Author's reminder:
Yung nasa side na pic si Denise Young po yan.. Baka lang po kasi magpagkamalan niyong siya si Clyper...That's the antagonist of TBB.. Medyo seductive.. Good for her.. Heehe
Chapter 1: The Initial Encounter
Nasa school ang mga incoming senior high school student ngayon para sa last batch ng mga enrolees. Marami-rami rin ang nagdagsaan na ibang year levels para makahabol sa last day ng enrollment.
Pagkatapos magenroll ni Clyper ay pumunta na siya sa waiting area para hintayin ang ama na susundo sa kanya nang biglang may kamay na tumakip sa mata niya kaya napahinto siya.
"Bogs, pwede tanggalin mo na iyang kamay mo. Kahit naman siguro mag-gloves ka pa eh makikiala pa rin kita." Sabay tanggal ng kamay ni Raffy, her childhood bestfriend.
"Alam mo Mic, bilib din ako sa sensory mo. Kamag-anak mo ba si Madam Damin?
Ang galing mo kasing manghula eh." Tanong ng kaibigan ng humarap siya dito.
"ha-ha-ha! Joke ba iyon? Funny ha." sarcastic na sagot niya dito sabay cross ng arms.
"Paano ba naman kitang di marerecognized eh ikaw lang naman ang mahilig gumawa sa akin nun. At tsaka tingnan mo nga." Inabot niya ang left hand nito.
"Ikaw lang naman ang alam kong lalaki na may kamay na parang babae."
At pinagtutusok niya pa ang gitna ng palad nito gamit ang kanyang hintuturo.
"HOY MIC, ano ba iyang ginagawa mo ha? Bastos kaya yan!" mabilis na bawi naman ni Raffy ng kanyang kamay.
Nagulat naman si Clyper sa sinabi ng kaibigan.. "Anong bastos ang pinagsasabi mo diyan?
Wala naman akong ginawang masama sa'yo ha!" sabi niya dito na salubong ang kilay.
"And please, stop calling me MIC okay? Porket maputi na anemic na agad? Di ba pwedeng maputla muna?
"Hay. Wala ka talagang alam sa mga ganyang gesture noh. Baka sa iba mo gawin yan baka kung ano pa mapala mo."
"Ang bait mo namang bestfriend noh. Touch naman ako sayo. Kung makasabi ka ng walang alam parang genius ka naman masyado." pilit na itinatago ni Clyper ang inis at nagpatiuna na sa paglalakad.

BINABASA MO ANG
THE BRAINLESS BEAUTY (Ongoing Series)
Teen FictionClyper Vann Soccoro has all the quality that every young ladies asked for. Sapat na kaya ito para mapansin ng isang Brainy-Badboy ng campus which is known to be an anti-low IQ hearthrob? Can she prove that intelligent doesn't matter anymore when it...