Chapter 09

47 1 1
                                    

Gello

Nandito ako ngayon sa harap ng CBA building at hinihintay sila Anne na lumabas. Dito din naman ang department ko pero nahihiya naman akong isipin ni Anne na hinihintay ko siya kahit totoo naman.

Uumpisahan ko na ang 'oplan: makipaglapit kay Anne'.

Nagpalit na rin ako ng number para hindi na ako matext ng mga chicks at hindi ko na rin sila pinapansin kapag tinatawag ako. Umiiwas na rin ako sa kanila. Sinabihan na rin ako nila Alvin na wag na muna ako pumunta sa bar. Magbabagong buhay na nga lang daw ako bat di pa lubusin? Tama nga naman. Kaya umuwi na ako kahapon para pagplanuhan yon.

Napatuwid ako ng tayo ng matanaw ko na sila na nasa hallway. Nag-uusap yata sila or should I say na si Tanya lang ang nasasalita at si Anne ay tahimik lang.

Tinitigan ko si Anne. Napakaganda talaga niya. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang itim na itim mula sa black longsleeves, black pants at black boots. Itim din ang kanyang buhok na nagpapalitaw ng kanyang kaputian at ang light make up na gustung-gusto ko. Simula dati gustung-gusto ko talaga ang make-up niya hindi lang basta light kundi nude make up na nagpapalitaw ng kanyang malaanghel na mukha.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala lang sa kanya o kung oras ba ang tinagal. Wala na akong pakialam dun. Ang mahalaga lang sa akin ay ang kanyang presensya na kahit kailan ay nagbibigay ng malakas ng kabog ng aking dibdib at ang panlalamig ng aking mga kamay. Hindi na nawala itong pakiramdam na 'to at masarap sa pakiramdam na---

"Ah! Si Gelo! Dalian mo maglakad dyan Anne!"

Naputol ang pag-iisip ko noong marinig ko ang boses ni Tanya. Hinatak ni Tanya si Anne palapit sa akin. Napatingin ako kay Tanya nang magsalita siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakangiting sabi niya. Parang gusto ko tuloy sabihin na alam naman na niya. "May hinihintay ka siguro no? Girlfriend?" Tudyo niya. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.

"Joke lang ito naman." Nilingon niya si Anne at kumapit sa mga braso nito. "Tara Anne, miryenda muna tayo kasama ni Gelo. Gosh! Nawindang yung utak ko sa Advance Accounting! Na-freeze pa yata!" Naaaliw akong panoorin sila. Masaya ako na may kaibigan na siya. Kahit naman obvious na obvious na naiirita na siya kay Tanya.

"Your a noob that's why you got zero on our quiz. And please! Get your hand off me!" Inis na hinawi nito ang kamay ni Tanya sa kanyang braso.

"Ang bad mo talaga! Hmp!" -Tanya

"Am not! I'm just stating the obvious. Seriously, you should've spend a lot of time on our major subjects or else you'll to fail all of them." Si Anne naman na nanlalaki ang mga mata.

"Madali lang para sayo kasi ikaw ang pinakamatalino! Eh sa tulad kong slow, mahirap yun!"-Tanya

"'Know what? I'm confused, you're a nerd and yet a coocoo brain? I thought all nerds are smart ass?" Nakakutot noo si Anne.

Gusto kong matawa. Nakatayo pa rin kaming tatlo dito at nag-uusap sila o nagtatalo na parang nakalimutan na ang existence ko.

"FYI! Not all nerds are smart ass. There are some nerds like me that are so slow and a coocoo brain!" Singhal naman ni Tanya dito at ginaya ang tono ni Anne. "Kaasar ka! Napa-english tuloy ako."

Tinaasan lang siya nito ng kilay. "So, that nerdy attire is just for show?"

"Pakialam mo ba?! Walang basagan ng trip! Hmp!"Namumula na talaga si Tanya. Hahaha.

"Tara na girls. Meryenda na lang tayo. Libre ko." Napatingin naman sila sa'kin sa bigla kong pagsingit.

"You know mister, we can buy our own snacks without you. Why don't you get out of my sight and do what you usually do?!" Nakataas na ang kilay nito at sa sobrang taas para nang pupunta sa anit niya. Haha.

"Ito naman. Tara na. Baka buong St. Anne na yung nandito at pinapanuod tayo. Diba ayaw mo ng atensyon?" Tumingin ako sa paligid. Marami nang students na nakatingin sa amin. "Tingin ka sa paligid marami nang students na nakatingin sa atin dahil dyan sa pagbabangayan nyong dalawa."

Tumingin naman siya sa paligid at asar na umalis.

"Tara sabay na tayo dun." Sabi ni Tanya sa akin at sumunod na dito. Ako nag-aya ng libre eh. Kailangang panindigan.

Napabuntong hininga na lamang ako.

My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]Where stories live. Discover now