Gelo
"HAHAHAHAHAHA! Buset! Edi bitin na bitin ka nun?!" Kanina pa tawa ng tawa itong si Alvin at pangako kung hindi lang krimen ang pumatay, kanina pa 'yan walang buhay. Kinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari.
"Kung hindi ka ba naman kasi tanga, eh bakit dun pa?" Sabi naman ni Bryan na prenteng nakaupo sa sofa. Hindi siya pala tawa katulad ni Alvin na mabilis matawa kahit wala namang nakakatawa.
"Tss. Eh dun gusto ng linsyak na babaeng yun eh. Para may thill daw." Sabi ko naman na ininom ang beer ko.
Nandito kami ngayon sa tambayan well, apartment ito na inuupahan namin. Pinag ambagan pa namin mula upa hanggang mga gamit dito. 'Yong ibang gamit ay nanggaling sa mga bahay namin kumbaga mga pinaglumaang gamit na hindi na napapakinabangan sa bahay ay dito namin dinadala. Kaya masasabi naming bahay namin 'to.
Plano rin naming bilhin 'to pagka-graduate namin. Matagal-tagal na rin naman kasi naming inuupahan 'to kaya parang may attachment na kami sa bahay na 'to.
"Pero hihiwalayan ko na siya. Taragis! Daig niya pa nanay ko sa pagiging demanding at napaka possessive pa niya. Nakakasakal kaya ang ganun! Eh kung tutuusin isang linggo pa lang kaming mag-on tapos ganyan na siya makaasta? Akalain niyo yun!? Siya pa ang nagyayaya sa akin makipag s*x? Tsk, tsk, tsk. Alam niyo naman na ayoko ng babaeng mas agresibo pa sakin. Gusto ko ako lang." Mahabang pagpapatuloy ko.
"Pfft! Hahahaha. Ano bayan talagang walang babaeng magtatagal sayo. Napaka mo kasi! Hahahaha." --> Alvin
"Oo nga. Di ka na makakakita ng babaeng damsel in distress dahil karamihan ngayon, napaka agresibo na. 'Yun naman ang gusto ko, yung tipong di na ako magpapakapagod." Makahulugang sabi naman ni Bryan. Mahilig din sa babae ang dalawang to. Pero syempre, mas sikat ako. Ako pinaka pogi eh!
"So, pano na yan? Nasira na naman ang record mo sa mahal mong si Anne." Sabi naman ni Alvin.
"Tsk." Sabi ko na lang at tinungga na ang beer ko.
Matagal ko nang gusto si Anne. Hmmm, mali pala. Matagal ko na siyang mahal, sa katunayan nga niyan simula pa noong nagtransfer siya university. Noong una, gusto ko lang na palagi siyang nakikita at palagi niya rin akong nakikita. Kaya kahit nasaan siya noon sinusundan ko siya at dun ako nagpapapansin sa. Kaya nga lang parang hangin lang ako kung ituring niya.
Kaya ayun, nag-aalangan akong lapitan siya. Pero talagang di ko maiwasang pumatol sa mga babaeng may gusto sa akin. May pangangailangan din kaya ako, lalaki eh. Pero kapag naging girlfriend ko siya, talagang di ako titngin sa iba. Sa kanya lang.
Hmmm. Ano nga ba ang nagustuhan ko sa kanya? Marami naman goth/emo sa paligid pero sa kanya talaga ako na-atract. Si Anne kasi ay simple lang. Oo goth siya pero hindi siya katulad ng iba na over kung mag make-up at manamit.
Sa kanya, light make-up lang okay na at yung mga suot niya hindi masyadong weird tingnan. Plain or printed black shirt at maong pants lang. May mga accessories din siya katulad ng necklace at bracelets. Tsaka hindi rin masagwa sa kanya yung mga piercings niya, cute nga tingnan eh.
Hindi katulad sa iba na kahit hindi bagay sinusuot pa rin kahit sobrang sagwang tingnan. Maganda ang mahaba at tuwid na tuwid niyang buhok na iba-iba ang kulay ng highlights araw-araw. At ang pinaka gusto ko sa kanya ay yung mala anghel niyang mukha. Kahit na pang goth ang make-up niya, hindi pa rin nito naitatago ang kanyang napakagandang mukha at--
(Click)
Napatigil ako sa pag-iisip kay Anne nang may pumitik na daliri sa harap ko. Nung tiningnan ko, si Alvin pala na nakangisi.
YOU ARE READING
My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]
General FictionNagbago ako di dahil gusto ko kundi dahil sa pinaglaruan nila ako. Disclaimer: This is a Tagalog story. (Hindi talaga ako magaling sa ganito. :D)