"Oh, ano na? Are you and your girls up for a game?" Tanong ni Dauglas kay Melody habang hinahagis hagis at pinaiikot ang bola ng basketball sa kanyang mga palad.
"Agad agad? Ni hindi pa man nakakapag enjoy ang mga bata sa paglalaro sa tubig!" tinuro niya ang kinaroroonan ng mga kaibigan na nagtatawanan sa may di kalalimang part ng dagat.
"Come on, Batya! Kinakabahan ka lang yata, dahil ba wala na ang dati niyong galing?" Si Yñigo. Bigla na lang sumulpot ito kasama si Yael at inagaw nito ang bola mula sa kamay ni Dauglas.Batya. Hearing her be called that name by someone made her feel nostalgic. But it was meant to mock her. Just like how their opponents usually did back in the days.
"H-hindi ah! Tsaka tigilan mo nga ako diyan sa palayaw na yan!" matindi niyang tanggi at paglilihis ng usapan. Hinigpitan niya ang pagkarga sa batang si Kleff. Sa totoo lang medyo nagaalanganin siya dahil matagal tagal na siyang hindi nakakapag laro. Isa pa, ang exercise na lang na nagagawa niya ay ang paghahabol sa mga bata kapag tinatakasan siya ng mga ito.
Ayaw naman niyang tanggihan ang kaibigan dahil siya mismo ay namimiss na ang paglalaro ng basketball.
"Come on, Melody. Huwag ka magalala dahil di rin naman kami gaanong nakakapag laro na. And besides, first time lang namin magkasama sa isang game. Kayo kilala niyo na ang mga kakayahan ng bawat isa- the odds are on your side!" pageexplain pa ni Yael."Hey, what are you guys talking about?" singit ni Angel na papalapit na sa kanila, nakasunod naman sina Kristian na hawak hawak ang kamay ni Kakai. Mukha namang narinig nila ang usapan. Naka kumpol na ang mga yummy pandesal-este, mga kalalakihang nasa harapan niya ngayon.
"We're gonna have a game, boys vs girls." Pagsagot ni Dauglas na naka ngisi na.
"What? Come on, guys. They're women. We can't play basketball with women! What do they know about basketball?" pagkontra ni Angel.
"Wag na nga, baka sila ang madribble dribble sa court imbes na ang bola." pangaasar pa ni Yael. Nagpintig na ang ugat sa sentido ni Melody.
"Aba? Ang yabang mo rin magsalita ha? Komo ba mga babae kami, hindi na kami karapat dapat kalaban sa basketball? Komo ba mataba wala nang kakayanan? GIIRRLLSS!!!" Pagsigaw niyang tawag sa mga ito. Kailangan niya ng back up! Right now! As in now na!
"Banana! Kambal! Kat! Hash! Bilisan niyo at pumunta kayo rito!!!" pag lingon niya sa mga kinalulugaran ng nga kaibigan ay napatampal siya sa pisngi-ala Duterte style.
Jusko, para silang mga interior ng gulong ng traktorang naglulutangan sa dagat. Nagfo-floating parin ang mga ito.
Aalog alog naman silang nagtakbuhan papunta sa kanya.
"Anong nangyayari dito? Inano ka nila kambal?!" Mataray na sabi ni Louisse. Nagaalala naman ang iba.
"Girls, naghahamon ng laban ng basketball itong mga lalakeng ito."
Nagtinginan ang mga babae na parang nagaalanganin pa. Pare-pareho ang nasa isip nila. Matagal-tagal na nang huli silang nagsipag-laro."W-wala tayong proper outfit! Baka madapa tayo, hindi tayo naka rubber shoes!" sabi ni Kat.
"Tsaka... Nagsi-swimming pa kami. Tinuturuan namin si Kat lumangoy." dagdag naman ni Hasna.
"Come on, guys. They don't want to play. Just go back to swimming." mahinahong sabi ni Kristian.
"Wala pala sila eh! Natatakot na siguro makalaban tayo!" Sagot ni Yael.
Itong Yael na 'to, namumuro na saakin ha!
"Guys, sabi nitong kano, mga babae daw tayo. Hindi daw dapat sila nakikipag laro saatin dahil mga babae tayo at wala tayong alam sa basketball at sabi naman nitong hinayupak na to" tumuro siya kay Yael na naka ngisi parin. "Ang sabi niya, baka tayo lang ang madribble-dribble sa court imbes na yung bola."
YOU ARE READING
200 Pounds Of TLC
HumorIt's been three weeks since the accident at bawat araw, nagiging grumpy at irritated si Kristian. If there's someone who is good in pushing other people away, that would be him. Kahit ang lolo at mama niya ay di na kayang pakisamahan ang dating masi...