"Hello? Kristian, where are you? It's eleven o'clock and your lolo is getting worried about you!" bungad ng kanyang mama sa kabilang linya ng telepono.
"Mom, it's still early, alam niyo namang it's friday and the last night of my stay and ngayon lang makaka labas ang mga kaibigan ko. Can you just let me have fun?" pabuntong hiningang sagot niya sa ina.
Huling gabi na niya sa Pilipinas at babalik na sa America. Nauna na ang kaniyang Mama dahil biglang nagkaroon ng emergency ang hotel kung saan ito nagta-trabaho. Mataas na ang posisyon niya rito at di niya puwedeng iasa na lang ang mga ito sa ibang tao.
Every three years ay sinisikap nilang maka uwi ng Pilipinas para makapag bakasyon. Lagi silang magkasama at ngayong wala ang kanyang ina ay sinamantala niya na iyon para makapag party kasama ang mga kababata."Kristian, Ano ba yang pumasok sa isip mo at umalis ka ng di kasama si Sammy, itinakas mo raw ang sasakyan!"
"Eh ang tagal tagal ni Kuya Sammy lumabas ng quarters niya, nainip na ko at sinundo ko na lang ang mga kaibigan ko."
Si kuya Sammy ang tagapag drive ng sasakyang ipinahiram ng kanyang Lolo Feling sa kaniya para may magamit siya para pang pasyal niya. Ibinilin ng kanyang Mama na hindi siya puwedeng umalis ng bahay ng di kasama ang driver. At isang araw palang ang nakalilipas nang umalis ang kanyang mama, agad na niyang sinuway ang utos nito.
"Go home right this instant! Leave your friends there and go back to the hotel! Your lolo is waiting for you to come home. Alam mo namang di siya mapapakali ng di ka pa nakaka uwi. Please, Kristian. You have to be wiser now. You have to start acting like an adult! It doesn't mean that just because you're 20, you can do anything you like without thinking of other people around you!" sermon sa kaniya ng kanyang ina.
Napabuntong hininga na lang si Kristian at sumuko. "Fine. I'm leaving. Bye mom. Time's ticking. Mahal na overseas call mo."
Narinig niyang napabuga ng hangin ang ina. "Good. Text your lolo before leaving. I'll also be expecting a message from you when you get to the hotel. You have to take a rest para sa flight mo tomorrow. Take care, anak." and she ended the call.
Sa dami ng nainom ng mga kababata niya, di niya na halos makausap ng matino ang mga ito. Pilit lang siyang inaalok ng beer at lasing na hinihila siya pabalik sa kanilang table. pinapa stay pa siya ng matagal. Malaking problema ito, di niya kabisado ang daan pabalik ng kanyang hotel. Napabuntong hininga na lang siya at nagpaalam na siya para lumabas ng bar.
"Guys, i really have to go. It looks like you'll need to grab a taxi later." Paalam niya sa mga ito.
I need to ask for directions.
Sabi niya sa sarili.Agad siyang naghanap ng guard para mapagtanungan, at agad naman siyang binigyan ng directions ng mga ito. Kaso nga lang, ang daming one way at likuan kaya naman nalilito siya sa mga daan. Idagdag pa ritong naka inom na rin siya ng alak kaya naman hirap din ang mga guard na i-explain sa kanya ang mga lilikuan niya.
May hinanap na tao ang isang gwardya at may tinawag sa kanyang likuran.
"Mel! Halika nga rito at tulungan mo kami." tawag niya.
Agad na lumapit ang isang nakaporma na magmomotorsiklo. Naka suot ng helmet at jacket at kumpleto rin ng gloves ang mga kamay.
"Di kabisado ni Sir yung daan, tutal naman at dadaanan mo rin yung hotel na pupuntahan niya, mag-convoy na lang kayo. Ihatid mo si sir doon."
Tumango siya at liningon si Kristian. Mata lang ang kanyang nakikita dito dahil sa suot na helmet. Sinenyas nito ang kanyang ulo para sabihing aalis na. Kaya naman agad ring sumakay si Kristian ng kanyang sasakyan. Nagpasalamat siya sa mga gwardya sa pamamagitan ng pagbusina ng mahina sa mga ito at kinawayan sila. Nauna na ngang umandar ang naka motor.
Pagdating sa may hotel ay gumilid ito, bumaba ng kanyang motor at sumandal rito. Agad din naman siyang gumilid at bumaba kahit na pa nahihilo at malabo parin ang kanyang paningin dahil sa alak na nainom. Mabuti na lang at mabagal lang magpatakbo ang naka motor at di siya hinayaang mawala.Lumapit siya sa siklista "Thank you so much for your help, Sir." inabot niya ang kanang kamay upang batiin at pasalamatan ito. Nakipag kamay naman ito sa kanya at tumingin muli siya sa mga mata nito. Parang may ibang kinang ang mga mata niya kaya napatitig pa siya rito, lalo na at di niya alam kung kumikinang nga ba ang mga mata niya, o baka gawa lang ng alak na nainom niya kanina. Di niya parin binitawan ang kamay nitong naka gloves, kaya napatingin ang mga mata ng motoorista sa kanilang kamay at mahinang nagsalita
"You're welcome."
Para siyang nakuryente sa narinig niyang tinig at biglang bumitiw sa kanyang gloved hand. Para bang nagflow ang kuryente from their hands at napa bitaw na lang siya.
Naka kunot ang noo na parang nalilito si Kristian at sinundan niya ng tingin ang naka motor hanggang sa makasakay at inandar na niyang muli ang motor nito. Natauhan na lamang siya ng tumagilid ang motor paalis at nakita niya ang umbok sa dibdib ng naghatid sa kanya.
Ay, babae pala siya!
Matapos niyang nakausap ang lolo at tinext ang kanyang ina ay agad naman siyang pinagpahinga nito. Wala siyang masabi sa lolo dahil alam naman niyang mali ang nagawa niya. Di na siya gumawa ng excuse at hinayaan naman siya agad ng lolo para makapag pahinga na.
Hindi parin siya makatulog kahit na pa nagmamadaling araw na. Nawala ang pagkalasing niya nang matauhan siya sa nakausap niya kanina.
She's a girl! And i called her Sir! Nahihiyang pag-amin niya sa sarili. Iyon talaga ang dahilan ng di niya pagtulog. Nahiya siyang bigla sa sinabi, at kahit pa magalang siya rito, di maitatanggi na pasuray suray ng kaunti ang kanyang mga lakad.
Bigla siyang napaupo sa kama at inalala ang mga inakto sa harap ng siklista.
Tunog lasing kaya ako?
Was I walking like a drunk man?
Why the hell did I call her sir?!Napatakip siya ng unan sa mukha dahil sa hiya.
Kung tutuusin, di talaga halata na babae pala ang nagmamaneho ng motor. Kung di niya pa napansin ang umbok sa dibdib nito, di niya mahahalata. Napaka dilim pa naman noong nasa labas ng club at mas napansin lang niya ang features nito nang nasa tapat na sila ng ilaw.He shaked his head like trying to wake himself up.
Get a grip, Kristian! Don't wallow on your shame!
Mabuti na lang talaga at aalis na siya at di na niya dapat pang alalahanin ang kahihiyan niya dahil hindi na sila magkikita nito.I'm never going back to that bar again!
YOU ARE READING
200 Pounds Of TLC
HumorIt's been three weeks since the accident at bawat araw, nagiging grumpy at irritated si Kristian. If there's someone who is good in pushing other people away, that would be him. Kahit ang lolo at mama niya ay di na kayang pakisamahan ang dating masi...