Dine-dedicate ko ang chapter na ito kila charm_jamolin009 at jhaelynne307 dahil sa pag-add nila ng My Gothic Girl sa kanilang reading list.
This chapter is for both of you! Thank you!!
Ps: isa lang po muna ang nilagay ko sa dedication kasi hindi pwede ang dalawa. sa next update na lang po ulit! ^__^v
Chapter 15
ANNE
"Anne, gising na. Alas otso na. Sige ka male-late ka."
"Hmmm." Umungol lang ako at nagtalukbong ng comforter.
"Gising na bunso." Tinatapik na ni Manang Norma ang balikat ko. Nakagawian na kasi ni Manang na gisingin ako tuwing umaga. Hindi ako nagla-lock ng pinto kaya malaya silang nakakapasok sa kuwarto ko.
"It's too early." Mahinang ungol ko. Pinatay naman nito ang aircon at binuksan yata ang bintana pero 'di pa rin ako natinag.
"Wala pa si Dodoy Bunso."
"I can drive." Marunong naman kasi talaga akong mag-drive.
"Hindi pa pwede dahil sa wala ka pang lisensya. Gusto mobang makulong?"
Tss. Ayaw kasi akong pakuhanin ni Ate Angel ng license. Nakakaasar kasi hindi ko gaanong magawa ang gusto ko. Makapag saglit nga sa LTO minsan. Kukuha talaga ako ng drver's license nang 'di ko na naiistorbo si Mang Dodoy.
Padabog akong bumangon at dumiretso na sa toilet. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang higaan ko. Nandiyan naman na si Manang eh.
Pagkalipas ng ilang minuto nasa dining room na ako at nag-aalmusal. Kasabay ko sila Manang. Lima ang kasambay ko dito. Si Manag Norma ang cook, si Mang Dodoy ang driver, si Sila Ate Alice at Ate Ging-ging ang tagalinis at tagalaba at lastly, si Manong Jes na gardener. May guard din naman kami na nagbabantay.
"Ate Ging, nabigyan niyo na po ba ng food yung guard?" Tanong ko. Nagtatagalog talaga ako 'pag sila ang kausap ko. 'Pag ibang tao at ang pamilya ko nag e-english ako. Mas pamilya pa ang turing ko sa mga kasambahay namin kesa sa totoo kong pamilya. Sino ba namang mga magulang na hayaang mag-isa ang kanilang anak na babae sa malaking bahay at tanging mga katulong lang ang mga kasama 'di ba?
Ako lang talaga mag-isa ang nakatira dito sa malaking bahay na 'to. May bahay ang parents ko sa malayong subdivision at si Ate Angel naman ay may asawa na kaya ako na lang ang nakatira dito. Ang saya 'di ba? Yung ibang tao nakakasama nila sa iisang tahanan ang mga pamilya nila hanggang sa pagtanda. Sa amin iba. Kaya hindi maiwasan na lalo akong magalit sa kanya. Dahil sa pagtrato niya ng ganito sa mga anak niya. Kaya pinapangako ko sa sarili ko na 'pag nagkaanak ako, mamahalin at iintindihin ko siya kahit pa may mali silang ginawa.
Tapos na kaming kumain at nandito ako sa living room. Parang tinatamad talaga akong pumasok ngayon dahil sa nangyari kagabi.
Ano na lang gagawin ko ngayon? Baka mag-feeling close sakin ang lalaking 'yon at ipagkalat na mag-boyfriend talaga kami. Mawawala na yata talaga ang pinakaaasam kong peaceful life.
"Anne. Tumawag yung guard. Sabi niya nasa labas na daw ang sundo mo." Tawag ni Ate Alice sa'kin. Nagtaka naman ako. Nandiyan na ba si Mang Dodoy?
"Akala ko wala pa si Mang Dodoy 'Te?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko.
"Hindi si Mang Dodoy. 'Yung boyfriend mo." Kinikilig pa na sabi niya. Taena. Kilala ko na kung sino. Sino ba naman ang makapal ang mukha na mag-feeling boyfriend ko?
Nagpupuyos naman ang kalooban na tumayo at tinalikuran ko na si Ate Alice. Nakita ko naman ang epal na nakasandal sa puno ng mangga. Saglit akong natigilan nang makita ko siya. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at sandali akong natigilan.
GELO
Nakasandal ako sa puno ng mangga dito sa bakuran nila Anne. Pinapapasok naman ako ng guard pero sabi ko hihintayin ko na lang siya dito. At dahil nakasandal ako paharap mansion, nakita ko kung paanong natigilan si Anne pagkakita sakin.
Sino ba naman ang hindi matitigilan 'pag nakita ako? Sa gwapo kong to, madaming nagkakagusto sa akin sa unang tinginan pa lang. Si Lexie Anne Bautista lang talaga ang hindi tinatablan ng charm at taglay kong kagwapuhan. Siya lang, wala nang iba.
Inabot na yata ng ilang minuto at nakatulala lang siya sa akin.
"Inlove ka na sa'kin niyan?" Panunudyo ko. Iniwas niya naman ang tingin sa'kin at pagkaraa'y, tiningnan din ako ng masama. "Ikaw ha, may pagnanasa ka naman pala sa akin. Sagutin mo na kasi ako."
"What are you talkin' about?" Nakakunot noong tanong niya. "You've announced that you're my boyfriend right? I didn't even know that I have a Suitor." Sarcastic niyang sabi.
"Edi payag ka maging girlfriend ko?"
"Nye, nye!" Naka-troll face pa siya at pinaikot ang mga mata.
Natawa ako dahil ang cute niya.
"ARAY!" Hiyaw ko nang maramdaman na sinipa niya ako sa binti. Takte! Gawa ba sa bakal iyang converse shoes niya?! Hinimashimas ko ang binting nasktan. "Ba't ka naninipa!?"
Sinamaan niya naman ako ng tingin. "I will never, ever accept you as my boyfriend! Hell! I hate seeing that ugly face of yours!!"
"Grebe siya Oh. Ugly daw, eh madami ang nagkakandarapa mapansin ko lang." Nakangising sabi ko.
"Conceited ugly beast!" Inis na sigaw niya at tinalikuran ako.
Napapangiti namang sumunod ako sa kanya nang malapit na siya sa gate.
"Motor ulit sasakyan natin ha?" Sabi ko nang makalabas na kaming dalawa sa napakalaking gate nila.
"Whatever!" Nakatayo na siya sa labas ng gate at nakita ko namang naaaliw si manong guard sa amin.
Napapalatak na lang ako. Ibang klase talaga ang temper niya. Lahat ng taong makita niya damay. Paano kaya ito napakikisamahan ng mga kasambahay? Malamang napaka-bossy nitong babaeng to. Mukhang magiging under the saya ako nito ah.
"Hey! Vergara! What are you waitin' for!? Hurry the f*ch up! I'm gonna be late!!" Naku siya lang ang nakakapagmura sa akin ng ganyan. Lahat ng nakikilala kong babae halos sambahin ako at hindi makapagmura sakin. Maliban na lang sa ehem! Tanging siya lang talaga. Pasalamat siya mahal ko siya kung hindi naku na lang.
"Opo Ma'am!" Sabi ko na lang. Humarap ako sa guard. "Alis na po kami Kuya galit na po ang boss natin eh." Paalam ko na natatawa.
"Ay Ser. Okey lang pu 'yun. Ganyan lang pu 'yan piro mabait yan." sabi niya. Bisaya pa yata ang tigas magsalita eh. Nginitian ko na lang siya at tumalikod na. Nakita ko si Anne na nakasandal sa motor ko. Ang ganda niya talaga kahit saang anggulo.
"What took you so long?" Inis na tanong niya. Halatang naiinip na.
"Tss. Napakaatat mo naman. Tsaka okay lang naman na malate ka. Sa inyo naman 'yung school eh."
"So? I'm still a student and being a daughter of the owner doesn't mean that I can do whatever I want. So, can you please hurry up?"
"Yes Ma'am!" Nag-salute pa ako at kinindatan siya. Pinaikot na naman ang mga mata niya. Sa susunod na itirik mo yang mata mo, hindi na sa inis kundi sa sarap na.
A/N: Hindi ko po tinanggal yung dedications.

YOU ARE READING
My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]
General FictionNagbago ako di dahil gusto ko kundi dahil sa pinaglaruan nila ako. Disclaimer: This is a Tagalog story. (Hindi talaga ako magaling sa ganito. :D)