Chapter 9 Skype

572 11 7
                                    

Chapter 9

“God! This is bullshit!” Mc cursed everytime he thinks what happened awhile ago. It seems like hell for him. Ngayon hindi niya alam ang susunod na hakbang na gagawin  niya.  Kung siya ba  ang lalapit kay Clyper para idiscuss ang tungkol sa pagtututor niya dito o hahayaan niya na ito mismo ang mag-approach sa kanya gayung ito naman ang mas nangailangan ng serbisyo niya.

Nasa malalim siyang pag-iisip when someone pull his sleeve.. 

"Ano to?" He asked nang abutan siya nito ng isang sheet ng sticky note.

"Sticky note." Clyper replied in unconsciously sarcastic manner.

"I know. What i mean is aanhin ko to?" 

"Address yan ng bahay namin. Allowed ang lalaki dun pag-uwi ni papa galing sa work which means 5pm to 7pm. Pero bago ka pumunta tawagan mo muna ako para hindi sila magulat. Maliwanag ba.. ?" Mahabang litanya ni Clyper na prenteng nakasandig sa motor niya dahil nasa parking lot sila ngayon.

"You're kidding right? Ikaw ang may kelangan sa'kin bat hindi ikaw ang pumunta sa bahay? I don't need this." Tsaka idinikit sa noo niya ang papel.

"Ano?! Hindi ako pwede pumunta sa bahay ng lalaki!" napastraight  pa ang tayo niya.

"So? I don't care. Find ways. Tabi ka nga diyan!" Tinabig siya nito sa braso para umalis sa pagkakasandal sa motor nito at sumakay na.

"You don't care? Talaga lang ha? O Sige madali lang naman solusyunan yan." 

Sinimulan na ni Mc buhayin ang kanyang motor then suddenly....

"IBABAGSAK KO ANG DALAWANG SUBJECT! REMEMBER, YOU WILL GET WHAT MS. SOCORRO GETS!" At talagang nilakasan niya ang boses niya para labanan ang ingay ng motor nito.

"What? Are you crazy? bina-blackmail mo ba ako?" Salubong ang kilay na tanong nito sa kanya tsaka pinatay ang makina ng motor.

"You dont care naman kaya don't worry." She said as a matter of factly.

Mata lang nila ang nag-uusap. Hinihintay kung sino ang magsasalita. Bumaba si Mc mula sa kanyang motor at unti-unting lumapit sa kinatatayuan niya. 

Clyper stiffened when Mc gradually moved his head closer to her. Pero para ipakita na hindi siya papatalo dito, inilapit niya rin ang mukha niya na halos kapusin na siya ng hininga. 

Until she can no longer stand their position lalo na nang dumako ang mata ni Mc sa mga labi niya. She closed her eyes and wait for the next thing that might happened between the two of them.

*lubb dubb. lubb dubb

"tsk. tsk. Waiting something to happen?"

O_O

Tsaka nito hinablot ang papel na nasa kamay niya. Yun lang pala dahil nakatago ito sa likod niya.

"Hindi noh!" Sabi ni Clyper sabay iwas ng tingin.

He just smirked. " Skype".

"Ha?''

"May laptop ka di ba?''

"OO. Eh ano ngayon? Bakit may balak kang hingin? No way!"

*boink

"Ouch! Ano ba?" himas-himas ni Cly ang kanyang noo na hinampas ni Mc ng hawak na sticky notes.

"I have my own, bat ko naman hihingin ang sayo. Ibigay mo sa'kin ang email add mo."

"San? Sa frienster, yahoo o sa facebook?"

"SA SKYPE!" Naiiritang sigaw ni Mc.

"Hindi ako bingi! Wag kang sumigaw!" Sagot naman niya.

"Hindi ka nga bingi pero slow ka naman."

THE BRAINLESS BEAUTY (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon