Chapter 31: Baleful Banquet
“Elijah!” I called Elijah who was drinking his champagne. Tumatawa ito habang nakikipag-usap kina Felix at sa iba pa niyang mga kasama. Nagpaalam muna siya sa kanila bago pumunta sa direksiyon ko.
Pinagmasdan ko naman siya habang naglalakad patungo sa akin. Hindi mo aakalaing isa siyang dragon dahil sa kag’wapohang taglay niya. Maayos ang buhok, at malinis sa sarili.Ngumiti naman ito sa akin at huminto sa aking harapan.
Bumuntong hininga nalang ako. Buti naman. Nagtatampo kasi ito kanina dahil hindi ko raw siya tinawag sa labanan. Aba’y malay ko bang gusto niya ring sumali hindi ba? ‘Tsaka nakalimutan ko rin siya dahil sa sobrang pagka-excite ko na tapusin iyon.
“Yes, Ayesha?” tanong nito sa akin saka lumapit. Tinitigan ko naman siya ng dahil do’n.
“Tawagan mo sila Thiarina, gamit ‘yang cellphone mo,” utos ko rito kaya tumango siya sa akin.
“Ano bang sasabihin ko?” nagtatakang tanong nito sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ano pa ba? Honghang na ‘ata ‘to siya, e. Psh.
“Papuntahin mo rito,” sagot ko sa kaniya, at umalis na sa kaniyang harapan.
Naglakad naman ako patungo sa itaas. Nakasuot ako ng aking uniporme, pati na rin silang lahat. Napag-isipan ko kasing ngayon na lang gawin ang pagdiriwang. Hindi naman sila tumutol kaya ayos na rin.
Masayang-masaya silang lahat. May nagsasayawan sa gitna, habang ang iba nama’y nagkuwe-kuwentuhan. I rolled my eyes heavenwards. Little did they know, the war isn’t over yet. Psh.
Pinanood ko naman silang lahat dito sa itaas habang nakabusangot ang aking mukha.
“Hey!” Napalingon ako sa tumawag sa akin. It’s Eunice, and she’s smiling at me from ear to ear. I smiled back. D*mn, her smiles are really contagious.
“Are you okay?” she added. Tumabi naman siya sa akin, at pinagmasdan din ang mga imortal sa ibaba na nagsasaya. Tumango na lang ako sa kaniya, kaya ngumiti na naman ito.“Isn’t it great?” sabi pa nito habang nagniningning ang kaniyang mga matang nakatingin pa rin dito.
“What’s great?” naguguluhan kong tanong sa kaniya kaya humarap siya sa akin.
“Even though I can’t remember anything about our past, we can still be together, right?” she asked me. Kumunot naman ang noo ko rito. That’s not the answer to my question.
“Of course, we can! Sino bang may sabing hindi?” sagot ko na lang sa kaniya tsaka inayos ang buhok na nasasagi sa mga mata niya.
“Nothing, just making sure!” She smiled again while looking at me. Ang cute-cute niya! Diyos ko!
I pinched her cheeks. “Do you want me to bring back your memories?” I asked her and she just shook her head.
“No, let me do it!” she replied to me. Ngumiti na lang ako sa kaniya.
“Okay,” saad ko na lang, at bumuntong-hininga.
Actually, I can make that happen, right now, right here. Pwede ko ring isama sila Kristina at iba pa, ngunit kung ayaw naman nila, hindi ko na lang sila pipilitin.
“Eunice! Halika rito!” masayang sigaw ni Euhonn kay Eunice kaya umirap ito sa kaniya. Wow, switch mood, yarn? Pft—
“Pumunta ka na ro’n,” sambit ko kaya lumingon siya sa akin.
“How about you?” tanong nito.
“Magjejebs muna ako,” diritsahang sagot ko rito kaya nagtataka itong tinignan ako. Right, hindi pala nila alam ang word na ‘yon.
“Tatae ako, Eunice. Sasama ka?” Nakita ko naman kung paano umasim ang mukha niya, tsaka pinipigilan ang kaniyang tawa.
“Si Bea ta—uhm!” Agad ko namang tinakpan ang kaniyang bibig. L*tse! Nagbibiro lang ‘yong tao, e!
“Joke lang! Just kidding! Pumunta ka na ro’n, may kukunin lang ako sa dati kong kwarto!” singhal ko sa kaniya kaya tumawa ito sa aking harapan.“Dianna Eunice!” tawag ulit ni Euhonn sa kaniya kaya napasimangot na naman ito.
“Just wait, you b*stard!” she shouted back, looking at him with knitted brows.
“Sige na, bye-bye! Have a great moment with your boyfriend!” buwelta ko pa kaya ako na naman ang sinamaan niya ng tingin.
She clicked her tongue. “Pumunta ka ro’n kapag tapos ka na, ha?” she muttered, so I nodded.
Naglakad na ito papalayo sa akin kaya nagsimula na rin akong maglakad patungo sa dati kong silid.
Lumiko ako sa kanang bahagi ng palasyo tsaka huminto sa pinakadulong silid na naririto.
BINABASA MO ANG
The Dark Controller Goddess
Fantasía[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] CHASING DARKNESS I: Himitsu Realm - Beatrice is a well-mannered and respectful mortal, but in the face of the masses, she's a hypocrite that tends to disrespect the people that surrounds her. Those bad records lead her t...