A/n: Hindi ko dapat ipapublish yung last chapter kaso ung 'publish' ang naclick ko.. Anyway, eto yung continuation..
Chapter 8: Tutor!
"Miss M, hindi ko po kasalanan ang nangyari. Nagulat na lang ako ng magtawanan sila." Mahinahon na paliwanag ni Clyper pero taliwas sa nararamdaman niya na sobrang kabado. Kung maaari lang na kumaripas siya palabas ng Principal's office ay ginawa na niya.
"Huh!" Biglang sabat ni Mc. "Sino ba naman ang hindi matatawa? Isaac Newton, sasabihin mo baka nasa kabilang section? What was that? Ang totoo kasi wala ka talagang alam." Idiniin pa nito ang huling salitang binigkas..
"Kahit na. Hindi mo dapat siya ininsulto ng ganun. Hindi naman lahat nakakaalam kay Isaac Newton. At kung alam mo ba't hindi ikaw ang sumagot kanina?!" pagtatanggol ni Raffy sa kaibigan. Kanina pa siya nanggagalaiti at gusto niya na naman itong sapakin.
Hindi naman nakasagot agad si Mc nang magsalita si Miss M.
"There's no point of blaming anyone.. Ano na lang ang sasabihin ng mga nasa lower years.. Their seniors were fighting for stupid reasons? This is so disappointing! Kayo pa naman ang itinuturing na model at leader nila." Pangaral ni Miss M sa kanilang tatlo na hindi nagtataas ng boses.
Marami na ring mga estudyante ang nakikiusyuso sa labas ng office.. Yung iba todo silip pa sa bintana at dikit ng tenga sa pader na animo'y may maririnig sila.
"Lets settle this problem. JM, from now on ikaw na ang magiging tutor ni Clyper wether you like it or not."
Nagpanting ang tenga ni Mc sa narinig. Gayundin si Raffy at Cly. Di makapaniwala sa declaration ni Miss M.
"WHAT?! TUTOR? ME?" Biglang napatayo si Mc sa kinauupuan niya. "Tita- I mean Miss M, this is ridiculous! Hindi ko masisikmura na makasama ang babaeng iyan kahit isang oras lang. Now you're telling me that I will tutor her." Marahas na bumuntong hininga siya. Nanlilisik ang mata na nakatutok kay Cly ang kanyang paningin.
"Hoy Mister Savellon! Electric fan ka ba? Ang hangin mo kasi!" Biglaang sabat ni Cly. " Kung hindi mo masikmura na makasama ako, mas lalo naman ako noh! Mas gugustuhin ko pang magpalipas ng gabi kasama si lolong kesa ang isang tulad mo na puno ng kayabangan at kapreskuhan ang alam!" Nanlalaki ang mga mata sa galit na sigaw ni Cly kay Mc.
"At gusto mo pa talagang hawaan ng katangahan mo ang isang buwaya.."
"Ang kapal mo!"
"Bakit ikaw, manipis? Kunsabagay, manipis naman talaga iyang utak mo. Nakulangan ata ng Right hemisphere."
"JM! MISS SOCORRO! WILL YOU STOP THAT NON-SENSE CONVERSATION?!" they both froze in their position when Miss M interrupted.
"If you will persist to act like a childish brat then that's no help. Listen. Mas lalo niyong di masisikmura ang mga grades niyo pag nagpatuloy kayo sa mga inaakto niyo.. I have an options, you will tutor her, JM or you will be suspended for two weeks? KAYONG TATLO!"
Marahil ay okay lang kay Clyper ang masuspend. But not for Mc and Raffy. If you are in honor roll, you should not commit any cases from the school. It will affect your performance and average lalo na't candidate sila sa top 5 ng graduating students..
"You can't do this." Mc said helplessly.
"Yes, I can do this. Sa school na ito ako ang batas. At lagot ka sa Daddy mo pag nalaman niya ang kapalpakan mo."
Yun ang isa pang ikinatatakot ni Mc bukod sa matatanggal sa honor roll kung sakaling masuspend siya. Ang umabot sa Daddy niya ang issue na ito na ngayon ay nasa business trip.
"Miss M, I'll take the responsibility.. Ako ang magtuturo kay Clyper tutal magbestfriend naman kami kaya mas magiging okay ang lahat." Raffy suggested.
"That's not my point Mr. Dancel. What I want to magnify is that, JM should learn from his mistake. Through this he can compensate the damage he did. The fact that he humiliated Clyper." Miss M tried to explain dahil nakikita niya na pursigido si Raffy na akuin ang responsibilidad na dapat ay kay Mc. "And I know you can't prioritize her lalo na ngayon at dumadalas ang practice ng mga varsity players. Am I right?"
Walang nagawa si Raffy kundi ang tumango.
"Let's settle this.. At the end of the first quarter of school year, Clyper should pass the two subjects. Physics and Math to be particular.. Once she failed..."
The 3 pairs of ears is waiting for an answer.. Pareho silang kabado. Mas lalo na si Mc. Parang may hint na siya sa gustong iparating ng tita niya.
"....damay ka na dun JM.. you will get the grade whatever Miss Socorro gets."
And that breaks the silent cursed in Mc's head. He can do nothing. Mas lalo siyang malalagay sa alanganin pag pinili niya ang huling option. Ang masuspend..
Bagsak ang balikat na lumabas silang tatlo.
****
sharinaku: I would like to thank everyone sa mga nag-aadd ng story na 'to sa reading list nila.. maraming thank you.
BINABASA MO ANG
THE BRAINLESS BEAUTY (Ongoing Series)
Teen FictionClyper Vann Soccoro has all the quality that every young ladies asked for. Sapat na kaya ito para mapansin ng isang Brainy-Badboy ng campus which is known to be an anti-low IQ hearthrob? Can she prove that intelligent doesn't matter anymore when it...