Chapter 13: Conflicts

682 12 18
                                    

  This chapter is dedicated to @rheeyohkang and @camyl_10.. Dahil sa inyo kaya "naengganyo" akong mag-update..

VOTE..COMMENT..LIKE..RECOMMEND..AND BE MY FAN... (promise di pa ako demanding)

Chapter 13: Conflicts

Pagkatapos ng insidenteng yun, wala ng inaksayang oras si Clyper at sinundan na niya si Raffy.. Kailangan niyang magpaliwanag dito dahil baka namisinterpret nito ang lahat ng nakita..

Sa kanyang pagsunod dito ay hindi naman niya matukoy kung saan ito nagpunta.. Mabilis itong nawala sa kanyang paningin dahil lakad-takbo aNg ginawa nito..

Kasalukuyan namang breaktime at nagsisilabasan na ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom..

Sinubukan niyang magtanong sa mga ito at sigurado naman siyang kilala ng mga ito si Raffy..

"Ahm excuse, nakita niyo ba si Rafael Dancel? Dumaan ba siya dito?" May pag-aalalang tanong niya sa mga nag-uumpukang sophomore students.

"Hindi po.. hindi po namin siya nakita dito.." Magalang na sagot ng isang bata..

"Ganun ba? Sige, thank you.."

Isa lang ang pumapasok sa isip niya sa mga oras na yun na pwedeng puntahan ni Raffy.. At paniguradong hindi rin ito nakalabas ng campus dahil tanaw pa rin niya ang kotse nito mula sa parking lot..

Patakbo na niyang tinungo ang Gym kung saan madalas nagbabasketball si Raffy...

Hingal na hingal siya nang makarating dun at hindi nga siya nagkamali.. Andun si Raffy... Dinig niya rin ang malakas na talbog ng bola..

"Bogs, mag-usap tayo.." Sabi niya nang makalapit dito.. Hindi siya nito pinansin at  nakatalikod pa ito sa kanya.. Patuloy lang ito sa paghagis ng bola, hindi para ishoot kundi para lang patalbugin ito sa board ng ring.. 

Alam niyang masama ang loob nito sa kanya..

"Bogs, yung nangyari kanina wala naman talagang ibig sabihin yun.." Paliwanag niya kahit hindi niya alam kung nakikinig ba ito sa kanya..

Patuloy lang si Raffy sa pagdribble ng bola.. Pilit nitong nilalakasan na halos pati sarili niyang boses ay hindi na niya marinig..

"Bogs, humarap ka naman sa akin oh." Hindi na niya matiis ang pambabalewala sa kanya ng bestfriend kung kaya't pinaharap niya na ito sa kanya..

"Para ano pa!? Mic, kitang-kita ng dalawang mata ko! Naghahalikan kayo! Ganyan ka ba talaga kababaw? Last week lang ininsulto ka ng gagong yun tapos ngayon bibigay ka rin naman pala!" Pasaring ni Raffy sa kanya.. Dahil sa dalawa lang silang nasa loob ng gym ay umaalingawnagaw ang echo sa buong paligid..

"Bogs, alam mong hindi totoo 'yan.. Kilala mo ako noon pa. Hindi ko magagawa ang ganyang bagay." Parang nagmamakaawa na saad ni Clyper.. Bumibigat ang loob niya sa panghuhusga sa kanya ng bestfriend ngunit pilit siyang nagpapakumbaba..

"Siguro nga hindi na kita kilala.. Nakilala mo lang ang lalaking yun nag-iba ka na.. Pati ako na bestfriend mo pinagtataguan mo. May alibi ka pa na na pupunta ka sa ladies' room yun pala gagawa lang kayo ng milagro ng Mc na yun.. Huh! At pinili niyo pa talaga sa tagong lugar.. Nagawa niyo yun kahit madumi.. Bakit Mic, MASARAP BA HA?! MASARAP BA!?"

*PAK!

Hindi na nakayanan ni Clyper ang pinagsasabi ni Raffy sa kanya kaya buong lakas na niya itong nasampal.. Bumuhos na rin ang mga luha niya na kanina pa nagbabadya..

"Bogs, s-sorry.. Sorry hindi ko sinasadya.." Paumanhin ni Clyper dito. She can tolerate the numbness of her whole body but not the pain she inflicted to her bestfriend..

THE BRAINLESS BEAUTY (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon