Nasa bandang eighth floor siya kaya naman nakikita niya ang buong court sa ibaba. Hindi ganoon kalapitan para makita kung sino ang naglalaro pero nakikita niya kapag nashu-shoot ang bola. Kahit papaano ay may pinaglilibangan na siya. Kada six o'clock nang umaga ay may makikita siyang nagbabasketball doon at matapos ang isang oras ay titigil na iyon.
Napansin lang niya iyon nang si sexy Latina na ang nurse niya.
Tumingin sa bintana si Latina at nagtaas ng kilay.
"Psh. Basketball again."
Tinakpan na niya ang bintana at inayos ang mga gamit sa side table niya.
"Why does it seem like you don't like basketball?"
"That's because, i don't. We Latinas love soccer. And this nobody is playing basketball every morning there."
Nang magsimulang mabanggit ni Latina nurse iyon sa kanya ay lagi na siyang inaabutan nito sa bintana at pinapanood ang nagbabasketball.
"Kristian, are you even listening to me?!" galit na tinig ng kanyang ina.
Tumigil na ang naglalaro at kinuha ang tubig sa gilid at uminom. Lumakad na ito papaalis at iyon ang senyales na babalik na siya sa kanyang kama.
He wheeled his way to his bed and helped himself up. Nakatingin lang ang mama niya sa kanya, wala na ang galit sa mukha at napalitan ng lungkot.
Napabuga ito ng hininga at lumapit sa kanya. Inayos ang pusisyon ng injured leg at kinumutan ng maayos.
"Listen, all I'm asking is that you cooperate with me. It's not a good time in the hotel, honey. Please help me not to have anymore problems?"
Hindi parin ito nagsasalita kaya naman nang mapansin ng ina na 'di talaga siya magsasalita ay tumayo na ito at umalis.
~
"Alam mo ba," sabi ni Mang Jimmy sa kanya habang pinapalitan niya ang kobre-kama niya "Yung bunso kong si Hailee, grade two na sa pasukan! Excited na excited na siyang makapasok ulit. Piniktyuran pa nga niya yung bagong bili na bag at pinost sa FB, naka tag pa ako! Heto oh, tingnan mo."
Tuwang kwento nito.Alam ni Mang Jimmy na half Filipino si Kristian kaya naman magaan ang loob nitong magkwento sa kanya. Gusto rin naman ni Kristian ang pagkukuwento nito kaya naman magalang siyang sumasagot sa mas nakatatanda.
"Talaga po? Naku mukhang gusto niya na pumasok ah. Saang probinsya nga po ba kayo?"
"Ah, sa Tarlac. Doon kami sa may maraming Kapampangan."
Napatingin si Kristian rito.
"Malayo po iyon sa Manila diba? Doon naman po ang Hotel ng pamilya namin sa Parañaque, malapit sa airport ."
"Ah ganun ba? Marunong ka ba ng kahit anong Filipino dialect?"
"Hindi nga po eh. Di po kami gaanong nagtatagal sa Pilipinas at bumabalik kami agad dito."
"Pero bakit ang galing mong mag tagalog?"
"Ah, doon po talaga kami dati sa Pilipinas, pero nang mag six years old na po ako, umalis na po kami ng Pilipinas at nag-migrate dito."
Magsasalita sana si Mang Jimmy nang may kumatok sa kwarto. Nagtinginan ang dalawa at nagtaka.
"May bisita ka ba?" tanong ng matanda.
Nagkibit balikat lang siya at hinayaang buksan ng nasa labas ang pinto. Mula doon ay dumungaw ang isang babaeng may maitim at nakatali ang mahabang buhok. Nang makita ni Mang Jimmy kung sino iyon ay binati ito agad.
YOU ARE READING
200 Pounds Of TLC
HumorIt's been three weeks since the accident at bawat araw, nagiging grumpy at irritated si Kristian. If there's someone who is good in pushing other people away, that would be him. Kahit ang lolo at mama niya ay di na kayang pakisamahan ang dating masi...