Chapter 07.2

39 3 2
                                    


Gello

"Sige kain pa kayo. Dinamihan ko talaga ang pagdala ng cake kasi nga nagustuhan ni Anne. Kaya nga lang nag-walk-out siya kaya kayo na lang ang kumain huh?" Sabi ni Tanya.

Masaya siyang kasama at napadaldal kaya nga lang, sa physical appearance ay bagsak siya. Alam niyo na, ang type ng mga lalaki eh slim, magandang manamit at may magandang mukha. In short, gorgeous. Kabaligtaran siya ng mga yun.

Napatingin ako sa dalawa na nakatingin din pala sa'kin ng makahulugan.

Naalala ko ang usapan namin kanina

[Earlier]

"Pre, narinig niyo ba ang usap-usapan?" Sabi Bryan kay Alvin. Nandito kami ngayon sa bakanteng room ng Criminology building. Pinuntahan kasi namin ni Bryan si Alvin at nang makita namin na may bakanteng kwarto, pumasok na kami para magpalipas ng oras. Pare-pareho lang namang vacant namin ngayon.

Ako naman tamang soundtrip lang boring eh. Pero kahit ganoon naririnig ko pa rin sila na nag-uusap pero di ko na pinapansin. I'm not interested. Wow ha? Nag-English na ko.

"Ano naman yun?" Sagot ni Alvin.

"Tungkol kay Anne." -Bryan

Pagkarinig ko sa pangalang yun napatingin na ako sa kanila at tinanggal ang earphone sa tenga ko.

"Anong tungkol kay Anne?" Napatingin naman sila sakin at napailing.

"Basta si Anne ang pinag-uusapan rinig na rinig mo kahit naka-earphones ka no?" Natatawang sabi ni Alvin.

"Ganon talaga. Pag kayo tinamaan maiintindihan niyo ko." Nginisihan ko na lang sila.

"Tsk. Yung Anne mo kasi may bumubuntot-buntot na sa kanya." -Bryan

"Ay oo pre. Nak ng! Ang laki ng katawan!" Si Alvin naman na nakangisi.

Psh. Ngisi pa siya dyan. Tangna, huli na ba ako? May pumuporma na ba sa kanya?

"Yeah. Matangkad pa dude. Kung nakita mo lang sa---"

"Anak ng tupa! Sige dagdagan mo pa Bryan! Kailangan ko na tagalang pormahan si Anne. Baka maunahan pa ako ng kung sino mang bakulaw na yon!" Napatayo pa ako pagkasabi no nun. Letse kasi ang Bryan na yan eh! Dumagdag pa!

"Hahahahahaha!" Abat talagang sabay pa silang tumawa kita nang namomroblema ako dito eh. Nakagat ko tuloy ang kuko ng hintuturo ko. Mannerism ko na yan kapag may iniisip ako.

"Pucha ka Angelo! Hahahahahaha" si Alvin yan. Para nang mapuputulan ng hininga sa kakatawa at ganoon din si Bryan. Tae! Anong nakakatawa?

"Sige tawa pa!" Singhal ko na.

"Okay,okay. Sandali at hihinga muna ako. Tae ka kasi makareact!" -Bryan

"Oo nga!" Si Alvin at umupo na ng tuwid. Tumahimik naman na ako at bumalik sa upuan ko.

"Magkukwento na ko huh?" Sabi ni Brayn na natatawa pa rin.

"Tss." Umupo na lang ako ulit at tumingin sa kanila.

"Alam mo, may usap-usapan kasi na may palaging nakabuntot kay Anne. Matangkad at malaki ang katawan." Nag igtingan ang mga panga ko sa narinig pero kailangan kong magtimpi.

"At. . ." Nagpause pa.

"At ano!" Singhal ko. Tumingin naman siya kay Alvin at nagtawanan na naman sila. Eh kung pag-umpugin ko na kaya yung dalawang yan?

"At babae siya." Natigilan naman ako at napatingin ako kay Alvin dahil siya na ang nagpatuloy ng sasabihin sana ni Bryan.

"Babae?!" Inis na sigaw ko. May bumubuntot na tomboy kay Anne? Ayaw niya ba sa lalaki!?

"Oy, oy! Kung ano yang iniisip mo, itigil mo na. Dahil hindi tomboy yun." Sabi ulit ni Alvin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nanahimik na. Mind reader ang pucha! "Okay magkukukwento na ko ha?"

Hindi ako sumagot at tumingin sa kanya kanya nagpatuloy na siya.

"Yung babae na bumubuntot palagi kay Anne, ay si Tanya. At isa siyang nerd na balyena okay?"

"Oh? Ano naman ngayon? Buti nga at may nakakatiis sa kanya eh." Sabi ko na lang. Napahiya eh.

"At may pinaplano kami." Sabi naman ni Brayn na nag lean forward na sakin. Takte! Ano bang araw ngayon at napapa-English ako?

"Oo nga at sigurado kaming magugustuhan mo." -Alvin

Napatingin ako sa kanila. May masamang binabalak ang mga to ah. Baka gusto nilang paligawan sakin yung tabatsoy na yun! Ayoko! Loyal ako kay Anne!

Kaya napatayo ako ulit.

"Tangna kung gusto niyong paligawan sakin yung tabatsoy na yun kayo na lang!" Sigaw ko sa kanila.

Napa what-the-fuck look naman sila sakin.

"Ano bang nakain mo at tamang hinala ka ngayong araw?"-Bryan

"Oo nga. Daig mo pa ang babae maka-react eh. Wag mong sabihing. . ." -Alvin

"Gago!" Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil alam ko na ang idudugtong niya.

"Okay,okay! Ikaw na nga lang magsabi Bryan."

Tumingin naman ako kay Bryan. Ano kayang pinaplano ng mga to?

"Ganito kasi yung napag-usapan namin ni Alvin. Well, actually, kahapon pa namim napag-usapan to." Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinagkrus ang mga braso sa dibdib ko. "Naawa na kasi kami sayo. Isang taon mo nang sinusubaybayan yang si Anne pero hindi ka man lang gumagawa ng paraan para mapalapit sa kanya. Tsaka lalong aayawan ka nun kasi ilang beses ka na niyang nakita na may kasamang iba't-ibang babae and take note, kadalasan pa na nakikita ka niya nakikipag make out."

"Tama, tama." Singit ni Alvin na tumatango-tango pa.

"Kaya sa halip na magustuhan ka non, lalo pa yon magagalit at bababa na ang tingin sayo non. Hindi man natin alam pero halatang-halata na nakakaangat sa lipunan ang pamilya niya. Eh ikaw, ano ang maipagmamalaki mo sa kanya?" Hindi ako nakaimik doon. Tama naman kasi siya. "Kaya kailangan mo nang magbagong buhay at mapalapit sa kanya." Nagsalubong naman ang kilay ko doon.

"Paano?" Sabi ko na lang. Kasi hindi ko alam kung paano. Napakahirap kasing hulaan ang mga gusto niya. Hindi katulad sa ibang babae na unang tingin pa lang alam na kung ano ang mga gusto at ayaw.

"Dito na papasok si Tanya." Singit na naman ni Alvin kaya napatingin ako sa kanya.

"Tama." Sang-ayon ni Bryan kaya nabalik ang tingin ko sa kanya. "Kakaibiganin natin si Tanya. Ilang linggo na rin naman na ang nakakaraan kaya siguro may alam na siya sa mga ayaw at gusto ni Anne."

"May alam na rin naman tayo kahit konti sa kanya. Gaya ng gusto niya ang color black, gusto niya ng tahimik na lugar at gusto niyang mapag-isa palagi. Pero hindi sapat yun para mapalalpit sa kanya. In short, kailangan mo siyang kilalanin." -Alvin

"Tama." -Bryan

"Hmmm. Tama nga kayo." Tss, kailangan ko na talagang magbago. Kung ako nga ang nasa lugar ni Anne talaga matu-turn off talaga ako kapag ganun.

"Oh ano game ka? Tutulungan ka namin." Sabi ni Bryan na lumapit na saki at inakbayan ako ganon din si Alvin.

"Oo ba!" Sabi ko.

Mapasakin ka lang Anne. Gagawin ko ang lahat.

My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]Where stories live. Discover now