Chapter 6: A Piece of History
Apat na lawa na may apat na kulay ang sinasabing may kakaibang kapangyarihan. Asul, berde, kayumanggi, at pula. Ang bawat lawa ay nabuo matapos ang pagsabog ng isang bulkan, at ang iba’t ibang mga katangian ay naging sanhi ng iba’t ibang mga lawa.
Habang patagal nang patagal, ang mga lawa ay nagpapalabas ng ginintoang bato na s’yang nagiging sentro ng buhay ng mga kaharian dito. May mga taong may masamang layunin ang gustong kunin at buohin ang apat na bato at gamitin ito sa hindi kaaya-ayang paraan. Kaya napagdesisyonan ng apat na kaharian na ipamahala ang mga ito sa mga taong may lubos na kakayahan upang ito ay pangalagaan.
Subalit lumipas ang mga taon ay parami nang parami ang nahuhumaling sa kapangyarihan nito gayundin ang mga taong gustong mapasakamay ito. Hanggang sa isang araw, naghari ang kadiliman. Ang dating nag-iisang mga kaharian ay nagkawatak-watak na ngayon; dahilan sa pagkakabuo ng ikalimang kaharian.
Himitsu Realm, Arcanum Realm, Mortallis Realm, Schadewe Realm, at ang ikalima ay ang Demonisia Realm. Lahat ng kaharian, maliban sa panglima, ay nagpatayo ng sari-sarili nilang mga paaralan upang turuan at mapaunlad ang paggamit ng mga kabataan ng kani-kanilang mga abilidad, at upang sa umaabot na tangka ay maprotektahan nila ang kanilang mga sarili pati na rin ang kanilang kaharian, at ang mga naninirahan dito.
Hidden Academy, matatagpuan ito sa Himitsu Realm. Isang engrandeng gusali ang nakatayo sa gitna ng isang napakarilag na reserba ng kalikasan, at napapalibutan ng isang maayos na bakod at napakalaking tarangkahan. Ito ang akademya ng kahariang Himitsu, na kung saan nakukuha ang kaalaman sa pamamagitan ng mahika at pakikipaglaban.
Isang paaralan na kung saan inihahasa ang iyong kapangyarihan at tuturuan ang mga hindi pa nakakaalam sa kanilang nakatagong mga kakayahan. Tinitawag itong Hidden Academy dahil kumakalap sila ng mga espesyal na mga tao sa mundo ng mga mortal na may mga nakatagong mga kapangyarihan at katauhan sa kaloob-looban nila.
Sa hindi inaasahang pangyayari, ang apat na tagapangalaga ay nakagawa ng isang kahindik-hindik na pagkakamali. Umibig sa hindi naman dapat ibigin. Nagkaroon ng mga sumpling na hindi naman dapat na mangyari. Isang kalapastanganan na hindi dapat gayahin nino man.
Nang dahil doon, isang sumpa ang dumating. Na s’yang nakapagpabago sa takbo ng pamumuhay ng mga imortal dito, ang dating kadiliman ay mas lalong dumilim, at ang sumpang kailangan mawaglit ay paulit-ulit na nangyayari. Napataw sa mga anak nila ito... Apat na itim na mahika ang ipinataw sa mga sumpling at isang sumpang walang makakapigil kung hindi sila lamang. Ito ay paulit-ulit na nangyayari, walang hanggang panunumbalik.
Ngunit isang araw may panibagong propesiya ang muling namataan. Isang propesiyang makakapagtapos ng lahat ng kadiliman. Propesiyang makakatalo sa kasamaan, at magdadala ng walang hanggang kaliwanagan.
Dahil sa paniniwalang ito ay umaasa ang mga imortal dito ng isang malaking pagbabago. Sila ay naghihintay ng isang malaking pagbabago na s’yang ipupuri at hindi makakalimutan ng lahat.
Sa ika-apat na yugto ng kanilang panahon, sa ilalim ng dalawang naglalakihang buwan, kaluwalhatiang hinaharap ay mababanaag, mga balakid ay hindi nila ma-a-alintana, sapagkat ang kanilang inaasam na bukang liwayway ay maaapuhap na at ang apat na sandata ng kaliwanagan ang nakapagbibigay ng panayam sa mga mapaniil na mga nilalang. ㅤ
—
Napabalikwas naman ako dahil sa napaginipan ko.
BINABASA MO ANG
The Dark Controller Goddess
Fantasy[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] CHASING DARKNESS I: Himitsu Realm - Beatrice is a well-mannered and respectful mortal, but in the face of the masses, she's a hypocrite that tends to disrespect the people that surrounds her. Those bad records lead her t...