Chapter 7: True Color

609 12 6
                                    

Chapter 7: True Color

Monday na naman kaya naghanda na si Cly papuntang school...

Pagkatapos maligo ay pumunta na siya ng dining table. Andun na rin ang Mama at Papa niya at si Carl..

"Goood Morning!" Masayang bati niya sa mga ito.. She kissed the cheek of her parent..

Naupo na siya sa tabi ni Carl.. "Taba, kiss your ate.." She commanded.. Inilapit niya dito ang mukha niya..

"I don't want to! Magbreakfast ka na nga!" Inilayo ni Carl ang ulo niya sa ate niya at tinabig ang pisngi niya.

"Hmp! Ang arte.. Siguro hindi ka na naman pinansin ng crush mo noh? Wawang bata... Magdiet ka na kasi..." Sabay sundot pa niya sa bilbil nito. Inaasar niya ito palagi dun sa classmate nito sa school na nakikita niyang laging kalaro nito pag napapasabay siya na sumundo dito...Kahit nasa 3rd grade palang ang kapatid ay kung anu-ano na ang iniisip niya... "Kawa---mmp...Tsaba!"

Isinalampak ni Carl ang jumbo hotdog sa bibig niya..

"Buti nga sayo! Ang daldal kasi.." At umalis na ito papuntang sala para hintayin na lang siyang matapos..

"Vannessa ang aga-aga inaasar mo nanaman ang kapatid mo... Gusto mo bang lumayo loob niyan sa'yo? Baka mamaya hindi ka na galangin niyan..." Pagsesermon sa kanya ng kanyang Mama bago ito humigop ng kape..

"Sorry.." Yun lang ang naisagot niya at patuloy na sa pag-aalmusal..

THE BRAINLESS BEAUTY (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon