sharinaku: Kung ano ang pumapasok sa isip niyo habang binabasa 'to, well, ganun din ako habang sinusulat to.. Hehehe
Anyway' sa lahat ng mga nabitin at naghintay sa update na 'to, eto na po siya..
Chapter 12: Caught in the Act
"Hindi ako marunong magtahi, promise.. Hindi pa ako nakakapagtahi sa buong buhay ko.. " Pakli ni Clyper..
Kanina pa sila sa loob ng kotse na nagsisisihan sa pagkaalis ng butones sa polo ni Mc.. At dahil sa nagkasira-sira na ito ay walang sinuman sa kanila ang gustong lumabas..
"What?! Hindi ka pa marunong magtahi? My God nasa 4th year high school ka na pero wala ka pa ring alam sa mga ganyang bagay? Babae ka ba talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mc.
"Excuse me. Ano akala mo sa akin bakla?! Kung may napupunit man sa damit ko e si yaya na nagtatahi nun.. Kasalanan ko ba na hindi ako natuto niyan? At saka bakit ikaw ba marunong?"
"Hindi" sagot ni Mc..
"Oh kita mo ang lakas ng loob mo na sabihan akong walang alam sa pagtatahi eh ikaw rin naman pala.. Yabang mo ha!"
"Ah basta! If you don't try to fix this then binabalaan na kita... I will ruin your life for the rest of your high school year.." Maawtoridad na babala ni Mc habang hawak-hawak pa rin ang ngayo'y gusot-gusot na polo..
"Eh sa hindi nga ako marunong.. Kung ipinahiram mo na sa akin 'yan kanina eh di sana hindi na aabot sa ganyan.. Kasalanan mo kaya ikaw umayos niyan.. At saka hindi rin naman sa akin yan eh." Pagdadahilan ni Clyper. Idinadaan lang niya sa tapang ng boses niya ang mga sinasabi niya para hindi mahalata ni Mc ang takot niya dito..
"You're making me crazy.. Lahat na lang ang palusot mo eh.. Baka mamaya niyan eh tatakbo ka na lang at sasabihin mong natatae ka." Nakakunot-noong saad ni Mc.. "Sa ayaw at sa gusto mo ikaw ang magtatahi nito". Pagkasabi nun ay lumabas ng kotse si Mc at umikot sa passenger's seat para pagbuksan si Clyper..
"Lumabas ka diyan!" Utos niya kay Clyper nang pagbuksan ito ng pinto.
"Ayoko nga! Naturingan ka ngang matalino pero hindi ka naman nag-iisip.. Alam mo na ngang indi ako pwedeng lumabas dahil wala akong pambalot sa katawan ko.. Pano kung may makakita sa akin?" Pagmamatigas naman ni Cly.
"TSk.. Lalabas ka o hahatakin kita palabas?!" Naiiritang tanong ni Mc sa kanya..
"Ba't ba kasi gusto mo akong palabasin?. Ayy.. NAKAKAINIS NAMAN OH!" .Pati si Clyper ay naiinis na rin..
Bago pa man siya makapagreact ay tinotoo na nga ni Mc ang banta nito.. Hinatak siya nito palabas ng kotse.. At dahil sa hindi siya prepared ay nakakaladkad na siya ni Mc.. Sa sobrang higpit ng hawak nito sa braso niya wala talaga siyang chance na makatakas..
Buti na lang talaga at walang katao-tao dahil kanina pa nagsimula ang klase.. Nakapagcutting class na rin sila.. Mabuti na lang din at hindi sa direksiyon nila nakaharap ang isang maintenance na nagdidilig ng halaman sa campus.
"Hoy Mc, Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! San mo ba ko dadalhin.? Hindi ako kaladkaring babae kaya wag mo 'kong kaladkarin!." Kahit anong pakiusap ni Clyper ay wala pa ring epekto kay Mc.. Hila-hila pa rin siya nito hanggang sa makarating sila sa isang tagong classroom.
***
"Asan na ba 'yong babaeng yun?" Kanina pa patingin-tingin si Raffy sa wristwatch niya.. Halos 30 minutes ng late ang bestfriend niya..
"Hoy captain, ba't parang tuliro ka diyan? Magsulat ka na nga ng lecture.." Tawag pansin ng seatmate niya na miyembro rin ng varsity..
"Wala pa kasi si Mic eh.. Ang sabi niya lang kanina magc-cr siya.." Sagot niya ngunit sa pinto ng classroom nakatuon ang pansin..
BINABASA MO ANG
THE BRAINLESS BEAUTY (Ongoing Series)
Ficção AdolescenteClyper Vann Soccoro has all the quality that every young ladies asked for. Sapat na kaya ito para mapansin ng isang Brainy-Badboy ng campus which is known to be an anti-low IQ hearthrob? Can she prove that intelligent doesn't matter anymore when it...