Chapter 10 unwanted scene. weah?

592 10 10
                                    

Follow me on twitter @sharinaku. And add me as your friend on facebook.com/sharina.kuddah

***

Sa pagpapatuloy ng kanilang tutorial session ay may pasasagutan si Mc na isang problem kay Cly . Tulad ngayon, kailangan niyang sagutin ang problem gamit ang formula na itinuro sa kanya ni Mc. 

"Ugh! Ang hirap naman nito. Wala bang mas madali? Yung tipong one plus one- carry one- barrow one." Pagrereklamo ni Clyper sa taong nasa screen na walang ginawa kundi ang magbasa ng random books habang naghihintay sa answer niya.

"Para sabihin ko sa'yo nasa easy stage pa lang tayo. Hindi pa 'yan masyadong complicated kaya wag kang magreklamo diyan." Sani ni Mc na panay pa rin ang buklat sa librong binabasa.

"Easy stage? ibig mong sabihin may moderate at difficult level pa? Waahh.. Ano ba nakain ni Newton na 'yan at nakaisip ng ganitong pakulo.. Nakakainis naman oh.. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya.." Parang exhausted na sabi ni Cly. Andami na ring nagkalat na scratch papers sa table niya. 

"Sagot na!"

"Gwapo ka sana kaso ang sama ng ugali." Bulong ni Clyper sa sarili.

***

It's almost 10:00 in the evening at hanggang ngayon naghihintay pa rin siya sa sagot ni Cly. Actually , madali lang talaga yung solving problem. All you need to do is to analyze the problem very well dahil given na rin naman ang formula. Pero ang hindi niya maintindihan kung bakit hirap na hirap si Cly. Para lang siyang nagtuturo ng gradeschooler. Lalo na nung sinabi pa nito kung may one plus one- carry one- barrow one. Gusto niyang tumawa pero baka isipin pa nito na pinahihirapan lang siya.

"Matagal ka pa ba?" Tanong niya nang makitang hirap na hirap ito sa ginagawa. Pati yung facial expression nito ay frustrated na rin.

Hindi siya sinagot nito. Concentrate ito ngayon sa ginagawa. Unti-unti na rin siyang dinadalaw ng antok. Feeling ni Mc ay inaaya na siya ng kanyang malambot na kama na matulog gayung hindi pa naman siya sanay matulog ng late. 8 to 9pm lang ang duration ng sleeping time niya. Hindi naman siya nanonood ng TV latenight at mas lalong hindi siya nagaaral sa gabi. So irony.

"Hoy! bilisan mo na *yawn* nga diyan." Halos hindi niya na maopen ng maayos ang mga mata niya dahil bumibigat na ang talukap niya. Paulit-ulit na rin siyang humihikab. Kahit gustuhin niyang matulog ay hindi niya magawa. Gusto niyang may outcome ang pagtututor niya kay Cly para maevaluate niya rin ang sarili kung effective ba siyang magturo. Atleast hindi nasayang ang oras niya.

***

"Malapit na!" Ngayon ay naaanalyze na niya ang situation sa problem. Nasolve na niya ang step one gaya na rin ng itinuro sa kanya ni Mc. Nasa step 2 na siya ngayon.

Habang patuloy sa pagsosolve ay nanlalabo na rin ang paningin niya. Parang minumuta na siya gayung hindi pa naman siya natutulog. She's yawning frequently. But still pursigido pa rin siyang tapusin ang nasimulan.

Sa kabilang dako naman ay hindi na naramdaman ni Mc na napapahiga na siya. Masyado na siyang preoccupied ng antok. Hindi na niya ito kayang labanan pa.

Ganun din si Clyper, habang nag-iisip siya ng malalim ay mas lalo namang nadadagdagan ang  antok niya. hanggang sa hindi na niya makayanan ay napasubsob na lang siya sa study table niya.

Nakalimutan na rin nilang i-unplug ang mga charger ng laptop nila.

At dahil activated ang power ng light ni Cly sa kwarto niya ay na-off na ito pagdating ng 11pm. Ipinasadya talaga yun ng dad niya dahil takot siya sa madilim kaya naisipan ng papa niya na palagyan ng activator para kusang mamatay ang ilaw pag tulog na siya. Habang nakabukas pa rin ang ilaw sa kwarto ni Mc.

*** 

*Rrrrinnnnnnnng*

Sabi ng alarm clock ni Clyper.

Nag-iinat siya nang magising. Medyo madilim pa sa kwarto niya kasi wala naman siyang bintana. Ayaw niya sa dilim pero ayaw niya rin sa sikat ng araw. 

Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata. Natigilan siya at dun niya lang napansin na sa study table na siya nakatulog. Andun pa rin ang nagkalat na papel na ginamit niya. Nakabuklat ang libro at nasa sahig na rin ang ballpen niya na may feather design pa.

Parang wala pa siyang planong linisin ang mga iyon nang mapadako ang mata niya sa sceen ng kanyang laptop. Nakabukas pa rin ito hanggang ngayon.

***

At exactly 6am ay nagising na si Mc. Routine na niya na bago pa man tuluyang buksan ang mga mata ay tinatanggal na niya ang damit at pajama niya. Tinanggal na niya ang pagkakabutones ng pantulog niya. Unaware na may nakakakita pala sa kaniya.

Dahil sarado pa rin ang kanyang mga mata ay nagpatuloy lang siya sa ginagawa. Kalahati na rin ng kanyang pajama ang kanyang nahuhubad nang maging klaro ang paningin niya. At dun lang din niya napansin ang nakatunghay na laptop niya. 

***

O_O        O_o            O_-                 O_O

Halos lumuwa ang mga mata ni Cky sa nasaksihan. Isang matipunong adan ang unti-unting naghuhubad sa harapan niya. She can't take her eyes from it dahil parang may naguudyok sa kanya na abangan ang susunod na kaganapan. 

Napahawak siya sa kanyang bibig na animo'y gulat na gulat sa sumunod na nakita. Tinatanggal na rin ni Mc ang kanyang pajama. Tuloy-tuloy rin ang paglunok niya habang pinagmamasdan ang bagong gising na si Mc sa screen. Parang haggard pa ito dahil magulo pa ang buhok nito.

Nagulat si Cly nang biglang bumukas ang kanyang silid. 

"Nak, gising na. You need to prepare pa. Bilisan mo na nang hindi mainis ang kapatid mo sa pag-aantay sayo." Paalala ng mama niya nang pumasok sa loob at buksan ang ilaw.

Mabilis na isinarado ni Clyper ang laptop niya.

****

Nung una akala ni Mc ay wala lang yung nasa screen dahil masyadong madilim sa kabila. Hindi niya masyadong maaninag. Nagulat siya nang biglang nagliwanag ito at huli sa akto na nakita niya si Clyper na mataman ang titig sa kanya ayon na rin sa nakikita niya sa screen.

"Nak, gising na. You need to prepare pa. Bilisan mo na nang hindi mainis ang kapatid mo sa pag-aantay sayo." Dinig niya pang may nagsalita mula sa kabila.

Nagdisconnect na ng tuluyan si Cly..

"WHAT THE HELL! GOD DAMN IT! NASILIPAN AKO!!" sigaw ni Mc. Pinaghahagis niya ang lahat ng mahawakan niya. Unan, kumot at ultimo cellphone niya na nasa sidetable ay napagdiskitahan niya.

*****

"Oh ate, bat ang pula pula ng mukha mo?" Salubong sa kanya ni Carl nang pababa na siya ng hagdan.

"Pakialam mo.. Umalis ka na nga.!" Pagtataboy niya dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari..

Naabutan niya kaya ako? Lagot ako nito. Ayoko na atang pumunta sa school.. The abs..

Waahhh ano ba 'tong pinag-iisip ko.. Clyper Vann, LUMALANDI KA NA!!! Sisi ni Cly sa kanyang sarili.

*****

Vote, Comment.. Andaming reads ng last update ko kaso wala man lang nagparamdam. Tampo na ako niyan..

Just kidding.. Enjoy!

THE BRAINLESS BEAUTY (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon