Chapter 15
2nd week of class..
Clyper's POV
Hirap akong makatulog kagabi dahil sa dami ng nangyari. Yung conflict between sa amin ni Bogs at idagdag pa yung Mc na yun. Nakakafrustate!!
Kaya 6:00 am pa lang andito na ko sa school. Hindi ko na rin hinintay ang kapatid ko dahil malamang tulo laway pa yun. Kelangan kong mag-isip kung paano ko sosulusyunan yung problema ko kay bestfriend. Kelangan magcooperate naman tong mga neurons ko.
*******
Raffy's POV
Sinadya kong gumising ng maaga para sunduin sin Mic sa bahay nila. I promised to myself na hindi ko palalampasin ang araw na 'to nang hindi kami nagkakaayos. Ang hirap magtiis. Nakakamiss din yung anemic na yun.
6:30 am
Andito na ako sa tapat ng bahay nila. Nakita ko agad si Carl na nakauniform na.
"Good morning. Gising na ba ate mo?" I asked.
"Uhm. Si ate ba? Kanina pa siya umalis eh. Himala nga kuya Raffy eh." He answered na parang hindi makapaniwala.
"Ah, ganun ba? Mga ilang oras na siyang nakaalis?"
"I'm not sure kuya eh. But I think mga 32 minutes and 25 seconds ago." Sabay tingin pa niya sa watch niya.
"Hindi ka pa sure sa lagay na yan ha. Sige una na ko. Ingat sa daan." I patted his head lightly and went to my car. Sana makapgusap kami ng maayos to settle this mess.
*********
Clyper's POV
"Hoy tangengot! Anong ginagawa mo diyan? Ba't ang aga mo ata?"
Magugulat sana ako dahil may bigla na lang may sumulpot na kabute sa harapan ko. Pero dahil tinawag niya akong tangengot, hindi na nakakapagtaka kung sino siya. Hindi ako kumibo. Lets just pretend na hindi siya nageexist. Umupo ako ng maayos sa bench and turned my gaze away from him. Mukhang effective naman dahil maya-maya lang naramdaman kong unti-unti na siyang humahakbang sa kawalan. Salamat naman.
Para hindi ako mabored, isinalampak ko ang earphone ko sa tenga ko at nakinig na lang ng favorite kong music sa playlist ko. I prefer acoustic versions. Yung tipong Boyce Avenue.
*****
Mc's POV
Lokong tangengot na yun ha. She never even bothered to answer my questions. I don't give a damn anyway! Pero bat parang naiinis ako? Kaya minabuti ko na lang umalis kesa naman magmukhang ewan dun.
Masyado pang maaga kaya wala pang masyadong students. At dahil wala akong magawa I started getting a piece of paper from my bag. Crumpled it and throw against her back. Nakikinig lang siya ng music na parang hindi ako nageexist. She turned her head towards me. Gotcha!
"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Hinablot niya ang earphone niya from her ear at mabilis na naglakad papunta sa akin na nasa likod niya lang.
"Oh! I'm sorry. Didn't mean it." I said cooly. It's not a big deal anyway. "I thought you were a trash." I added.
"A trash? Hmp! Alam mo wala na akong pakialam sa kung ano pang gusto mong sabihin sa akin. Alam ko naman na isa lang akong nobody sa'yo. But please for once. Kahit ngayon lang Mr. Savellon, stop being cruel and insensitive. Matalino ka naman siguro para maintindihan yun." I was dumbfounded. I thought she would confront me in a noisy way. But the hell, how can she managed to say it pleadingly and softly? With that she turned her back and walked away.
BINABASA MO ANG
THE BRAINLESS BEAUTY (Ongoing Series)
Teen FictionClyper Vann Soccoro has all the quality that every young ladies asked for. Sapat na kaya ito para mapansin ng isang Brainy-Badboy ng campus which is known to be an anti-low IQ hearthrob? Can she prove that intelligent doesn't matter anymore when it...