"Okay, umamin kayo. Sino ang nagsabi sa kanila na mag a-outing tayo?" siryosong tanong ni Hasna.
"Wala akong contact sa kahit kanino sa kanila!" pagtatanggol sa sarili ni Kat.
"Wala rin ako!" sagot ni Louisse at Melody. Sabay sabay silang tumingin kay Banana na nakaupo sa kama habang itinutupi ang jacket ni Kakai."wag niyo ko tignan. Wala nga 'kong numbers niyo sa cell ko."
"Aray naman! Parang di mo kami kaibigan ah?" sagot ni Hasna.
"Teka, teka! Balik tayo sa usapan! Papaanong nandito sila? Tsaka teka, sino yung dalawa?" tanong ni Kath.
"Si Angel at Kristian." Sagot ni Melody. "Teka, paano niyo nakilala si Yñigo at Yael? Nakilala lang namin iyong apat na iyon sa sa America, diba Kambal? Tsaka, bakit biglang sulpot ni Dauglas?"
"Si Dauglas ngayon ko na lang ulit nakita after graduation." Pag balita ni Louisse
"Naging buyer ko si Yael dati. Pero napakatagal na noon. Untag ni Hasna.
"Ngayon lang ako nakarating ng Tarlac ulit." Sagot ni Kath.
"Ngayon lang kami nagkita ni Kristian. At kaibigan naman niya si Angel" sagot ni Melody.
Nagtinginan sila sa isang hindi pa sumasagot. Tahimik lang ito at napansing hinihintay siyang sumagot
"Di ako lumalablayp."
Nagtanguan naman ang mga kasama.
"Pero ang mas nakakalito, papaano silang naging magbabarkada?" tanong ulit ni Hasna.
Nagtinginan na lang silang magkakaibigan. Hindi nila alam kung papaanong nalaman na dito sila magpupunta, at kung papaanong naging magkaka kilala sila. Mukhang marami rami pang paguusapan ang mga magkakaibigan.
"Okay, girls, hindi naman natin kailangan makipag usap sa kanila kung ayaw natin. Kung tayo man ang purpose nila kung bakit sila nandito, siguro may magandang dahilan sila? Let's just all be civil, okay? Lagot ako kila papa at lolo pag may nang-away sa atin sa mga visitors ng resort. Okay?" Pagwarning ni Katarina.
Nagtanguan ang mga ito.
"Mamang, gutom na po ako." sabi ni Kakai. Hawak nito ang tiyan at ang isang kamay naman ay hawak ni Kleff na naka sakay sa stroller habang naka simangot sa grupong naka kumpol."Oh, tara na. Luto na tayo ng barbecue at ng mga iba pang iihawin." sabi ni Louisse kay Melody. Paraan lang niya ito para masolo ang bestfriend.
"Kami na ni Hasna ang mamamalengke kasama si Nay Soleng." sabi ni Kath.
Kaya natira na si Banana para mag alaga ng mga bata.Pagbaba ng magkaibigang Louisse at Melody sa ihawan ay nagsimula nang magkwento si Louisse.
"Hinanap ka ni Kristian sa akin noong nasa America pa ako." Amin ni Louisse habang nagpapasimula ng apoy sa ihawan. Napatingin si Melody sa kanya na gulat na gulat.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Sinabi mo bang pupunta tayo rito?"
"Hindi. Ang sinabi ko lang ay magkakaroon ng medical mission sa barrio natin. Hinanap ka niya, kambal. Marami kayong dapat pag usapan at klaruhin. Lately lang niya nalaman na di mo siya talaga iniwan. Tinago daw ng mama niya ang cell niya. May mga kung ano ano pa yatang isinuksok sa kukote ni Kristian ang mama niya. Naawa ako sa naging reaksyon niya nung kinausap niya ako. Naiiyak na talaga siya. Alam mo bang ilang araw niya akong sinundan at binantayan, para lang sabihin ko kung nasaan ka? Nageffort talaga siya."Tahimik na nakikinig si Melody sa kaibigan habang naglalagay ng uling sa ihawan. "Gusto ko rin naman siyang makausap. Marami siyang dapat malaman. Pero halos ayaw niya na akong tignan kanina, kambal. Parang may galit. Kung sinasabi mo na hinanap niya ako at nageffort siya, bakit ngayon na nagkita kami, parang galit siya?"
YOU ARE READING
200 Pounds Of TLC
HumorIt's been three weeks since the accident at bawat araw, nagiging grumpy at irritated si Kristian. If there's someone who is good in pushing other people away, that would be him. Kahit ang lolo at mama niya ay di na kayang pakisamahan ang dating masi...