GELO
Napapangiti ako sa sarili ko habang nagda-drive. Magpapahatid din naman pala sa'kin, and dami pang arte. Nung lumabas siya kanina sa school gate, inaasar ko talaga siya. Ang sarap niya palang asarin. Hahahaha. Mabuti na ngang asarin ko siya kesa naman hayaan ko na lang na parang hangin niya ako kung ituuring at may mission nga ako diba? Isa sa plano ko ang asarin siya.
"Saan nga pala ang bahay niyo?" Tanong ko makalipas ang ilang minuto.
"Greenland Subdivision." Maikling sagot niya. Alam ko yun, high class subdivision yun na mga bigtime ang nakatira. Edi bigtime pala talaga sila?
"Ok." Sagot ko na lang at binilisan ang pagpapatakbo ng motor. Naramdaman ko naman na humigpit ang pagkakahawak niya sa mga balikat ko. Napangiti ako doon. Kaya may naisip ako. Binilisan ko lalo ang pagpapatakbo ng motor. Gusto kong yakapin niya ako.
"WHAT THE HELL?! COULD YOU PLEASE SLOW THE F*CKIN' DOWN?!" Sigaw niya. Obviously, natakot siya nang biglang bumilis ang takbo ng motor.
"Yumakap ka kasi. Talagang mabilis akong magpatakbo 'pag nasa highway ako!" Totoo naman 'yon. Nandito na kami sa highway kaya wala nang traffic.
Napangiti ako nang maramdaman kong pinulupot niya ang kanyang mga braso sa bewang ko. Way to go man!
Nakarating na kami sa Greenland Subdivision. Hindi na kami pinahinto ng mga guard noong natapat kami sa guard house. Tinanggal kasi ni Anne ang helmet niya at tumango na lang ang guard taga rito nga siya.
"Saan ang bahay niyo?" tanong ko. Medyo binagalan ko na ang pagpapatakbo at nakayakap pa rin siya sa akin. Kaya lalong lumapad ang ngiti ko.
"Number forty-six primrose street." Yon lang ang sinabi niya at hinanap ko.
Lumiko kami noong nakita ko ang street sign na primrose streer. At hinanap ko ang number forty-six.
56
63
44
45
46
Pagkakita ko ng forty-six pinarada sa gilid ng daan ang motor.
"Where here." Sambit ni Anne at mabilis nang bumaba ng motor. Ako naman ay inayos ang mga helmet at tinignan ang bahay.
At. . .
Napanganga ako sa nakita. As literal na napanganga. Sobrang laki ng bahay nila hindi, mansion ito at di lang bast mansion moderno ang style nito. Alam ko naman na malalaki ang mga bahay dito.
Yung mga nadaanan naming mga malalaking bahay kanina, walang binatbat sa laki ng bahay nila Anne. Seryoso? Ganito sila kayaman? Para tuloy ako nawalan ng lakas ng loob.
Manliligaw pa ba ako?
"Anne." Tawag ko sa kanya noong lalapit na siya sa gate. Nilingon niya naman ako.
"What?"
"Ah, eh. Bahay niyo ba yan?" Tanong ko. Ay tanga lang? Natural bahay nila to. Tsk!
"Stupid. Why would I bring you here if it's not our house?" Inis na sagot niya. Sabi ko nga. Kahit ako natangahan din sa tanong ko eh.
Hindi pa siya nakakalapit sa gate ay bigla naman itong bumukas at niluwa ang isang middle aged na babae. Agad niya kaming nakita.
"Where have you been young lady?" Galit na tanong nito kay Anne. Malamang nanay niya yan.
Humarap si Anne dito. Tae, 'di man lang natakot sa nanay niyang halos patayin na ako sa tingin. Hindi lang basta tingin kundi hinagod niya ako mula ulo hanggang paa.
YOU ARE READING
My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]
Genel KurguNagbago ako di dahil gusto ko kundi dahil sa pinaglaruan nila ako. Disclaimer: This is a Tagalog story. (Hindi talaga ako magaling sa ganito. :D)