"You're an hour and a half late." bungad sa kanya ni Kristian
"Uhm, yeah. About that..."
"Can you get me out of here? Like, for just a while? I was so bored yesterday, I need to get out of this room!" Agad na sabi ni Kristian.
"Okay, saan mo gusto pumunta?"
"I dunno. Bahala ka na."Melody pushed his wheelchair towards the elevator. Inisip niya ang favorite area niyang bisitahin kaya naman doon sila ngayon pupunta.
"The nursery? Seriously? Of all places, bakit dito?" nagugulong tanong ni Kristian.
"Well, first of, you have an open wound dahil jan sa bakal na naka kabit sa'yo. So meaning, we can't go anywhere na maari kang mainfect. Second, hospital parin ito. You're in my care kaya naman ayaw kong magpunta ka sa area na may masasagap kang airborne or whatever disease and meaning, this is the safest place you can be. You won't be touching the babies naman kaya they'll be okay too. And third... Babies are cute."
"Well, okay. Good reason. Also a nice change of environment. Pero nakasara pa ang blinds. Hindi pa yata viewing time ng mga bata."
'Don't worry. Malakas ako dito." tsaka ito kumindat sa kanya.
She knocked on the door at sumilip sa window. May kinawayan siya sa loob at tinuro siya. Napasalubong tuloy ang kilay niya at nagtaka.
Maya-maya pa ay may lumabas na nurse mula doon. Nagulat siya dahil magkahawig sila ni Melody, as in magkaparehong mataba at parehong bilog ang mga mata, mas morena lang ng kaunti itong isa kung ikukumpara kay tabachingching niya.Tabachingching niya?
"Sir Kristian, meet my sister-sister-an from another inahin. This is Louisse."
"Hi Sir, pleased to Meet you." She batted her eyelashes at him. Obviously flirting.
Siniko ito ni Melody at napatigil ito sa pagtitig sa kanya.
"Huy, umayos ka nga diyan!"
"Ito naman, napaka strikta. Oo na, binakuran mo na ang iyo.-aray!"
Siniko siya muli ni Melody pero mas malakas.
"Nice to meet you again, Sir! Ako po ang nurse sa NICU. Ako tagapag-alaga ng mga baby kaya naman kasing cute nila ako."Napailing na lang si Melody sa tabi nito, habang binigyan naman siya ng tight smile ni Kristian.
Biglang may umiyak na bata sa loob.
"Ay, naku, umiiyak na inakay ko. I have to leave you here na, open ko lang yung blinds. Diyan na lang kayo ha?"Nagpasalamat si Melody sa kaibigan at bumalik sa kanya.
"So." Panimula ni Kristian nang sila na lang dalawa ni Melody. "Bakit ba talaga dito?"
"Ano kasi, uhm... may kasalanan kasi tayo sa kanya kaya pinakilala ko siya sa iyo."
"And? Whoa, wait up. Tayo? Bakit pati ako damay?"
"Eh kasi inubos natin yung pagkain niya nung isang araw, kaya sabi niya, para makabawi ipakilala daw kita sa kanya."
"Akala ko ba baon mo yun?"
"Oo nga, baon ko yun. Pero share kami, hehe."
"Jusko. Kaya naman pala ganun karami kanin na dala mo. Pang isang batalyon yata."
"Uy, grabe naman si Sir, kumain ka rin naman ah!"
"Oo nga, pero di ako gaanong kumakain ng kanin. Ikaw kaya ang takaw mo sa kanin. Kalahating kutsara ng ulam equals dalawang subo ng kanin."
"Nabilang niyo talaga Sir?"
"Oo. Kaya ka mataba eh."
Bumukas na ang mga blinds at ipinakita ang mga baby na napakasarap ng tulog. Ang iba ay gising at itinataas ang maliliit na mga kamay.
Lumapit si Melody sa salamin at laking tuwa na makita ang mga bata.
Naisip niyang napaka sarap kargahin ng mga bata at mahawakan ang maliliit nitong mga kamay.
YOU ARE READING
200 Pounds Of TLC
HumorIt's been three weeks since the accident at bawat araw, nagiging grumpy at irritated si Kristian. If there's someone who is good in pushing other people away, that would be him. Kahit ang lolo at mama niya ay di na kayang pakisamahan ang dating masi...