalas ko nang may umakbay sa'kin.

"Watch your mouth Babe" Nakangising sabi ng loko sabay halik sa pisngi ko. Ang sarap punasan!

Marahas kong tinanggal ang braso niya sa balikat ko at lumayo. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao dahil sa ginawa niya. At 'yong mga babae? Kulang na lang ay bumulagta ako sa daan sa talim nilang makatingin!

"Babe yourself!" Sigaw ko at nagmamadaling lumayo sa kanya.

"Sorry guys! Selosa kasi ang mahal ko." Narinig kong sabi niya sa mga tao kaya hinarap ko siya at tinignan ng masama sabay 'fuck you' sign.

Nagsitawanan naman ang mga walang hiya! Nagngingitngit tuloy akong lumayo sa lugar na 'yon dahil kung hindi, papatayin ko sila isa-isa.

"Babe naman! Di ka na naawa sa'kin." Reklamo niya nang maabutan ako sa arking at naghihintay sa kanya.

I don't have a choice kundi magpahatid sundo sa kanya. Dahil kung hindi, magsusubong siya kay Mommy. Yeah kay Mom! Ang magaling na buwiset na 'to ay nagsusumbong kay Mom sabay sabing kinakawawa ko siya. Ang nanay ko naman, ayun galit na galit sa'kin. Dapat daw ay maging mabait ako sa 'BOYFRIEND' ko. Napapa-WOW na lang ako.

Marahas akong napaharap sa kanya. "Isa ka talagang napakalaking muta! Buwiset ka sa buhay ko! Ano ba kasing palabas ang ginagawa mo huh? Promise! Gustung-gusto na kitang patayin!" Sigaw ko.

"Babe naman eh!" Aniya at nilapitan pa ako. "Boyfriend mo naman ako at girlfriend kita. Natural lang naman yung mga ginawa ko." Inosenteng sabi niya.

"Wow!" Nameywang ako. "Kelan pa kita naging boyfriend?"

"Nung binigay mo sa'kin ang phone mo."

"Hell no! Mas magandang sabihin na kinuha mo ng sapilitan 'yang phone ko at inangkin mo na. You know what? Give my phone back and get the hell out of my life!?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ibabalik ko lang to kapag tinanggap mo na ako bilang boyfriend mo?" Aniya at nilabas pa ang phone ko

"Never!"

"Edi sa'kin na muna 'to at diyan na muna sa'yo ang phone ko. Ingatan mo phone ko ha?" Sabay halik pa sa pisngi ko.

Nagmamadali akong kinuha ang panyo ko at pinunasan ang mga pisngi kong nakapitan ng germs galing sa kanya.

"Naku Babe. 'Wag ka namang ganyan, maraming babae ang naghahangad na mahalikan ko. 'Di lang sa pisngi kundi sa lahat ng parte ng katawan nila." Aniya sabay kindat.

"Well, hindi ako." Sabi ko sabay talikod.

"Ang Babe ko naman. Alam mo gutom lang 'yan. Tara treat kita sa Jollibee." Sabay akbay na naman. Hindi ko na tinanggal ang mga kamay niya dahil di rin naman siya magpapatalo eh.

"Jollibee? Ano akala mo sa'kin bata? Pwede ba. Iuwi mo na lang ako." Hinihila niya na ako palabas ng gate. May branch kasi ng Jollibee na katapat lang ng school.

Pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Dahil sa ginawa niyang 'yon, naramdaman ko na naman ang pagdaloy ng kakaibang kuryente mula doon. Ang sarap damhin ang malambot at mainit niyang kamay. I've never felt this way before and It feels like I'm already home.

"FYI, hindi lang naman puro bata ang kumakain doon no. Maraming nagde-date doon at affordable pa ang mga pagkain." 'Di niya pansin ang mga matang sumusunod ang tingin sa'min.

"So? Remember, 'di ako lumaki dito at magkaiba ang estado ng buhay natin kaya tantanan mo ko." Sabi ko na lang at binaliwala ang kakaibang damdaming 'yon.

"Ano ba naman 'yan. Porke mayaman ka 'di ka na kakain ng mga simpleng pagkain? 'Di ka pa nakakatikin ng streetfoods no?"

"What if I am? Eh sa napakadumi naman talaga ng mga pagkaing 'yon eh!"

"Tara at papatikim ko sa'yo!" Hinila niya na naman ako papalit sa mga streetfood vendor. Nalukot ang mukha ko.

---

a\x3d0\&�w��

My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]Where stories live. Discover now