I

8.6K 302 130
                                    

Chapter 1: Transfer

I made my way through the woods,  freezing and soaking, lethargic and drained.

Nakasuot ako ng isang itim na balabal habang tumatakbo. Hinahabol ako ng isang babaeng nanlilisik ang mga mata at galit na galit sa akin.

The glitters of the paragons that I manage to bring are lingering throughout my runaway. Nag-iiwan ito ng bakas habang tumatakbo ako papalayo sa kanya. Hawak-hawak ko ngayon ito upang hindi mapasakanya.

Naghihingalo na ang mga kaibigan at kapatid ko, hindi ko hahayaang kunin ang sentro ng kanilang buhay at maging abo nang dahil lang sa makasariling adhikain.

“Beatrice, stop right now!” she shouted. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy pa rin sa pagtakbo.

If only I can use my powers now...

I halted when I saw a shadow in front of me. Nanginginig ang aking mga paa nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

“Going somewhere, Ayesha?” 



Napabalikwas ako sa kama ko at napatulala sa kawalan.

Panaginip na naman. Bakit ba lagi kong napapaganipan ang babaeng iyon? Lagi lang itong sumusulpot kapag kakaiba ang mga panaginip ko, at ako lagi ang hinahabol nila na para bang may gusto silang kunin sa akin.

Napairap na lang ako sa isip-isipan ko.  Psh. Baka may lahing kabute lang talaga ang mga ‘yon kaya gumigitaw na lang kung saan-saan.

Tumingin ako sa side table ko. Nando’n kasi ang alarm clock ko na wala namang silbi. Hindi kasi ito tumutunog kahit anong gawin kong pag-se-set dito.

Namilog naman ang mga mata ko nang makita ang oras. “Late na ako!” tarantang sigaw ko at nagmadaling pumasok sa banyo upang maligo. Grabe, nakakagulat! Ang bilis naman ng oras!

Matapos kong gawin ang aking ritwal sa loob ng kwarto ay bumaba na ako at pumunta sa kusina. Naabutan ko naman si Tita na kumakain na ng almusal.

“O, gising ka na pala! Umupo ka na rito at kumain!” masiglang sabi ni Tita at tinapik-tapik pa ang upuan na nasa tabi niya. Ngumiti naman ako nang pilit sa pag-aaya niya.

“Sa canteen na lang po ako kakain, late na po kasi ako, e! Sige na po, Tita, babush!” pagpapaalam ko sa kan’ya at nagmadaling tumakbo patungo sa paaralan na hindi naman kalayuan sa bahay namin.

Sa katunayan, p’wede siyang lakarin lang pero dahil mahuhuli na ako ay kailangan ko na itong takbuhin.

“O, bata! Bilisan mo! Malapit nang magsimula ang klase!” sigaw sa ‘kin ni Manong Guard nang makarating ako sa gate. Nakatayo ito at akmang isasarado na sana ang gate. Buti na lang talaga at nakaabot pa ako.

“Yeah, yeah. I know,” walang ganang sagot ko at tumakbo na patungo sa classroom. Wala na akong planong lumingon pa sa kaniya at magkunwaring magalang kasi mukhang kilala niya naman na ako. 

“Why are you late, Ms. Sy?” bungad na tanong sa ‘kin ng subject teacher namin ngayon. 

“None of your business,” matamlay ko namang sagot sa kanya at saka umupo na sa silya ko. 

The Dark Controller GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon