Chapter 20: The Grasp of Dawn
I felt my eyes slowly change their colors as Elijah vanished from my sight. The pigments of anamnesis are sluggishly unveiled. Elijah was right, I am more than just a cursed immortal... As I’m the dark controller goddess.
My existence begot havoc on this land. The dark magic that lingers in my veins is the one that brought us here. The impermissible love that I got from my parents is gruesome... The curse is shuttlewise, and I can’t take it anymore.
Napatingin naman ako sa aking mga memorya. Para akong lumulutang sa isang tubig habang pinapanood ang mga nagyari sa‘kin. Simula no’ng nasa bahay-ampunan kami, hanggang sa kunin kami ng mga hindi namin totoong mga magulang. Maliban na lang kina Thiarina at Zerayah.
Nagsimula namang tumulo ang mga luha ko nang mapagtanto ko kung gaano kami ka ka-awa-awa. Kami ang bumibitbit ng mga kasalanan ng mga magulang namin. Kami ang nagdurusa, sapagkat kami ang bunga ng makasalanan nilang pagmamahalan.Iginawad sa mga guardian nila ang mga paragons upang mapangalagaan ito nang maayos, ngunit habang patagal nang patagal, at pabalik-balik ang sumpa, napasakamay naman ito ng mga mapang-abusong nilalang.
Tatlo na sa kanila at dalawa na lang sa ‘min. Wala akong kayang gawin kung ganiyan na sila kalamang. Wala kaming kayang gawin ni Casxiopea kung ang makakalaban namin ngayon ay mas malakas at mas mapangahas pa sa‘min.
Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nilang propesiya... na kami at kami lang ang makakapigil sa sumpang ‘to, ngunit habang tumatagal, lalo kaming pinaghihinaan ng loob dahil kahit anong gawin namin ay hindi pa rin natatalo ang kasamaan, at kahit anong gawin namin ay hindi pa rin mapipigilan ang sumpa.
Our parents died protecting us, and the paragons when the Darshinians got what they wanted. They stole the life of our parents who tried to get rid of what they started, and we’re here, desiring to end this lugubrious fate that we inherited, yet every time we tried to end it, we failed...
Now, the curse is gradually starting again. And we need to forestall the maledicting abidance from our fate. All these years, we tried to save our world, yet our plans always fizzled. I hope this year would be a miracle for us.
My mother, Asralyn is the best mother in the whole world, as well as my father, Orpheus. Hindi ko hahayaang mapawalang-bisa ang sakripisyo nila sa aming kaharian. Kaya gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matalo ang walang-hiyang impostor na ‘yon.
Out of all realms, she chose us. Maybe because it is the most powerful realm among the four. And the selfishness engraved in her malicious heart wanted it. I wanted to kill her, as she killed my mother for her desire, all of our mothers! Yet today, it is the beginning of my revenge.
I said those many times, yet now, I will make sure that she will not escape from my grasp. As I will punish her more brutally.
Pinunasan ko na ang aking luha. Sapat na ang lahat ng ito para malaman ko kung sino ba talaga ako, at kung bakit ko nakalimutan ang lahat ng ito.
Agad kong hinilom ang mga sugat sa aking kamay na gawa ng paragon kanina lang. Lumabas naman ako sa dimensiyong ‘yon at do’n ko nakita ang mukha ni Elijah na parang takot at hindi maipaliwanag na ewan.
Tiningnan ko naman ang paragon na hawak ko ngayon. May sinabi akong engkantasiyon, dahilan para lumiwanag ito, at naging tattoo sa bandang likuran ko.
Pinagmasdan ko naman ang naghihintay na si Elijah.
“Let’s go,” walang-gana kong sabi sa kaniya kaya nagning-ning ang mga mata nito, at akmang yayakapin na niya sana ako ngunit agad ko siyang tinulak papalayo sa akin.
“May kasalanan ka pa sa akin, baka nakalimutan mo?” sambit ko habang pinanliliitan siya ng mata.
Natanaw ko naman kung paano niya nilunok ang sarili niyang laway kaya ngumiti ako nang palihom do’n.
“A-Anong kasalanan ko, Ayesha?” kinakabahan niyang tanong sa akin habang naglalakad kami.
Hindi niya siguro maalala na pinaglinis niya ako no’ng nag-training kami para sa paghahanda sa special battle. Psh.
“Into a dragon,” usal ko habang iniwasiwas ang dalawa kong daliri, dahilan upang maging dragon si Elijah. Hindi pa ako nagsasalita ngunit alam na niya ang kaniyang gagawin.
Agad ko namang inapakan ng kaniyang pakpak upang gawin itong hagdan. Naglakad na ako paitaas, kaya no’ng makita niyang na satisfy na ako sa aking pwesto ay nagmamakaawa siyang gawin ko siyang tao ulit.
“Into a human,” saad ko kaya lumiwanag ang mukha nito dahil sa saya, kasabay no’n ang pagbabago ng kaniyang wangis.
Si Elijah ang guardian ng paragon na kinuha ko kanina. Siya rin ang nagbigay kay ina nito, at naging tagapamahala na rin sa paragon.Iginawad naman niya sa akin ito no’ng namayapa na ang aking ina, at ngayon, ako na naman ang tagapamahala ng paragon, at si Elijah nama’y naging guardian ko na.
“Kailangan mo nang gisingin sila Eunice,” utos ko sa kaniya habang naglalakad patungo sa pinag-iwanan namin sa kanila kanina.
Tumango naman si Elijah at sumabay na sa akin. No’ng malapit-lapit na kami ay naaninag ko na sila Eunice na mahimbing na natutulog sa ginawang munting kama ni Elijah.
“Gisingin mo na sila,” sabi ko sa kaniya na siyang sinunod naman nito. Inilahad niya ang kaniyang palad sa gitnang bahagi nila, kasabay no’n ang paglabas ng kumikinang na alikabok at nagpalutang-lutang patungo sa hinihigaan nila.
Mukhang naalinpungatan silang tatlo, at isa-isa silang napaupo sa kanilang higaan. Para silang nababalisa habang tumitingin sa kung saan-saan. Nabuhay naman ang kanilang loob no’ng makita nila akong nakatayo sa kanilang harapan.
Dali-dali silang tumayo at nagtungo sa kinaroroonan ko.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong sa akin ni Eunice habang sinusuri ang aking buong katawan kung may sugat ba ako o wala.
Si Eunice, ang nag-iisang kakambal ko. Mabuti ang loob niya kahit na titirisin ka sa sama ng titig nito sa iyo. Gusto kong humingi sa kaniya ng tawad dahil hindi ko magawang kunin siya sa kamay ng mga nilalang na iyon. At nagpapasalamat din ako dahil sa kabila ng pagmamanipula ng l*tseng reyna na ‘yon sa kaniya ay hindi pa rin nawawala sa puso niya ang kabutihang-loob bilang isang kapatid, at tagapamahala ng kaharian.
Ngumiti naman ako nang malumanay habang pinipigilan ang aking sarili na yakapin siya. “I’m okay, Eunice. Don’t worry!” sabi ko sa kaniya na may halong kasiguraduhan. Nakita ko naman kung paano siya nakahinga nang maluwag do’n.
“Talaga ba, gorilla? Bakit parang namumutla ka yata?” nababagabag naman na tanong sa akin ni Jouesh.
Nakatatawa lang na hindi ko maibigkas nang maayos ang kaniyang pangalan no’ng wala pa akong maalala. Katulad lang din siya noon, mapang-asar at mapanglait na Jouesh. Sana’y hindi magbago, pati na rin ang nararamdaman niya para sa akin.
“Oo nga, unggoy! Kita mo naman, ‘di ba? Napakapraning nito! Psh,” sagot ko naman sa kaniya habang napapairap. Gustuhin ko mang yakapin siya at sabihing nami-miss ko siya, ngunit hindi pa dapat sa ngayon.
“Beatrice, sino ba ‘yang kasama mo?” tanong din ni Euhonn habang nakatingin sa katabi kong dragon na nag-anyong tao na ngayon.
Si Euhonn naman, gano’n pa rin. Palaging nakasunod kay Eunice, at handa siyang ipagtanggol sa ano mang panganib kahit na palagi siyang pinahihirapan ng kapatid ko.
“Si Ace, ‘yong leader namin,” usal ko kaya tiningnan nila ako nang may halong pagtataka.
Gagawa na naman ako ng palusot nito!
“Sinundan ko kayo kanina upang masiguro kung totoo bang pumunta si Beatrice dito, gusto ko kasing ibigay niya sa akin ito no’ng malapit niya na akong sunugin ng apoy niya sa special battle!” mahabang pagpapaliwanag o sabihin na nating pagsisinungaling ni Elijah sa kanila.
Pinakita niya naman ang maliit na halamang gamot sa kaniyang kamay, mukha namang na-uto niya ang tatlo kaya naisipan na naming umalis at bumalik na sa paaralan.
“Dito lang muna ako, may gusto pa kasi akong hanapin! Paalam!” sabi si Elijah at tumakbo na papalayo sa amin.
Sumuong naman kami sa maliit na lagusan na nakita ko kanina, at lumabas na sa Lake of Outset.
“I don’t believe that Ace,” bulalas ni Jouesh sa tabi ko. Tiningnan ko naman siya dahil do’n.
Hindi kaya gising siya no’ng nangyari ang pagrerekoleksiyon ko ng aking memorya? Alam kaya niya na hindi lang ako si Beatrice, kung hindi si Ayesha Beatrice Ambereyes talaga?
“Bakit mo naman nasasabi ‘yan?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi lang naman siguro halamang gamot ang ipinunta mo rito, hindi ba?” sagot naman sa akin ni Jouesh.Napukaw naman ang atensiyon nila Eunice at Euhonn, kung kaya’t pinagmasdan na nila kaming dalawa na nag-uusap.
Mag-isip ka, Beatrice! Best in palusot ka, alam ko ‘yan!
“Guardian, gusto niyang makuha ko ang aking guardian,” sambit ko pagkatapos kong piniga ang aking utak upang makahanap lang ng palusot. “No’ng special battle kasi, wala ako no’n kaya medyo nainis siya dahil naging pabigat ako sa grupo, at sabi niya ay dito ko raw hanapin ang guardian ko!” dagdag ko pa kaya tumango-tango na lang silang lahat. Phew! Buti naman naniwala!
“Nasaan naman ng guardian mo, Beatrice?” tanong naman ni Euhonn kaya ngumisi lang ako nang nakakaloko.
“Elijah,” mahinang usal ko, kasabay no’n ang paglabas ng dragong guardian ko sa aking likuran.
Ngunit napawi ang lahat ng iyon no’ng biglang umatras si Eunice at nagpalabas ng kaniyang kapangyarihan.
“T-That dragon...” mahinang saad nito habang may namumuong luha sa kaniyang mga mata.
Nalilito ako sa mga ikinikilos niya. Ano bang meron kay Elijah? Bakit galit na galit siya?
“Anong ginagawa mo, Eunice?” nagtatakang tanong ko sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin, kung kaya’t napaatras ako.
“That dragon killed my family!”
Tumalab ang pagmamanipulang ginawa ng reyna na ‘yon!END OF CHAPTER 20
BINABASA MO ANG
The Dark Controller Goddess
Fantasy[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] CHASING DARKNESS I: Himitsu Realm - Beatrice is a well-mannered and respectful mortal, but in the face of the masses, she's a hypocrite that tends to disrespect the people that surrounds her. Those bad records lead her t...