"Good morning!" Inis na nilayo ko ang cellphone sa taing ko.
Kung tiningnan ko lang sana kung sino 'tong tumawag edi malalaman ko na sanang si Tanya 'to at nang di nko na sinagot. Sino ba namang matutuwa sa napakatinis niyang boses?
"Ang aga mo namang nang-istorbo!" Singhal ko at dumapa. Wala ako sa mood pumasok. 😒
"Duh! Ang aga mo namang badtrip." Aniya at nai-imagine ko na pinapaikot niya ang mga mata habang nasasalita.
"Duh! Sino ba namang matutuwa kung umagang-umaga eh ikaw na ang makakausap? Hell!" Sabi ko.
"Ewan ko sa'yo!"
*TOOOT, TOOOT*
Aba't pinatayan pa ako!! Huh! Akala niya naman no!
Dahil sa inistorbo niya na ang tulog ko, wala na akong magawa kundi ang bumangon at maghanda na sa pagpasok.
You don't know what I'm capable of!
Dumadagundong ang boses ni Dad sa isip ko. Paulit-ulit itong nagpe-play na parang sirang plaka.
"What you're capable my ass. If I was the Anne that you know before, maybe, just maybe I will follow whatever your orders are. I was your princess after all." Wala sa loob na nasabi ko.
Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko nang maramdaman may mainit na likidong dumaloy.
"What am I thinkin'?" Dumiretso na ako sa walk-in closet para maghanda sa pagligo.
Winawaksi ang mga eksenang bumabalik sa aking isip. Mga eksenang ilang taon ko nang tinatabi sa sulok ng aking isip at sinasadyang kalimutan.
----
"Good morning Babe!" Masiglang sabi i Gelo pagbaba ko.
Napasimangot naman ako. Isa pa to eh. Ang maaga na ngang nasira ang mood ko dadagdag pa siya.
"What are you doing here?" Nakataas kilay na sita ko.
"Ano pa ba? Edi makikikain!" Nakakairita ang kasiglahan niya at ang sarap ilampaso ang mukha para mawala ang nakakalokong ngiti!
"Are you going to eat here again!? Wala ba kayong pagkain sa bahay niyo?!"
"Naku naman Babe!" Humalik pa siya sa pisngi ko na ikina piksi ko. Tss! These butterflies in my stomach again!
"Ang aga mo namang bad mood?" Tanong niya sabay akbay sakin. Gustuhin ko mang pumiksi eh hindi ko magawa dahil sa ang higpit ng hawak niya sa kaliwa kong balikat.
"Bat ba ang aga-aga mong clingy?"
"Hmm. Wala lang. Namiss kasi kita."
"Tss." Sabi ko na lang pero deep inside, di na tumigil sa pag rambulan ang mga paru-paru sa tiyan ko at nakisama pa ang nagsisitaasan kong mga balahibo. Oo na! Ako na ang kinikilig! 😍
Pero secret lang. 'Yokong malaman ng mokong na kinikilig ako. Di niya na ako titigilan eh.
"Naku! Ang aga naman ng mga batang ire maglambingan! Hala! Tama na iyan at mag almusal na. Baka mahuli pa kayo sa klase.
Hindi niya pa rin inaalis ang pagkakaakbay sa'kin hanggang sa pumasok na kami sa dining room.
Ilang buwan na nga ba mula noong in-annouce ni Gelo na kami na? Di ko na maalala. Ewan ko kung in-annouce nga ba?
Masyado na akong nasanay na kasama siya. Kaya di ko maiwasang matakot na bala bigla na lang siya mawala sakin.
Dahil sa totoo lang, unti-unti na akong nahuhulog sa kanya at di ko alam kung kakayanin ko ba pag mawala siya sa'kin.
------
"Ayan, maayos na ang helmet mo." Sabi niya at inayos pa ang buhok ko. Ako naman at mataman lang na nakatitig s la guwapo niyang mukha. "Tayo ka muna doon sa lilim at i-start ko lang itong motor." Aniya.
Tumangi na lang ako at tumungo sa lilim ng pader na may mga bougainvilla. Pinagmamasdan ko lang siya habang inaayos ang motor. Napapatitig ako sa mamasel niyang mga braso at kung paanong humigpit ang mga ito nang pihitin niya ang manibela ng motor.
Nakakatawa mang isipin pero ngayon ko lang siya nakitang ganito ka masculine. Ang pagkakakita ko kasi sa kanya dati ay playboy. 'Yun lang. Walang labis, walang kulang.
Alam ko na ngayon kung bakit mabaliw-baliw ang mga babae sa kanya.He have a body to die for!
*TSUP*
Para yatang bumalik ako sa earth nang may maramdaman akong malambot na bagay ang dumampi sa labi ko.
Wala sa sariling nahawakan ko tuloy ang mga ito at hinaplos. Napatingin naman ako sa kasama kong from ear to ear ang ngiti. Wala sa sariling namula ako!
"Ano 'yon?" Tanong ko.
"Wala ah." He tilted his head while the side of his lips rose.
Nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. He kissed me! He freakin' kissed me!
"YOU KISSED ME!!!" Hiyaw ko. Di naman sa ayaw ko pero bakit kasi di niya pinapaalam? Di ako prepared!
Tuluyan na siyang natawa. "Kanina pa kasi kita tinatawg pero 'di mo 'ko naririnig. Akala ko tuloy na mesmerize ka sa kaguwapuhan ko. Yun pala nagde-daydream ka na diya." Lumapit pa siya sa'kin. "Baka mamaya mag ka wet dreams ka niyan. Sige ka." Bulong niya sabay kindat.
"PERVERT!" Sigaw ko. "Hinding-hindi na talaga ako aangkas sa 'yo! Bahala kang mag-isa pumasok!" Namumulang sigaw ko sa kanya sabay pasok sa gate namin.
"Mang Dodoy! Paki hatid po ako sa school!"----
Walang hiyang lalaki yun! Tsk! Nararamdaman ko tuloy na namasaka ang panty ko nang sabihin niya 'yon.
Pinapanatili kong kalamado dahil baka mahalata ako ni Mang Dodoy. Kasalukuyan pa naman kaming nasa biyahe papuntang school.
Tumanggi naman si Gelo kanina at sinabing sa kanya na lang ako sasabay. Pero shet! Baka mahalikan ko lang siya eh!
"Pervert talaga." Bulong ko.
Paglingon ko sa bintana, nagilat ako dahil nasa tabi lang siya ng kotse. Heavily tinted naman ito laya di niya nakikitang tinititigan ko siya. Kasalukuyan pa naman kaming huminto dahil sa red light kaya natitigan ko na naman siya ng matagal.
Ang yummy niya talaga.
Bigla siyang lumingon sa gawi ko at kumindat. Wala sa sariling natigilan ako kaya agad-agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan siya at bigla na lang nag green light means go.
Asar na naman kong tumingin sa kanya at napairap na lang sa kawalan.
Humanda ka mamaya!
-----
YOU ARE READING
My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]
General FictionNagbago ako di dahil gusto ko kundi dahil sa pinaglaruan nila ako. Disclaimer: This is a Tagalog story. (Hindi talaga ako magaling sa ganito. :D)