Chapter 06

48 2 1
                                    


"Thank God I'm full." Sabi ko at hinimas-hinamas ang aking tiyan.

Nandito nga pala ako ngayon sa cafeteria at di ko na alam kung nakailang balik na ako sa counter para bumili ng pagkain. Ginutom ako sa meeting at ng sagutan namin ni Dad kaya wala nang nakakapagtaka dun.

Nakaupo lang ako dito sa upuan at nakatingin sa kisame ng cafeteria. Sa totoo lang namimiss ko na ang dating buhay ko. Pero alam ko sa sarili ko na hindi na maibabalik yun nagbago ang lahat nang mangyari ang trahedyang 'yon at ayaw ko nang alalahanin.

"Life's unfair." At nagbuntong hininga ako.

"A-ahhhmm. E-excuse me."

Napatingin naman ako sa harap ko at nakita ko ang isang babaeng may hawak na tray ng pagkain, na nakasuot ng longsleeve sweater, nakapalda ng mahaba na hindi ko na kailangang tingnan kung hanggang saan. Medyo plumpy siya, may bangs at naka-eyeglasses na sobrang laki na akala mo eh naokupa na nito ang buong mukha niya. In short, she's a typical nerd na pakalat-kalat sa school.

Nagkibit balikat na lang ako kaya naupo na siya sa silya na katapat ng inuupuan ko.

"A-ahm, t-thank you. W-wala na kasing v-vacant n-na t-table." Nakayukong sabi niya. And honestly? I am annoyed in her stammering.

"Don't bother." I irritatingly said. Tiningnan ko ulit siya. Bagong mukha. Baka transferee.

"Are you a transferee?" I asked, I'm not curious okay?

"O-oo. G-gal-ling a-ako s-sa S-state U-uni-v-versity."

Good lord! This girl is really annoying!

"Will you stop stammering?! 'Coz you know its so fuckin' annoying!?" I'm really irritated to the highest level.

"S-sorry." God! What will I do to her?!

"Geez!" Sabi ko at tumayo na. Maagap naman niya akong pinigilan.

"Uhm, sorry na." Kaya naman pala niyang magsalita ng tuwid eh. Kaya umupo na ako ulit. Ewan ko ba, parang gusto ko pa siyang makilala. I know, it's weird but I have a feeling that she's a good person.

"Hooo! Hehehe. Akala ko aalis ka na eh." Tinaasan ko lang siya ng kilay. May kinuha naman siya sa bag niya at iniabot sa akin 'yon. Isang slice ng chocolate cake, kahit na hindi ako mahilig doon ay inabot ko na rin. Baka ma-offend eh.

"Ako nga pala ang nagbake niyan. Peace offering ko na lang sayo kasi nainis ka sakin kanina. Pasensya na talaga ha? Sa totoo kasi natatakot ako sayo. Ang angas mo kasi kaya kinakabahan ako kanina. Naku! Lalo na noong nainis ka sakin dahil sa pagkabulol ko. Pero nice ka naman pala kaya bati na tayo huh?" Aniya. "Tapos masama pa yung tingin sa'kin ng ibang students. Tss, ano ba problema nung mga yun? Akala mo naman ngayon lang nakakita ng tao." Pagpapatuloy niya. Napamaang naman ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala, siya ba talaga yung babaeng bulol kanina?

I cleared my throat.

"Okay." I said and then I started eating the cake. Infairness, she got a talent. "I love it. It tastes good." Sabi ko ng naka straight face. That's my usuall expression so what's new?

She giggled. "Thank you. Maraming nakapagsabi na masarap yung gawa ko. Kaya pangarap ko talagang magpatayo ng pastry shop someday. Gusto kong i-pursue ang pangarap ko na yon. Kaya nag-aaral ako ng business administration. Sa baking kasi konting polish na lang ang kailangan ko. Kaya itong course na to ang kinuha ko para malaman ko kung pano magpatakbo ng business." Sabi niya habang nilalantakan na ang pagkain niya. Oo nilalantakan, pano ba naman kasi, tuloy-tuloy ang pagsubo niya habang nagsasalita akala mo eh isang taon siyang hindi nakakain. Tsk, mabulunan sana para tumahimik.

"Hmmmm. Ang sarap naman ng food nila dito. Di katulad doon sa pinanggalingan kong school na walang lasa ang mga pagkain." Napaharap siya sa'kin. "Ano nga pala name mo? Kanina pa tayo nag-uusap, di ka man lang nagpapakilala."

Woah! Ako pa ang hindi nagpakilala huh!? At teka, kami? Nag-uusap? Duh! Siya lang kaya ang nagsasalita. Napailing na lang ako sa kanya.

"I'm Anne." I don't bother telling my lastname. What for?

Ngumiti naman siya at nilahad ang kanan niyang kamay. "Ako nga pala si Ma. Tanya V. Sandoval. V stands for Valeria. Nineteen years old. Only child at nakatira sa Lauren's Sudivision. Ang Papa ko ay si----"

"Wait, wait wait! I'm not interested on what's you father's name! Geez! I don't give a damn on where do you live okay? If you gonna introduce your self that way, it's better if you give me your resumé. Tss!" I'm beyond annoyed at this moment. This is the first time I've met this kind of person and swear I relaly want to kill her.

Nag-peace sign lang siya at nagpa-cute. Tss, akala mo naman bagay sa kanya. "Sorry naman. Nae-excite kasi ako eh. First day ko pa lang may nakilala na ako. Anong block ka? Ako kasi sa two B. Alam mo na, transferee kaya irregular."

Tsk. Pareho pa kami ng block. "We're in the same block." Sabi ko na lang at tumayo na.

"Yay! Magkablock tayo! Edi ibig sabihin niyan eh classmates tayo sa lahat ng subjects?! Wow naman!"

Wow! Ang saya niya.

"It doesn't mean that if we are in the same class, we are taking the same subjets. I'm also an irregular student." Inis kong sagot at tumayo na. First time kong nagtagal dito sa canteen.

"Uy! Hintay naman sasabay na lang ako sayo." I rolled my eyes. Bahala siya sa buhay niya.

Thank you!

My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]Where stories live. Discover now