ANNE
"Pabili nga po nitong fish ball, kwek-kwek at kikiam. Padagdag na din po pala ng tempura tigbebente po lahat. Tsaka dalawang sago't gulaman po yung nasa malaking cup." Narinig kong sabi niya sa mamang nagtitinda.
Wala akong imik na nakatayo dito sa gilid ng talipandas at di makaalis dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa'kin. Alam niya sigurong lalayasan ko siya pag di niya ginawa 'yon.
"Bat ang tahimik mo?" Huh! At nagtanong pa!
"'Coz I have nothing to say." Inirapan ko pa siya.
Tumingin na lang ako sa kalsada. Ang gulo talaga ng lugar na 'to. Kaliwa't kanan ang mga bike na parag tricycle. Pedicab yata ang tawag sa ganon. Maingay pa dahil sa walang humopay na busina ng mga sasakyan dahil sa kung saan-saan tumatawid ang mga tao, at maraming mga vendors na nagkalat sa paligid.
Hindi ko alam kung paano ako nagtagal sa lugar na 'to.
"Uy, ang tahimik mo yata dyan?"
Gulat na napatingin ako kay Gelo na may mga hawak nang street foods. Hindi ko man lang naramdaman na lumapit na pala siya sa akin. Kailangan talagang paulit-ulit tanngin?
"Well, it's none of your business." Pagtataray ko.
"Well, it's my business 'coz you're my girl." Panggagaya niya sa'kin.
"Can you please shut the fuck up?!"
Tinaas niya ang dalawang braso tanda ng pagsuko.
"Okay, okay. Titigil na. Oh etong sayo." Sabay lahad ng streetfoods.
Tininingnan ko iyon. Bakit ba sarap na sarap sila sa ganito? Ang pangit kaya ng hitsura!
"No thanks. You can have all of it if you like." Sabi ko sabay baling sa mga sasakyang dumadaan. Sinulyapan ko ang wrist watch at pasado alas kuwatro na pala.
"What time are you gonna bring me home?"
"'Pag naubos mo to."Aniya at kinuha ang kamay no na sapilitang pinahawakan sa akin ang plastic cup. Na may lamang street foods.
"How many times do I have to tell you that IM.NOT.GONNA.EAT.THOSE!" Singhal ko.
"Uy, hinaan mo naman ang boses mo." Aniya sabay lingon sa paligid.
Napalingn na rin ako at may mangilan-ngilang tao ang nakatingin sa kinaroroonan namin.
Binalingan ko siya. "Well, don't force me to eat that disdusting food!"
"Kung tikman mo kaya muna bago ka umayaw? Ganyan ba lahat ng mayayaman? Nakikita niyo lang na nasa paligid at tinawag na street foods ayaw niyo ka kainin kahit isang beses lang? Porke ba kinakain naming mga mahihirap ayaw niyo nang kainin? Hindi na ako nagtataka kung bakit napaka matapobre niyo."
"Am not that kind of person and you know that." Sabi ko sa malumanay na boses.
"Eh bakit ayaw mo tikaman kahit konti lang? Wala namang mawawala 'di ba? Kung kami nga hindi namatay kayo pa kaya? Ah oo nga pala. Hindi ka pala kumakain kapag hindi mo kilala ang gumawa o nagluto." Lumayo siya at nilapitan ang basurahan sa gilid ng tpinabilhan niya.
Nakonsensya naman ako. Nag effort na nga siya na bilhin 'yon at pera niya pa ang ginamit niya. Tapos heto ako't nag iinarte. Wala nga namang mawawala kahit konting tikim lang. Nilapitan ko siya at pinigilan sa tangkang pagtapon ng mga pagkain. Takang napatingin siya sakin.
Buuntong hiniga ako. "Okay. I'll try those." Sabi ko at kinuha ang plastic cup.
Tumikwas naman ang gilid ng labi niya. Para bang nagtitimping mapangiti. Tinaasan ko na lang siya ng kilay at tumingin sa hawak ko.
Naakit akong kainin ang bilog na kulay orange ang cute kasi. Kaya tinusok ko gamit ang stick at kinain.
"Hey, what's this?" Sabi ko habanng ngumunguya. Tinuro ko sa kanya yung orange ball.
"Ah, kwek-kwek awag diyan. May itlog ng pugo sa loob. Nagustuhan mo ba?"
"Kinda."Sabi ko na lang. Pero sa ang totoo? Nagustuhan ko ng sobra! "By the way, what pugo? Is it an animal is it the name of the egg?"
Napatawa siya sa sinabi ko. "Akala ko magaling kang magtagalog. Marami ka pa palag dapat matutunan."Aniya at ginulo ang buhok ko. Inis namang hinawi ko 'yon.
"The hell! Just answer my damn question!"
"Well the pugo is an animal that lays eggs." Natatawang sabi niya. Bwisit!
"Nevermind. I just ask my cook." Sabi ko at tumalikod na. "Since that you don't have any plans on bringing me home, I'll go home by my self. Good by Gelo." At tumalikod na ako. Ha! Akala niya! Sa bahay ko na kakainin itong natirang streetfoods dahil tatanungin ko sila Ate Ging tungkol dito.
N/A: So sorry for the super dupper late update guys!
YOU ARE READING
My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]
General FictionNagbago ako di dahil gusto ko kundi dahil sa pinaglaruan nila ako. Disclaimer: This is a Tagalog story. (Hindi talaga ako magaling sa ganito. :D)