GeloKaasar naman! Bakit pa kasi ako pumayag sa gusto ng babaeng yun? Nakita pa kami tuloy ni crush! Tahimik na Panghihimutok ko habang naglalakad.
"Babe." Biglang sulpot ni Jasmin at kumapit sa braso ko na parang linta."Nabitin ako. Bwisit kasing babae yun!" Dagdag pa nito.
Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy na naglalakad. Siya naman ay proud na proud na nakakapit habang umaagapay sa paglalakad ko. Pero sa totoo lang gusto ko na siyang upakan sa pagtawag niya ng babe sa akin. Akala mo naman kung sino to eh isa lang naman siyang... Ah! Ewan!
Makauwi na nga lang dahil siguradon namang umuwi na si Anne. Hindi ko na siya masisilayan kahit ang pagsakay niya man lang sa service niya.
"Babe, tara dun oh!" Turo niya sa may gilid ng CR. Grabe tong babaeng to. Ganun ba 'to kahilig sa sex at kung saan-saan na lang gusto?
"Bitin kasi ako at kating-kati pa ako Babe." Aniya at bumababa na ang kanyang mga kamay sa alam niyo na. Nandiri tuloy ako.
Sukdulan ang libog ng babaeng to! Pati ba naman sa mataong lugar hindi na nahiya na kanina pa kami pinag titinginan ng mga taong nadaraanan namin? Inis kong tinabig ang kanyang mga kamay at humiwalay sa kanya.
"Tumigil ka nga! Kanina pa ako naiirita sa'yo baka 'di kita matantya at maupakan kita!" Inis na inis na singhal ko sa kanya. Tangna! 'Di talaga ako mgngingiming bangasan siya kahit babae siya!
Ngumiti na lang siya ng nakakaakit at dumikit na naman sa akin. Ang kapal talaga! 'Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinatulan ko 'to. Mabuti na lang talaga inistorbo kami ni Anne dahil kung hindi 'di ko na alam kung anong mangyayari sa kinabukasan ko.
"Babe naman eh!" Hiyaw niya na at padabog na naglakad palayo.
Ako naman ay naiwang nakatayo lang dito at nagbubunyi dahil sa wakas humiwalay na rin siya sa'kin. Akala niya hahabulin ko siya? Asa! Wala pa akong hinabol na babae sa tanang buhay ko at hinding-hindi ako maghahabol sa kahit kanino!
^_^ --------->
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa campus at nahihilo na ako. Ang rason? Kanina ko pa hinahanap ang dalawang kaibigan ko na sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang nawala.
Napuntahan ko na halos lahat ng pwede nilang puntahan dito sa loob ng campus pero hindi ko talaga sila makita. Taena lang! Saan ba sumuot yung dalawang kulogo na yon!? Matutulog na nga lang ako sa library. Tama!
Tinungo ko na ang daan papunta sa library. Wala namang pasok ngayon dahil nga sa may meeting ang mga teachers kaya nagdiriwang halos boung populasyon ng paaralan.
"Halika dito Gelo!" Tawag ng pamilyar na boses sa akin pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng library at nang tiningnan ko ay si Alvin lang pala at kasama niya pa si Bryan. Kaya pala hindi ko mahanap ang dalawang 'to eh. Nandito lang pala.
"SSSHHH!" Sita ni Ms. Palaka este ng Librarian kay Alvin at parang kakatayin na ito. Napatawa na lamang ako ng mahina.
Yumoko naman si Alvin na napapatawa. Akala ko pa naman eh natakot na naalala ko palang makapal pa sa kalabaw ang balat nito.
Lumapit na ako sa pwesto nila at itinaas ang paa ko sa lamesa ng makaupo na ako. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa.
Si Bryan ay halos isubsob ang mukha sa librong binabasa at nagtetake down notes.
May mga libro naman sa harap ni Alvin na halata namang hindi niya man lang binuksan kahit ang table of contents man lang. Eto pa muntangang nakatulala lang siya sa kisame. Alala mo naman may problema.
Ako? Well nakataas pa rin yung paa ko sa table at tinakpan ng panyo ang mukha ko. Matutulog nga ako diba? Nakakahiya naman kung makita ng mga girls na naka-nganga pala ako matulog. Edi bawas pogi points yun.
"So, what brings you here?" Mataray na tanong ng boses lalaki. Oo mataray, ang arte ng boses eh. Tinanggal ko yung panyo na nasa mukha ko. Hindi ako sigurado kung ako nga yung tinanong pero tiningnan ko na rin para sure. Di naman ako assuming eh.
Nakita ko lang si Alvin na ganon pa rin yung posisyon at ganon din si Bryan. Nilingon ko rin ang paligid at ganun pa rin yung ginagawa ng ibang estudyante. Napa 'Tsk' na lang ako at tinakpan ko ulit yung mukha ko.
"Hey! Bro, I'm talkin' to you." Tinanggal ko ang panyo sa mukha ko at walang pasabing binato yon kay Alvin. Takte siya!
"HAHAHA. You're so meeaaan!" Pinaarte niya pa ang boses niya at pinapilantik pa ang mga daliri niya. Langya! Kadiri!
"Tang'na mo!" Bulyaw ko sa kanya! "Wag---"
"Ssshhhh!!!"
Sabi nung nasa kabilang table. Tumahimik naman ako at tiningnan ng masama ang ugok
"Hahahaha!" Tawa pa niya. Wala namang nakakatawa. Baliw lang?
"SILENCE!!!!" Dumadagundong ang boses ni Ms. Palaka este nung librarian.
Umismid lang si Alvin at naglean na sa table, halatang bored na bored na siya. Di maipinta ang mukha eh.
"I'm bored, Dude." Katamtaman lang ang boses niya
"Halata nga. May pa English, english ka pang nalalaman dyan eh." Sabi ko at umayos na ng pagkakaupo. "Anong nakain niyo at napadpad kayo dito?" Dagdag ko pa.
Nginuso lang nito si Bryan na walang pakealam kahit patayin na kami ni Ms. Palaka dito. Tutok na tutok sa ginagawa eh.
"Ayan kasing si Brayan. Muntanga lang. Di man lang ginawa yung assignment niya kaya ayan, di magkanda-ugaga sa pagsagot." Sabi Alvin.
Hindi kasi kami magkaklase na tatlo. BS in Business Administration ang kinukuha ko, si Alvin naman eh BS in Criminology pangarap na daw na hulihin ang mga masasamang tao at si Bryan naman ay BS in Nursing gusto niya lang daw maiba sa kanyang pamilya. Mga guro kasi ang mga magulang niya pati ang mga kapatid niya. Kaya ayan, gusto niya na lang daw maging nurse.
"Eh bakit pati ikaw nandito?"
"Edi nagpasama si ugok! Akala mo naman napakagandang chicks para samahan! Asa siya! Baka pakiramdam niya ki-kidnap-in siya? Sakin pwede pa yun! Gwapo ako eh!" Sabi niya sabay pogi sign. Binato ko nga ng lapis na nadampot ko. Siya naman ay impit na natawa. Ha! Dapat lang! Baka palayasin pa kaming tatlo dito at baka mapatay pa kami ni Bryan na ngayon eh masama na ang tingin sa amin.
"Anyway, bakit ka nga pala pumunta dito?" Si Bryan na ang nagtanong. Sumandal na siya sa upuan at kinusot na ang mga mata.
"Wala. Badtrip kasi ako. Eh hindi ko naman kayo mahagilap kahit saan kaya tumuloy na lang ako dito para matulog." Sabi ko na halos magkasalubong ang mga kilay. Naalala ko na naman yung nangyari kanina. Tss! Nabitin ako!
"Oh, bakit ka naman nabadtrip?" Curious na tanong ni Alvin.
"Tss. Mamaya na lang paglabas natin." Sabi ko na lang at bumalik sa dati kong pwesto para matulog.
YOU ARE READING
My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]
General FictionNagbago ako di dahil gusto ko kundi dahil sa pinaglaruan nila ako. Disclaimer: This is a Tagalog story. (Hindi talaga ako magaling sa ganito. :D)