Chapter Seventeen

78 2 1
                                    

MELODY

After how many years, sa wakas! magkikita-kita na kami ulit na magbabarkada. Matapos naming magkawatak-watak noong panahon ng pagrereview para sa board exam, hindi na kami nakumpleto ulit. Ang lagi ko na lang nakakasama ay si Louisse, na kahit sa America ay nakakasama ko pa.

America.
Parang dati, inaasam asam ko lang makarating doon. Pero ngayon, puro sakit na lang ang naaalala ko sa lugar na iyon. Pero aaminin ko, marami ding magagandang bagay ang naranasan ko doon. At may mga bagay na mayroon ako ngayon na hindi ko makukuha kung hindi dahil sa pagpunta ko doon.
Araw araw ko parin siyang naaalala. Araw araw parin na nakikita ko siya. Ang mga mata niya, ang matangos niyang ilong, ang mga ngiti niya. Ang mga tawa niya. Kahit ang pag nguya niya ng pagkain. Lahat iyon, parang lagi ko parin nakikita.

Napapangiti ako kapag naaalala ko siya, dahil sa maigsing panahon na nagkasama kami, doon ako naging masaya ng sobra. Kahit pa masakit ang mga sumunod na nangyari, ang pilit kong inaalala ay ang masasaya.

Nang naging isa kami sa hospital bed, hindi ko parin maimagine kung papaano namin nagawa iyon, may fixator siya sa paa at hirap na hirap, pero nagawa naming maging isa at napakasaya ko nang araw na iyon. Alam kong ganoon din siya. Nangako akong hindi aalis sa tabi niya hanggang sa magising siya matapos ang surgery. Gagawin ko iyon. Ginawa ko.

Kaso, hindi lang niya nakikita.

Nang matapos kong maligo sa nurses station kinaumagahan, inabutan ko doon ang mama niya. Casual siyang tumayo at niyaya ako sa labas para makipagusap.

Sinabi niyang alam niya ang namamagitan saamin ng anak niya. Alam niyang may anak ako. Alam niyang hindi maganda ang pamilyang pinanggalingan ko.

Sinabi niyang hindi ako ang nararapat para sa anak niya, mas matanda raw ako sa kanya at dapat na mas nagiisip ng ikabubuti naming pareho. Bata pa ang anak niya at hindi nararapat ang anak niya para sa isang katulad kong may isa nang anak. May pangalan siyang iniingatan dahil modelo siya, at hindi magandang may bad reputation na umaaligid sa kanya. Isa pa, palagay ko raw ba sa ginawa kong pagtago ng anak ko ay matatanggap pa kami ng anak niya?

Hindi niya ako sinisigawan. Hindi niya ako binigyan ng kahit anong facial expression. Basta casual lang siyang nakikipagusap sa akin na para bang nasa business meeting kami.

Nurse daw ako na pumatol sa isang mas nakababatang pasyente na labag sa rules ng hospital kaya naman ipatatanggal daw niya ako.

Isa lang ang sinabi ko sa kanya nang araw na iyon
"mahal ko po ang anak niyo."

Pero hindi siya naniniwala. Manggagamit daw ako, dahil gagamitin ko lang raw ang anak niya para magkaroon ng green card. Oportunista raw ako. Gagawin ang lahat para lang magkaroon ng magandang buhay.

Hindi niya alam, ang gamit kong passport ay iyong may agila. American citizen ako, at Filipino citizen din. Dual citizen. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga ideyang iyon. Pero siguradong sigurado na siyang iyon ang balak kong gawin.

Tulad ng sabi niya, ang pinanggalingan ko daw na pamilya ay di maganda. Anak ako sa pagkadalaga. Hindi ko nakilala ang tunay kong ama. Naipanganak lang ako sa Amerika at matapos ang anim na buwan, umuwi na ng Pilipinas ang mama ko. Nag asawa siya, kaso hindi naging maganda ang kinalabasan. Sugarol, manginginom at nananakit ang tatay-tatayan ko, laging ginugulpi si mama. Lahat pa ng kinikitang pera ng mama ay kinukuha niya. Nang ma-ectopic ang mama, lalong naging magulo ang buhay namin, kahit ako ay ginugulpi na rin niya.
Nang mag college ako, nag apply ako sa mga scholarship programs ng school. Hindi naman kataasan ang grades ko, pero sinubukan ko parin mag try, kahit na mukhang imposoble. Isang araw laking gulat ko nang may nagcontact saamin na gagawin raw akong scholar ng kumpanya nila. Hindi iyon isa sa mga inapplyan kong program, pero dahil na rin sa gustong gusto ko talagang mag aral, agad kong tinanggap iyon, kaya naman naging nurse ako. Kung hindi dahil sa scholarship na ibinigay sa akin, at pati na rin sa ibinibigay nilang pera para pang gastos at pang baon ko sa pagaaral, hindi ko makakamit ang pangarap ko.

200 Pounds Of TLCWhere stories live. Discover now