Chapter 15: Quesecre & Crudelis: The Adjuration
Isang nakababinging sigawan ang narinig ko nang tumunog ang parang hudyat na magsisimula na ang laban.
Nandito na kami ngayon sa battlefield dahil magsisimula na ang aming panghuling laban. Magiging kalaban namin ngayon sila Eunice.
Hindi katulad no’ng kanina ang aming p’westo. Nag-iba ito dahil sabi ni Ace na dapat maghanda raw kami kasi baka raw maulit ‘yong nangyari kanina sa amin, at hindi nga siya nagkamali.
Pagod naman akong napatingin sa maze na lumabas ngayon.
That maze again. Psh.
Sumenyas naman si Ace sa amin bago siya pumasok sa maze, hindi naman mawala ang bear na hayop niya sa kaniyang gilid. Pumasok na rin kami, kasabay no’n ang pagpapalabas din nila ng kani-kanilang mga hayop. Hindi ako kasali dahil wala naman akong gano’n.
Sabi pa nga sa akin ni Loreleign, hindi raw mga hayop ‘yon, kung hindi ay mga guardian daw nila. Hindi ko nga alam kung bakit mayroon silang gano’n, habang ako naman ay wala.
Napaka-unfair naman yata ng mundong ‘to. Psh.
Naghiwa-hiwalay na kami. Sila ay nasa kanang bahagi ng maze, habang ako naman ay trip kong pumunta sa kaliwang bahagi ng maze.
Habang naglalakad ako ay ang dami-raming pumapasok sa isipan ko.
Simula no’ng makilala ko si Ace, ang dami niyang sinasabing lingid sa kaalaman ko, idagdag mo pa iyong Thiarina kanina na kung ano-ano ang sinabi sa akin.
Magkapatid yata sila ni Ace, mga weirdo. Psh.
Ilang minuto na akong naglalakad dito ngunit wala talaga akong planong makipaglaban sa kanila. Gagamitin ko na lang ‘yong kapangyarihan kong kayang magpa-eliminate ng kalaban sa isang iglap lang.
Pinagpagan ko ang bato na nakita ko at umupo rito. Agad ko namang hinilot ang mga paa ko na kanina pa sumasakit dahil sa layo ng nalakad ko.
Grabe ang layo ng nalakad ko tapos hindi ko pa rin mahanap ang exit ng maze na ‘to! Bakit kasi ito pa ang ginawa nila? P’wede namang iba. Ang daming kaartehan ng school na ito, e. Psh.
Makalipas ang dalawang minuto ay naisipan kong magsimula na namang maglakad upang maghanap ng kalaban. Hindi naman siguro ako display na myembro lang dito, hindi ba? Kaya lalaban din tayo para hindi ma-stress ang leader namin.
Akmang liliko na sana ako sa kanang bahagi dahil dead end na sa harapan ko, ngunit agad akong napahinto nang may narinig akong nagsalita, kaya nagtago muna ako sa gilid.
“Ayon sa nai-ulat sa akin ni George, si Beatrice at si Ace na lang ang ating ipupuntirya dahil lahat ng kasamahan nila ay natalo na.” Narinig ko naman ang tsismisan ng dalawang estudyanteng prenteng naglalakad sa harapan ko.
Hindi nila ako napapansin sapagkat pilit kong tinatago ang aking presensiya.
“Ang hihina naman ng grupo nila Ace!” Natatawang sabi ng isang babae, at parang lintang dumikit do’n sa lalaki.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. Naiinis ako dahil sa mga iniwika nila na pangbabastos sa aming grupo.
Lumabas ako sa aking pinagtataguan, habang sila naman ay patuloy na naglalakad.
“Excuse me, nasaan ba ang daan papalabas dito?” I approached them as they stopped walking. Wow, Beatrice! Ang gara! Ngayon lang ako nakakita ng kalaban niya ang tinanong kung paano makalabas!Napalingon naman silang dalawa sa akin. Halatang nagulat sila dahil nakita nila ako, at napapatulala sila habang tinitignan ang kagandahan ko. Yes, I know, I am that pretty, no need to drool!
Walang pasabi naman nilang ipinalabas ang kakaiba nilang kapangyarihan sa harapan ko, ngunit naging handa ako at ipinalabas ang bolang tubig, dahilan upang maglaho lahat ng kanilang kapangyarihan. Ginawa ko itong panangga upang hindi ako tamaan nito.
“Looks like the both of you are the weakest, eh?” I said while grinning from ear to ear. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para sabihin iyon, ang alam ko lang ay parang may pumasok na kakaibang espirito sa akin. Joke lang, wala talagang multo.
Halatang nainis naman sila sa sinabi ko kaya laking gulat ko nang biglang may lumabas sa gilid nilang isang baboy ramo at lobo. Napawi naman ang pagkagulat ko no’ng makita ko ang mga wangis nila.
Halos matawa ako sa pangit na itsura ng baboy subalit nawala ang lahat ng iyon nang bigla itong sumulong sa akin.
Agad naman akong nag-teleport sa likuran nila na siyang ikinagulat ng dalawa, pati na rin ako. Hindi ako makapaniwala sa aking nagawa. Ang bilis no’n!
Hinawakan ko naman silang pareho, alam kong unnecessary, ngunit feel ko lang kaya ‘wag na kayong umangal.
BINABASA MO ANG
The Dark Controller Goddess
Fantasy[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] CHASING DARKNESS I: Himitsu Realm - Beatrice is a well-mannered and respectful mortal, but in the face of the masses, she's a hypocrite that tends to disrespect the people that surrounds her. Those bad records lead her t...