Chapter 5: Demonisia Realm
Kasalukuyan akong nanonood ng laban nina Kristina at Carper nang may biglang sumigaw.
“Ang mga alagad ng Darshinians, nandito!” tili ng kung sino, dahilan para magkagulo ang lahat.
“Sh*t!” sigaw ng isang unano. I mean, sigaw ni Sky.
Nataranta ang lahat, dahilan para hindi makapunta sa exit ang iilan. Sh*t talaga! Ano ba kasing nangyayari dito? Stampede na kami rito sa loob dahil sa mga nagpa-panic na estudyante!
Napatingala naman ako sa itaas. May mga giant humanoid species na naglalakad sa loob ng arena. Ang lalaki nila at kitang-kita mo talaga ang kanilang mga private genitals dahil wala silang mga saplot! Ang lalaki ng mga baba nila, may iba ring deformed ang mga katawan at may ibang parang the grudge kung maglakad. Matatalas ang mga ngipin nila at makikita sa mga mata nila ang pagkagutom. Ang amoy ng mga ito ay mas masangsang pa sa amoy ng mga namatay na hayop! Ang baho!
Bakit may gan’yang mga nilalang dito?!“Leviathan…” Calvin murmured ngunit sapat na ‘yon para marinig naming lahat.
“Lahat kayo! Pumasok na sa kan’ya-kan’ya ninyong mga dorm! ‘Wag kayong mag-alala! Tinawag na ang immortal warriors at ang mga nakatataas na royalty!” sigaw n’ong lalaki at bumaba na sa lumulutang na lupa. “Okay. Ganito, guys—“
‘Di ako nakinig sa kanila. Sa halip ay tumingin lang ako sa likod nami— Holy cow! Maraming mga leviathan ang naglakad patungo sa direksiyon namin! Para silang mga zombie maglakad! Diyos ko po!
“Guys?” sambit ko at bahagyang napaatras.
“Guys!” inis kong sigaw pero hindi pa rin sila nakikinig sa ‘kin. Ano bang problema ng mga ‘to?!
“Bullsh*ts!” Now, I’m pissed.
Agad-agad naman silang napatingin sa tinitingnan ko. Psh. Pagmumura lang pala ang katapat.
“Holy sh*t!” hindi makapaniwalang sigaw ni Carper.
“Carper, alam mo na ang gagawin!” sigaw naman ni Euhonn sa kaniya na para bang may plano sila upang mapatumba ang mga ito nang madalian.
“Tumakbo na kayo!” malakas na ani pa Euhonn kaya tumakbo na ang mga kasamahan ko. Pati nga si baklang Esh-esh ay kumaripas ng takbo.
“Euhonn! Release your earth ability!” Carper commanded as he released his ability. Sinundan naman ito ni Euhonn.
Ginapos ni Euhonn ng mga baging ang isang nilalang at kasabay n’on ay ang pag-release ni Carper ng kan’yang electrokinetic ability. Isang nakabibinging pagsigaw naman ang narinig ko sa isang malaking halimaw na tinamaan ng kuryente ni Carper, kasabay nito ang malakas na impact na tumama sa sahig dahil sa pagkatumba nito. Nasali naman ang ibang kasamahan ng halimaw kaya damay-damay silang lahat na nakuryente. Namangha ako dahil habang ginagawa nila ‘yon ay parang nagbi-blink sila at tumalon-talon.
“Pipi ba sila?” nagtatakang tanong ko sa kanila kaya napatingin silang dalawa sa ‘kin.
“Beatrice?! Ba’t ka pa nandito?” sabay naman silang napasigaw dalawa sa akin. ‘Di naman siguro halata na gulat na gulat sila, ‘no? Psh.
BINABASA MO ANG
The Dark Controller Goddess
Fantasy[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] CHASING DARKNESS I: Himitsu Realm - Beatrice is a well-mannered and respectful mortal, but in the face of the masses, she's a hypocrite that tends to disrespect the people that surrounds her. Those bad records lead her t...