Chapter 8: Waking the Curse
“Argh! Ang kati! Ano ba? Bakit pilit ninyo itong pinapasuot sa ‘kin, ha?” nanggigigil kong sigaw ro’n sa nilalang na nag-aayos sa akin.
“At saka, tingnan mo mukha ko! Parang coloring book kung tingnan sa kapal ng make-up!” reklamo ko na naman habang tinitignan ang mukha ko sa salamin.
Ano ba kasing pakulo ‘to? Wala ba silang magawa sa buhay at kami ang pinagti-tripan nila? Argh!
“Kung hindi lang talaga sinabi ng mahal na hari na aayusan ka, hindi ka talaga namin aayusan!” inis namang sabi ng nag-aayos sa ‘kin.
Inirapan ko nga ang g*ga. E ‘di hindi na sana n’ya ako inayusan, ‘di ba? Fair deal! Wala sigurong maiinis sa ‘ming dalawa ngayon. Psh!
“Ready na ba ang 5th bride?”Napatingin naman ako sa isang kawal na pumasok sa loob ng silid na pinag-aayusan namin.
“Yes po!” usal n’ya saka tinulak ako nang marahas, kaya matalim ko siyang tiningnan. “Umalis ka na rito, dagdag niya pa at napairap sa ‘kin.
Oo talaga! Aalis ako, p’wede namang hindi manulak. Diyos ko! Na-s-stress ako sa ‘yo!
Rumampa naman ako patungo ro’n sa kawal kahit na malapit akong matapilok sa suot kong high heels at gown ngayon.
Naiinis talaga ako, dahil wala kaming magawa kung hindi ang sumunod sa kanila! Sus, kung meron lang sana akong kapangyarihan na makakapag-control sa kanila, siguro ginamit ko na ito kani-kanina lang.
“Hoy! Ikakasal ba talaga kami?” tanong ko sa kawal nang nasa tabi niya na ako ngunit hindi ako pinansin bagkus ay nagpatuloy lang sya sa paglalakad.
I heaved a sigh, controlling my temper.
Wala naman akong choice, e! ’Di rin naman ako makakatakas kasi... Inilibot ko naman ang aking paningin.Ang daming naka-bantay!
“We’re here,” usal ng kawal at inalalayan akong umupo.
Tumayo naman s’ya sa gilid ko. Akala ko nga aalis na s’ya, pero hindi pala. Balak ko sanang tumakas, e!
“You may now kiss the bride!” bungad na sigaw ng dark king na nagsisilbing pari nila Eunice at Euhonn.
Kita ko naman kung gaano kahaba ang ngiti ng dark king habang sinasabi ‘yon, parang nagugustuhan niya ang mga nangyayari ngayon.“Kiss! Kiss!” nakasimangot na sigaw nina Kris.
Kung hindi lang talaga ako kasama sa kanila, siguro tumatawa na ako ngayon. ‘Yong mga mukha kasi nila ay parang pinagsakloban ng langit at lupa dahil sa nakakasuklam nilang mga ekspresiyon. ‘Yong mga sigaw at nararamdaman nila ay hindi tumutugma. Halatang kinokontrol sila.
“Kiss your bride!” dark king shouted.
Natanaw ko naman ang pagkunot-noo n’ya at pagtaas ng kilay, wari ba’y hindi niya nagugustuhan na ‘di sumunod si Euhonn sa sinabi n’ya. Well, sa totoo lang nakakatakot ang mukha n’ya ngayon.
Nanginginig naman ang kamay ni Euhonn na tinanggal ang veil ni Eunice.
Eunice’s eyes narrowed. “Don't you dare,” diing sabi nito. Nagbabanta na hindi ituloy ni Euhonn ang kan’yang gagawin.
“I’m so sorry, leader,” Euhonn said at hinawakan na ang mukha ni Eunice.“I’m under his power. Hindi ko alam kong ba’t ko ito n-nagagawa,” dagdag pa nito, pero mukhang hindi naman s’ya nababahala, parang gusto nga niya ‘to, e.
“D*mn,” Eunice swore nang dahan-dahang inilapit ni Euhonn ang mukha n’ya sa mukha ni Eunice.Kita ko naman tinapunan ng masamang tingin ni Eunice ang dark king na parang sinasabi niyang ‘you’ll pay for this’ ngunit hindi naman nagpatinag si dark king.
Until their lips met.
And now, they’re kissing each other.
Holy crap!
Pigil hininga sila nang matigil ang halik na ‘yon! Pati ako nga ay parang nandiri no’ng makita kong gumalaw ang labi nila! Oh, God, hindi sana gan’yan sa ‘min!
“They’re kissing!” masayang h'yaw ni Ken, the dark king kaya nilingon ko muli sina Eunice at Euhonn.
I saw how Eunice’s body stiffed and her eyes are still widening and Euhonn crumpled his hands while he was blushing.
I-ni-announced naman ng dark king na mag-asawa na raw sina Eunice at Euhonn.
Umalis naman na sila sa altar at umupo sa tabi nila Anto.
“And last! Groom! Enter!” dark king shouted.
Nakita ko namang pilit na naglakad si Esh-esh sa ginawang altar-altaran nila. Parang na-estatwa rin ako sa aking kinauupuan nang mapagtanto kong kami na pala ang susunod.
Napatingin din ako sa hari na nakangisi lang.
I gritted my teeth, looking at him intensely.
I want to kill him, right here, right now. Nanggigigil na ako sa kan’ya!
BINABASA MO ANG
The Dark Controller Goddess
Fantasy[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] CHASING DARKNESS I: Himitsu Realm - Beatrice is a well-mannered and respectful mortal, but in the face of the masses, she's a hypocrite that tends to disrespect the people that surrounds her. Those bad records lead her t...