III

3.4K 250 7
                                    

Chapter 3: Mukhang Naubos Yata?


The morning was vibrant and windy. With the sunrise light, the footpath I was stepping on was glimmering like a carpet of shattered paragons. No, it is not just like — it really is.

I heaved a sigh. It is all the same. Nothing changed. How can I escape this curse? How can we escape this curse? 

My friends beside me looked anxious, mad, and mournful. Wala kaming nagawa para iligtas sila. Ngayon, kami naman ang isusunod nila.

Defeated, we looked at our opponents’ victorious smile. 

“Goodbye, our imprecated immortals~”   







Napabalikwas ako sa ‘king pagkakahiga. What? A dream? Again? Napapadalas na ‘ata ang mga panaginip ko na ‘yan, a? 

Kinusot ko naman ang mga mata ko at pinunasan ang pawis na nangingilid sa ‘king leeg. What a way to wake someone who is in her beauty rest. Psh.

Napairap na lang ako sa kawalan at tiningnan ang nakabukas na bintana. Nakatulog pala ako.

Tumayo na lang ako at isinara iyon. Nakaramdam din ako ng panunuyo sa aking lalamunan kaya naisipan kong bumaba muna at uminom ng tubig kung meron man.
 
Pumasok ako sa kusina saka nakakita ng pitsel doon kaya kumuha ako ng baso at uminom ng dalawang basong tubig. Bumalik ako sa aking k’warto pagkatapos at pilit na ipinipikit ang aking mga mata ngunit hindi ko nagawa. Kahit anong pikit ko ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Inis naman akong napapadyak sa kama at umupo rito.  

Napagpasyahan ko naman na lumabas ng k’warto. Bumaba ako sa hagdan at akmang bubuksan na sana ang pinto papalabas ngunit may nagsalita kaya napahinto ako.
 
“Can’t sleep?” Napataas naman ang aking kilay ng marinig ‘yon. 

“Can you state the obvious?” mataray kong tanong sa kan’ya. 

“Feisty!” he commented, making me frown. Ugh! Kung wala naman siyang magandang sasabihin, e ‘di sana ‘wag niya na akong istorbohin? 

“Did you knowbI can’t sleep because I had a nightmare about your face.” Huh, what a good joke, Esh-esh. 

“Kulang ako sa tulog kaya huwag mo akong istorbohin,” walang ganang sambit ko.

“No, I’m serious!” Serious his butt. 

“Ang aga niyo naman ‘atang mag-bebe time.” Lumabas naman si Sky sa kan’yang k’warto habang kinukusot ang kan’yang mga mata.

“Anong bibe time?” nagugulumihanang tanong ko sa kaniya. Like ‘yong mga small animal ba na lumalangoy, kumakain, at umiinom ng tubig sa kanal? Iyon ba ang ibig niyang sabihin? Bibe? May nakikita ba siyang bibe rito?
Hinanap ko naman ang sinasabi niyang bibe. “Wala namang bibe rito, Sky. Baka naalimpungatan ka lang,” I told him, wondering why would he say such thing, before I gave up going outside. Hindi rin naman siguro ako makalalabas dahil mukhang gising na ‘ata silang lahat.

“Be ready, guys. Two candles from now, Miss Anika’s class will start,” Eunice said while looking at the candles.  Ano ‘yon? Oras ba nila ‘yon? 

The Dark Controller GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon