Anne
"Uy, uy saan tayo kakain?" Tanong ni Tanya sa'kin.
Unfortunately, pareho talaga kami ng schedule pati mga subjects kaya ayan palagi siyang nakabuntot sakin. Nawala na ang dating tahimik kong buhay.
"Dunno. Anywhere." Sagot ko. Naglakad na lang ako ng naglakad siya naman ay umaagapay sa akin.
"OMG! OMG! OMG! Anne! May gwapo!" Hiyaw niya. Parang ngayon lang talaga nakakita ng tao tong babaeng to.
Niyuyog-yog nito ang braso ko at napatingin naman ako sa tinitingnan niya. Nalukot ang mukha ko pagkakita sa tatlong itlog na papalapit sa direksyon namin.
"Hello Anne!"
"Hi Anne!"
Sabay na sabi nila Alvin at Bryan. Pinagtaasan ko lang sila ng kilay at nilingon ang katabi ko na halos mangisay na sa kilig.
"Saan kayo pupunta?" --> Alvin
"Pwedeng sumabay?" Sabi ni you-know-who. Tsk. Sa mga hindi magets kung sino, edi si Gelong epal.
"Oh sure! Pwedeng-pwede! Halika sabay na kayo! Naku! Ipapatikim ko sa inyo yung cake na ginawa ko. Si Anne nga eh, halos ubusin yung cake ko. Hahaha." At siniko niya ako. "Diba Anne?" Totoo naman kasi.
I just rolled my eyes at nauna na akong maglakad. Nag-usap na lang silang apat doon.
Nakakita lang ng gwapo ang babaeng yun nakalimutan na niya ang pagkabulol niya? Sana pala sa gwapo na lang siya nagpakilala nung first day niya diba? Kabanas huh?
Wait, sinabi ko bang gwapo sila? Erase, erase.
No, hindi sila gwapo, pangit sila! Sa sobrang kapangitan, pwede na silang ipatapon sa Mars dahil nandoon ang mga kalahi nila."PSSST! Anne! Saan ka pupunta!" Tsk. Sino pa ba ang gumaganun sakin? Walang sumisitsit sakin mula noon tanging siya lang.
Hinarap ko siya ng nakataas ang mga kilay. "Anywhere you don't exist!" Sigaw ko.
"Haha! Ang bad mo talaga! Tara sa cafeteria na lang tayo! Sasabay daw satin sila Gelo! Dali!" Wow huh? Di naman siya excited no?
"Tsk!" Tumalikod na ako at pinagpatuloy ang paglalakad.
Pupunta na lang ako sa haven ko dahil ilang linggo na rin ako hindi nakakapunta doon. May parot na plumpy kasing bumubuntot sakin kaya tinatamad akongtumambay doon. Pag nagkataon wala na talagang katahimikan ang buhay ko dito sa school.
"Bahala ka! Ipapaubos ko sa kanila yung chocolate cake ko marami pa naman akong dinala!" Sigaw niya. As if naman matatakot ako dun! Hmp!
Naglakad na lang ako patungo sa tambayan ko.
Bahala ka! Ipapaubos ko sa kanila yung chocolate cake ko marami pa naman akong dinala!
I shook my head. Madami pa namang chocolate cake bahala siya.
Bahala ka! Ipapaubos ko sa kanila yung chocolate cake ko marami pa naman akong dinala!
Argh!! Bakit ba kasi hindi maalis sa isip ko yun!? Takte naman oh!
Breathe in. . .
Breathe out. . .
Breathe in. . .
Breathe out. . .
Bahala ka! Ipapaubos ko sa kanila yung chocolate cake ko marami pa naman akong dinala!
Okay, ayaw talaga ako tigilan ng cholate cake na yun.
"I've made up my mind." Bulong ko sa sarili at nag about face. Aba hindi ako makakapayag na maubusan ako ng cake no!
YOU ARE READING
My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]
Ficción GeneralNagbago ako di dahil gusto ko kundi dahil sa pinaglaruan nila ako. Disclaimer: This is a Tagalog story. (Hindi talaga ako magaling sa ganito. :D)