ANNE
Inis na inis akong naglalakad dito sa hallway. Paano ba naman kasi, kanina pa ako pinagtitinginan ng mga nadadaanan kong students saan mang sulok ng school ako pumunta. Ayaw na ayaw ko pa naman ng atensyon.
"Uyy Anne! Hintay naman!" Narinig kong tawag sa'kin ni Tanya ngunit 'di ko na siya nilingon. Isa pa yan eh.
Napahinto ako sa paglalakad ng may humatak sa braso ko at nung tiningnan ko ay si Tanya lang naman pala kaya inirapan ko siya. Winaksi ko ang braso kung saan siya nakahawak at nagpatuloy ako sa paglalakad.
"T-tigil n-nga muna Anne!" Aniyang hinihingal. Tumigil naman ako sa paglalakad at hinarap siya.
Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon. Paano ba naman kasi, nakalupasay na sa lupa at nakatukod ang dalawang kamay sa likod. Para tuloy siyang panda na sa-sun bathing.
"Why the hell are you comming after me?" Sabi ko.
Tumingin siya sa'kin. "Eh, alam mo namang sa'yo lang naman ako sumasama. Tsaka may itatanong ako sa'yo no." Sabi niya pa na nag indian sit sa lupa.
Ano ba namang klaseng tao to. Para na siyang biik na nag-e-enjoy sa putik. Napailing na lang ako.
Humalukipkip ako at pinagkrus ang mga braso.. Alam na alam ko na kung ano yun. Yang babae pa na 'yan? Eh kung hindi lang binu-bully yan eh siya na ang number one chismosa sa buong campus.
"You know what? I'm not gonna answer that freaking question. So, can you please stand up! You look like a swine happily sitting on the mud." Pang-aasar ko sa kanya.
"Tss. Panira ka naman ng trip eh! Ang sarap kaya maupo sa lupa. Ramdam na ramdam mo na kabilang ka sa kalikasan. Try mo rin kaya minsan para magka-thrill naman yang boring mong buhay!" Padabog na tumayo siya at pinagpag ang nadumihang palda.
"Oh yeah? However, I will never try to sit on the ground 'coz I'm not as disgusting as you that likes to sit on animal stools! Your so yucky! Eww!" Nandidiring turan ko.
"Napakaarte naman nito." Inirapan niya pa ako na nanguna sa paglalakad.
Napangisi na lang ako. Kadiri naman kasi talaga siya. Napatingin ako sa paligid at nakita kong wala na sa akin ang atensyon ng mga students kundi na kay Tanya na. Makikita mo ang disgusto sa mga mata nila. Siguro dahil sa nakitang ginawa nito kanina.
Pumunta na lang ako sa exit gate ng school at tinext si mang Dodoy. Naupo ako sa isang bench malapit doon. Nakakapagod ang araw na 'to.
Bzzt, bzzt.
Tiningnan ko ang phone ko at nakitang si Mang Dodoy ang nagtext.
--------------
From: Mang Dodoy
Naku Anne! Hindi kita masusundo ngayon dahil naka-leave ako. May sakit si Karen at walang magbabantay sa kanya. Pasensya na.
- ------------
Oo nga pala! Kaya nga pala ako sinundo ng epal na 'yon dahil sa hindi nga pumasok Mang Dodoy.
Wala sa sariling napasabunot ako. Ano nang gagawin ko? Alangan namang puntahan ko pa si Gelo sa classroom nila at magpahatid. Ano ako bale?
Maghihintay nalang ako ng taxi.
- - - - - - - - -
GELO
Kanina ko pa sinisilip ang phone ko kahit may klase pa. Hinihintay kong magtext si Anne sakin kasi 3:30 ang uwian nun habang ako naman ay 4:00. Sinabihan ko kasi siya itext niya na lang ako para malaman ko kung uwian na nila at para mahintay niya na rin ako. Thirty minutes lang naman eh.
Wala sa loob na natulala ako sa phone ko.
"huy! Gelo! 'Di ka pa lalabas?"
Gulat na napatingin ako kay Denmark na katabi ko. Nakatayo na siya at bitbit ang mga gamit niya.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Wala ka yata sa sarili mo eh. Kanina pa dinismiss ang klase."
Napalingon ako sa paligid dahil sa sinabi niya. Totoo nga. Kami na lang ni Denmark ang naiwan.
Dali-dali akong tumayo at nauna nang umalis. Hinanap ko si Anne sa pero di ko siya makita. Baka naman nauna nang umuwi? Napakamot na lamang ako sa ulo. Umalis siyang hindi man lang pinaalam sa'kin?
Matawagan na nga lang. Kinuha ko ang phone ko at pinindot ang contacts.
"Tangina!" Inis na hiyaw ko nang di ko makita ang pangalan ni Anne sa contact list ko. Hindi ko nga pala nabigay ang number ko!
Wala na akong nagawa kundi ang umalis na lang ng school. Pupuntahan ko na lang siya sa bahay nila at hihingin ko ang number niya. Siyempre, ibibigay ko din ang number ko dahil malamang sa malamang, wala rin ako sa contact list niya.
Nakalabas na ako ng school gate at parang narinig kong may tumawag sa 'kin. Binalewala ko na lang dahil baka dinadaya lang ako ng pandinig ko.
"Gelo! Huyy!"
Tiningnan ko kung sino 'yon. Di na ako nagtaka, si Tanya lang pala.
"O bakit?"
"Bakit ka nagmamadaling umalis? Kanina pa kita tinatawag ah!" Hiningal na sabi niya.
Napataas ang kilay ko. Wala na ang usapan namin dahil girlfriend ko na si Anne. Kaya 'di ko na kailangan ang tulong niya. Ni wala nga siyang ginawa eh.
"Bakit ba kasi? May pupuntaha pa 'ko." Bored na sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Umagapay naman siya at kahit hindi ko tingnan ay hingal na hingal siya. Ang baho pa ng singaw ng katawan niya dahil sa pawis.
"Alam mo bang trending kayo ni Anne ngayon?"
Alam na alam ko. Dahil 'yon sa sabay kaming pumasok kanina.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Alam ko. Eh ano ngayon? Masama bang ihatid ang girlfriend ko?"
Napatakip ako sa tenga nang dahil sa matinis niyang sigaw. Tae! Makasira eardrums!
"Waah!! Seryoso? Kayo na? Ang bilis naman!" Aniya.
"Oo, kaya kung di mo mamasamain, pupuntahan ko na ang girlfriend ko." Sabi ko at iniwan na siya.
Narinig ko ang mga bulung-bulungan sa paligid. Lihim akong napangiti. Wala ka nang kawala sa akin Anne. Alam na ng huong populasyon ng St. Anne na may relasyon tayo.
- - - - - - -
A/N: On-going na po ulet siya. Iibahin ko po yung plot dahil sumakiet ulo ko sa pag edit. harhar!
YOU ARE READING
My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]
General FictionNagbago ako di dahil gusto ko kundi dahil sa pinaglaruan nila ako. Disclaimer: This is a Tagalog story. (Hindi talaga ako magaling sa ganito. :D)