Read
Vote
Comment
and be a Fan..
Rafael "Raffy" Dancel, the cutie childhood bestfriend of CV at the side.. Nasa condo sila.------------------------------------------------------------------------------------------------------------>
Chapter 4: My Memory and Kisses
"It's for our own good. We need to end this. Mas gusto ko na magkakalayo tayo na walang responsibilidad sa isa't-isa. In that way, we can live our life with no restrictions.. Na walang inaalala." Nagsusumamo na paliwanag ng babae. Nasa may field sila ngayon ng airport.
"I can't!" Mariin na tugon naman ni Raffy. "I don't care if this is a long distance relationship. Basta gusto ko akin ka lang.. Tayo pa rin.. Mahirap bang intindihin yun!?" Mahigpit na niyakap ni Raffy ang babae.. "I need you Rina.. Mas gugustuhin ko na magkalayo tayo pero alam kong ako pa rin ang nasa puso mo." May namumuo ng luha sa gilid ng mata niya habang binabanggit ang mga katagang iyon.
"Look, Raffy" Pinipilit ni Rina na pakalmahin siya at sabay hawak sa kanyang baba para tumingin siya dito.. "Pag-aaral ang aatupagin ko dun. Alam mo namang Nursing ang course ko kaya I need to focus, to concentrate dahil yun ang dapat." sabi nito kasabay ng pagbagsak ng butil ng tubig mula sa mga mata nito.
"What do you mean Czarina? I'm a destruction!? I'm a pain in your butt?! Tell me!!"
Sa kabila ng pagpapaintindi sa kanya ni Rina ay parang kumikitid naman ang utak ni Raffy.
"Kung sagabal ako sa iyo sabihin mo! Ano bang ayaw mo sa akin ha? Nasasakal ka ba sa relasyon natin? Huwag kang magalala from now on hindi na kita kukulitin kung ayaw mong manood ng games.. Hindi na kita iistorbohin para lang makipagdate.. Just please..please dont break up with me." Nagmamakaawang pakiusap ni Raffy na lumuhod pa habang yakap ang mga paa ng dalaga.
Lumuhod na rin ang dalaga para maging kapantay sila. "I'm sorry Raf, but I need to do this.. Kung alam ko lang na ganito ang magiging epekto ko sa'yo di sana hindi na kita sinagot. Sa totoo lang naaawa lang naman ako sa'yo noon eh dahil nakita ko ang mga efforts mo.." Her voice is full of sadness.
"Naawa!? All this time awa lang pala ang nararamdaman mo para sa'kin? For almost 2 years ba't di ko naramdaman iyon.. Alam kong mahal mo ako.. Mahal mo ako di ba?! Minahal mo ako di ba?!"
Nagiging hysterical na si Raffy. Ni sa hinagap hindi niya naisip na masasabi ito sa kanya ni Rina, ang babaeng pinkamamahal niya. Ang babaeng nais niya makasama habang buhay..
BINABASA MO ANG
THE BRAINLESS BEAUTY (Ongoing Series)
Teen FictionClyper Vann Soccoro has all the quality that every young ladies asked for. Sapat na kaya ito para mapansin ng isang Brainy-Badboy ng campus which is known to be an anti-low IQ hearthrob? Can she prove that intelligent doesn't matter anymore when it...