Chapter 08

36 2 2
                                    


Gelo

Present

"May itatanong pala ako sayo Tanya." Sabi si Alvin dito. Nakangiti naman si Tanya na tiningnan ito.

Actually, kanina pa siya nakangiti. Pero kakaiba talaga ang ngiti nito at kislap ng mga mata pag si Alvin na ang kumakausap sa kaya. May naaamoy ako pero di ko na muna papansinin.

Uunahin ko na muna ang mission: To make her mine.

"Sige tanong ka lang. Sasagutin ko basta alam ko ang sagot." Sabi naman nito at sumubo ulit ng fries niya.

"Gaano na kayo katagal magkailala ni Anne? Napansin kasi sa namin na palagi kayong magkasama."

"Ah yun ba. Sa totoo niyan nagkakilala kami nung first day ko dito. Transferee kasi ako galing sa State University."

Tumango-tango kami.

"Paano nangyaring naging magkaibigan kayo?" -Bryan

"Ano kasi, nakishare ako sa table niya. That time kasi walang nang vacant dito sa cafeteria kaya nakiusap ako na makiki-share ako sa kanya. Hindi naman siya sumagot kaya in-assume ko na okay lang sa kanya." Paliwanag si Tanya sa pagitan ng pagnguya.

"Ah. Buti hindi ka niya sinungitan?" -Bryan

"Siyempre sinungitan, nabulol ako nun eh. Pano ba naman kasi nakaka-intimidate siya at ang taray. Para bang napaka-gloomy ng aura niya. May nangyari ba dun?" Tanong niya. Tapos na siyang kumain at umiinom na lang ng soda.

"Ganyan na talaga siya simula nung nagtransfer siya dito." Sagot ko naman hindi na rin naman ako nagtaka na ganoon yung pakikisama ni Anne sa kanya.

"Ahm, Tanya, may alam ka ba tungkol sa kanya?" Tanong ni Alvin dito.

"Wala eh, hindi naman kasi siya makuwento. Ako nga lang yung salita ng salita eh. Although nagustuhan niya naman yung chocolate cake ko simula nung binigyan ko siya. Kaya mula nun, palagi na ko nagdadala ng chocolate cake para sa kanya. Suhol ba, para di niya ako layuan. Sa totoo lang kasi, gusto ko siyang maging bestfriend." Tumingin naman siya sa amin. "Eh bakit niyo naman natanong ang tungkol sa kanya? Hmmmm, may gusto kayo kay Anne no?" Tudyo niya naman.

Natahimik ako dahil doon ang dalawa naman ay nagkatinginan.

"Ah eh. . ." Sabi naman ni Alvin. Para bang nanghahagilap ng isasagot.

"Ganito kasi Tanya, Ahm." Si Bryan na parang si Alvin din at napakamoy pa ng ulo.

Napatingin naman si Tanya sakin.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ano ba talagang pakay niyo sakin? Imposible naman na interisado kayo sakin eh, tungkol kay Anne ang mga tinatanong niyo." Pintaas-taas niya pa ang kilay niya.

Umubo si Bryan. Ewan kung ubo o tikhim yun. Basta parang ganoon.

"Ah Tanya. Si Gelo kasi matagal nang may gusto kay Anne yan. Kaya hihingi sana kami ng tulong sayo kung paano makakalapit itong kaibigan namin sa kanya." -Bryan

"Wow! Sige-sige game ako dyan! Naku, tutulungan talaga kita. Akong bahala." Nakataas noong sabi niya.

"You still have the cake Tanya?" Napatingin kami sa nagsalita. Sino pa ba edi si Anne.

Napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mata. Naku! Baka narinig niya ang usapan namin. Kahit mahina lang ang usapan eh sa distansya nito mula sa amin maaring niya narinig niya ang usapan namin.

"Ay oo, tinirhan kita baka kasi hanapin mo eh." Sabi ni Tanya nang makabawi sa pagkabigla at nagkatinginan kami.

"What's wrong? Why all of you have those weird look on your faces?" Tanong ni Anne na nakatayo pa rin.

"Wala naman. Ako kasi medyo nagulat ako na sumunod ka dito. Akala ko di mo na ako sasabayan eh. Malungkot kaya yun!"-- Tanya

"Looking at you now, you seem happy even without me." Ismid niya.

Tsk. Ang harsh talaga nitong babaeng to kahit kailan.

"Wag ka nga. Umupo ka na nga lang dito." At umusog siya ng konti para makaupo si Anne.

Ang lay-out kasi ng cafeteria ay parang yung katulad ng sa dining hall ng Harry Potter tapos sa gilid may mga table na may mga upuan na may sandalan. Kaming tatlong magkakaibigan naman at nakaupo sa harap ni Tanya. Walang may gustong tumabi sa kanya eh. Hehe

Pagkaupo ni Anne ay naglabas na ulit si Tanya ng dalawang pang slice ng cake.

"Oh ayan na. Nag-inarte ka pa kasi kanina eh. Pupunta ka rin naman pala dito." -Tanya

"Whatever Tanya." Sabi niya na pinatirik pa ang mga mata. Naaaliw talaga akong panoorin siya. First time ko kasing makaupo na kasama siya sa iisang table. Aba! Privilege kaya yun!

"Improving dude." Bulong ni Alvin sakin.

Natawa na lang ako.

"What's funny?" Tanong ni Anne sakin na nakataas yung kilay habang ngumunguya.

Tumikhim naman ako. "Wala lang nag-joke kasi si Bryan." Sabi ko na lang at humalukipkip.

"Tss." tuloy-tuloy lang siya sa pagkain na akala mo eh walang kasama. Napangiti tuloy ako.

Napatingin siya kaya tanya ka kumakain na naman. Wala yattang kabusugan ang isang to eh.

"You don't have any plans on losing weight do you?" Harsh na tanong ni Anne dito. Nakataas pa ang isang kilay niya.

Ganyan na talaga siya, napakaprangka niya na minsan hindi niya na iniisip kung masasaktan sa ibang tao. Harsh man sa paningin ng iba, sa akin naman ay hindi masama. 'Yon kasi ang nagustuhan ko sa kanya. Hindi siya plastic kung may hindi siya gusto o kung ano ang nasa isip niya eh hindi siya magdadalawang isip na sabihin 'yon.

Tumigil naman sa pagnguya si Tanya uminom muna ito ng soda bago tiningnan si Anne.

"Ewan ko sa'yo! Mind your own business nga! Hmp!" Inis na sabi nito at pinagdiskitahan ulit ang pagkain.

"Hahaha." Tawa ni Alvin. Syempre ayaw namin maging hangin dito no. "First time mo yata magsalita ng maiksi?"

Sinamaan din siya nito ng tingin.

"Hey, we have to go. Our next class starts at three o'clock. It's already two-forty." Bored na sabi ni Anne at naglakad na paalis. Eat and run lang?

"Ganun ba?" Sabi naman ni Tanya na nagmamadaling tumayo sumunod naman si Anne dito. Tumingin naman ito sa amin. "Mauna na kami guys ha? See you when I see you na lang."

Tumingin siya sa akin. "Tutulungan talaga kita Gelo." Nakangiting sabi niya at nag-thumbs up pa. Napangiti naman ako. "Sige, ba-bye na. Iniwan na ko ni Anne eh." Naglakad na siya.

Sana nga maging sucessful.

My Gothic Girl [ON-HOLD & EDITING]Where stories live. Discover now