Third Person's POV
Lumabas si Anne sa kanyang kwarto makalipas ang isang oras. Sa totoo lang kasi, ayaw niyang maabutan si Gelo sa sala o kaya sa dining room manlang. Hindi niya maintindihan kung bakit mainit ang dugo niya dito pero 'yon ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita ito.
Nasa may hagdan na siya nang marinig niya ang kanyang Mommy at Ate na masayang nag-uusap sa baba.
Anong meron? 'Bat ang saya nila?
Dahil sa curiosity, pinagpatuloy niya ang pagbaba. Akala niya nasa living room sila kaya pumunta siya doon pero walang tao at naririnig niya na sa dining room nanggagaling ang mga boses kaya pumunta siya doon. Lalo siyang nagtaka nang may narinig na boses lalaki.
"'Bat ganun? May boses lalaki?" Mahinang tanong niya sa sarili.
Nung makarating sa dining room, agad na nag-init ang ulo niya. Bakit ba naman hindi eh nandon lang naman si Gelo at masayang nakikipag-usap sa Mommy at Ate niya?
Nandito pa ang buset?!
"WHY THE HELL ARE YOU STILL HERE!" Sigaw niya.
Natahimik naman sila at napatingin sa bagong dating. Ang Mommy at Ate niya na hindi nawawala ang ngiti dahil sanay na sila dito. Si Gelo naman na hindi malaman kung ngingiti ba o ano. Ang cute kasi ni Anne ngayong gabi. Pati pambahay ay kulay itim but this is different than usual. Meron kasing Baymax na drawing na malaki sa gitna ng damit at dahil paborito niya rin ang Big Hero 6, talagang na-cute-an siya dito.
Dahil walang sumagot, nagsalita na lang ang Mommy ni Anne.
"Where are you manners Anne? Hindi yan ang tinuro ko sayo 'pag may bisita. Pasalamat ka nga kay Gelo dahil hinatid ka niya. Eh kung may masamang nangyari sayo?" Saway nito sa anak na parang walang pakialam at dumiretso sa kitchen at pagbalik ay may hawak na itong plato, kutsara't tinidor at baso.
Naupo na si Anne at nag-umpisang kumain. Ginutom kasi siya dahil sa loob ng isang oras ay nagbasa siya ng notes at may ginawang report. Kesa naman sa tumunganga sa loob ng mahaba-habang oras kaya ganoon na lang ang ginawa niya.
"Lexie, kamusta araw mo?" Tanong ni Angel.
"The usual." Walang ganang sagot ni Anne at pinagpatuloy ang pagkain. Masarap ang ulam kaya wala na siyang pake sa mga 'to.
Hindi man alam ni Anne, nakatingin sa kanya ang mga kasama niya sa hapag. Ang Mommy at Ate niya na natulala sa kanya at si Gelo naman na amaze na amaze sa kanya. Paano ba naman kasi kare-kare ang ulam tapos ang kinuha eh yung bagoong? Sarap na sarap pa ito sa pagkain.
Ibang klase talaga siya. Sa loob loob ni Gelo.
ANNE
Ang sarap talaga ng bagoong ni Manang Norma. Alam niya kasi na ang gusto ko kapag nagluto siya ng kare-kare, dapat may nakahiwalay na bagoong at yun ang inuulam ko. Kaya pagkaupong-pagkaupo ko sa dining, bagoong agad ang kinuha ko at nilantakan na. Gutom na gutom kaya ako, buset kasi ang repot. Di ko pa naman natatapos nang makaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako para kumain tapos makikita ko ang epal na masayang nakikipag-usap kila Ate? Kaya lalo akong ginutom eh.
Kukuha pa sana ako ng pang-second round ko nang mapansin kong tahimik. Kaya tumingin ako sa kanila at nakitang nakatingin silang lahat sa'kin.
"What?" Mataray na tanong ko.
"Wala lang. Ngayon ko lang kasi nalamang mahilig ka pala sa bagoong." Si Mom ang sumagot. Nagkibit balikat na lang ako.
"You don't know me so well, that's why." Oo ako na ang walang galang. Kumuha ako ulit ng pagkain at alam na. Kakain ako at bahala sila sa mga buhay nila.
"Bakit nga pala ngayon ka lang nakababa? Kanina ka pa namin hinihintay eh." Napatingin ako kay Ate nang dahil sa tanong niya.
"Sesiously?" Di naman sa may galit ako kay Ate no. Pero kailangan pa bang itanong ang obvious?
Hindi naman siya sumagot at nag-peace sign. Makapag peace sign naman ito akala mo hapon. I just rolled my eyes on her at tumingin ako kay Mom. Ignoring the man whose beside me.
Di ko ba nasabi na magkatabi kami ngayon? Kasi ang usual na pwesto ko pag wala si Mom ako ang nakaupo sa gitna. Dahil ako lang naman ang nakatira mag-isa dito kaya doon ako pumupwesto at kasabay kong kumain sila manang. Dahil nandito sila Mom ngayon, hindi sila sumasabay kasi nahihiya sila. 'Yon ang sabi nila kaya nagpapahuli na lang sila. 'Wag na kayo magtaong. Kahit naman ganito ako, mabait naman ako sa mga mabait sa'kin.
Ganito pala ang pwesto namin. Dahil sa si Mom ang nasa gitna, si Ate naman ang nasa left side niya at ako naman ang nasa right side at ang epal naman ang nasa tabi ko. Parang pakiramdam ko na mahaba- haba ang gabi na 'to.
"When did you arrive? Is Lola okay ? Why did you left her? If you're here, can I go back to California to be with her?" Sunud-sunod na tanong ko kay Mom. Dapat kasi nasa California siya para samahan at alagaan si Lola. Nakapagtataka kung bakit umuwi siya agad.
"Baby ha? Bakit parang ayaw mo na nandito ako?" Nagkunwari naman siyang nagtatampo.
"It's not that. I'm just wondering why you are here all of a sudden." Depensa ko naman sa sarili. Syempre masaya ako na nandito siya. Ibig sabihin noon, may magtatanggol na sa'min ni Ate. Pero iniisp ko rin naman si Lola, mag-isa lang siya doon at walang nag-aalaga. Nakita yata ni Mom sa mukha ko ang pag-aalala.
"Baby, nandon naman na si Tita Sara niyo para masamahan si Mommy kaya ako umuwi dito and kanina lang ako ng umaga dumating. Nobody knows that I am comimg kaya pati si Lexa ay nagulat. Well, 'di pa naman ako nagpapakita sa Daddy niyo. Alam niyo namang mas miss ko kayong mga babies ko kesa sa kanya 'di ba?"
"Mom, malaki na po kami ni Lexie kaya po please lang 'wag niyo na po kaming tawaging baby. Mahihiya po niyan si Baby Sis kay Gelo eh." Saway kunwari ni Ate pero pinagdiinan naman ang salitang baby.
Inirapan ko siya. "I won't mind if Mom keeps calling me baby. To tell you frankly, I really am her baby. Right Mom? Bye the way, why you didn't tell Dad that you're here ?" Baling ko naman sa Mommy naming nakangiti na ng wagas.
"May surprise kasi sa kanya si Mom kaya 'wag ka nang magtanong okay? Anyway, bakit naman malihim ka na sa'kin bunso? Ikaw ha? May boyfriend ka na pala hindi mo man lang sinsabi sa'kin. Akala ko ba walang lihiman?"
"What the hell?! Where did you get that?!" Buti na lang talaga at tapos na akong kumain noong magtanong ng ganyan si Ate. Di ko na nga napansin ang iba pa niyang sinabi eh. Napuno pa yata ng question marks ang utak ko. Saan naman niya nakuha yon? I m very much single and ready to mingle kaya!
"Oo nga naman Lexie. Ikaw ha. Kung di ka pa hinatid ni Gelo hindi pa namin malalaman." Si Mom naman 'yan. Ano bang pinagsasabi nila? "'Di ba anak?" Hinarap niya kung sino man ang nasa tabi ko kaya napatingin na rin naman ako doon. I totally forgot that he's still here and she called him anak?! What's the meaning of this?!
"Ah, opo." Nakangiti naman sabi nito.
"Why did you call him that?! He's not your son right?!" Wala naman kasing anak na iba si Mom kaya bakit niya tatawagin anak ang lalaking to!?
"Lexie, calm down okay?" Sabi ni Ate.
"Then, why did Mom called him names?!"
"I just wanted to call him that okay, and he told us something about the two of you." -Mom
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Sa totoo lang nakakahilo tong ginagawa ko pero alangan namang itutok ko sa isang tao lang ang paningin ko?
"Is it that important.?"
"Yes."
"And why?"
"Because he said that he is your boyfriend."
At dahil doon, natigilan ako at nagloading pa yata.
YOU ARE READING
My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]
General FictionNagbago ako di dahil gusto ko kundi dahil sa pinaglaruan nila ako. Disclaimer: This is a Tagalog story. (Hindi talaga ako magaling sa ganito. :D)