Chapter Two

150 6 0
                                    

"We'll see each other again in three years, apo." malungkot na ngiti ng kanyang Lolo Feling.
Kahit na pa pinasakit niya ang ulo ng matanda kagabi ay parang walang nangyari, ni di man lang ito nagtaas ng boses sa kanya. Pero halata naman ang pagaalala sa mga mata nito kagabi nang umuwi siya nang late sa hotel na kanyang tinutuluyan.

"Thank you po lolo, for everything. And also, sorry po sa pagtakas ko kagabi. I won't make any excuses kasi alam ko pong mali nagawa ko. I'm really sorry po lolo kung pinag-agalala ko po kayo."

Ngumiti muli ng malungkot ang matanda at ipinatong ang kamay sa balikat ni Kristian. "Wala na iyon, apo. Alam ko namang gusto mo lang i-enjoy ang last night mo dito. Basta sa susunod ay huwag mo nang itatakas ang sasakyan at aalis magisa, di mo pa naman kabisado ang mga pasikot-sikot dito. Mabuti at may naghatid sa iyo kagabi."

Nakita ni lolo na may naunang motor na kanya namang sinundan papunta sa lobby ng hotel kaya naman alam niyang di siya nagiisa sa paguwi.

"I'll keep in touch po lolo, we'll be having our video chat when i arrive. Nakuha na naman ng secretary mo na si Kuya CJ ang id ko so he can help you out when i call po."

"Naku, mabuti nga yan apo, at makakapag usap pa tayo at ang mama mo. Napaka busy naman kasi ni Moira at halos di man lang kami nakapag kwentuhan nang umuwi siya rito, paano puro trabaho ang inaatupag."
Reklamo ng matanda.
"Sinabi ko naman kasi diyan sa mama mo na di na niya kailangan lumayo pa at pumunta ng America dahil may puwesto siyang naka laan sa Hotel natin. Ewan ko ba at bakit ayaw niyang tumulong na lang dito at pilit gumagawa ng sariling pangalan." pagtatampo pang dagdag nito.

Napatingin na lang sa baba si Kristian at naguilty para sa kanyang mama.

"O siya, tinawag na ang flight niyo. Magiingat ka apo ha? Tumawag ka agad pagdating mo sa bahay."

Nagyakapan ang maglolo at hila hila ang hand cary na maleta ay umalis na.

Habang naglalakad ay may mga kababaihang napapatingin sa kanya. Ang iba pa nga ay tinititigan siya at sinisiko ang katabi para tignan din ang naglalakad na si Kristian. Dahil rito, sinuot na niya ang medical face mask niya.

Matangkad si Kristian sa tayong 6''2' kaya naman malayo pa lang ay napapansin na siya ng mga tao. Nagmana siya sa kanyang ama na sa pagkakaalam niya ay European. May pagka sun kissed din ang kutis nito dahil madalas ay nasa beach ito sa America lalo na kapag walang pasok.

Maganda ang pangangatawan ni Kristian at nagwowork out talaga ito. Madalas siyang sumama sa kanyang best friend na si Angel para magjogging. At dahil sa madalas nitong pagwork out, di siya nahuhuli sa pagpapakitang gilas ng kanyang pinaghirapan.
Siyempre ay di rin papahuli ang kanyang mukha, napaka guwapo nito at blue ang mga mata. Madalang lang makakita ng Pilipinong may blue eyes, pero dahil may lahi itong European ay namana nito ang mata ng kanyang ama. May pagkakulot ang kanyang buhok kaya naman mas gusto niya ang pinapahaba ito sa bandang harapan, kaya naman lagi rin siyang naka suot ng baseball cap na sinusuot niyang pabaligtad para di humaharang sa kanyang paningin ang mahaba at wavy na buhok.

Sa edad na twenty years old, napaka-deep na ng timbre ng kanyang boses, lalaking lalaki itong pakinggan at kahit di mo pa makita ang hitsura niya, siguradong mapapa-tili ka na, dahil boses pa lang niya alam mo nang magandang lalaki rin ang nagmamay-ari nito.

Dahil sa magandang katangian ay kumukuha siya paminsan minsan ng gig sa pagmomodelo habang pinagpapatuloy ang pagaaral ng business course. At dahil nga isa siyang modelo, he has to keep his reputation up and he makes sure he follows a trendy fashion. Sa bagay, kahit naman mag jacket at simpleng maong pants lang ito ay mukha parin siyang nakaporma para sa photoshoot. Maganda ang tayo at taas noong maglakad.
'Yan si Kristian Rye De Guzman.

Pagpasok sa loob ng eroplano ay hinanap na niya ang kanyang upuan nang may bumangga sa kanya sa likuran. Naka hood ito at naka yuko at labi lang ang nakikita rito. Di man lang tumingin sa kanya.

"Sorry."
Sabi nito at inunahan na siya sa paglalakad. Napatingin na lang si Kristian sa likod ng babae at asar na hinawakan ang braso. Ang sakit nun ha.

Hinanap nang muli ni Kristian ang kanyang upuan nang magulat siya at lumiko rin ang babae papunta sa upuan nito. Aba at magkatabi pa pala sila!

Naku, di yata ako magiging kumportable nito. Sa laki ni Miss baka pati space ko makuha niya. Sa tabi pa naman ako ng bintana at mas masikip ang pwesto ko.

Napabuga na lang siya ng hininga at inilagay ang maleta sa compartment nila. Dumaan na ito sa harapan ng babae at nang akmang uupo na siya sa tabi nito ay inangat ng babae ang ulo at sabay namang naglagay ng ear budds. Pumikit na ito at nagrelax na parang wala itong katabi. Mamula-mula ang mga pisngi at ilong nito na parang katatapos lang umiyak.

Napataas ang isa nyang kilay. For someone who's fat, bumawi naman siya sa ganda ng mukha. Hmn. Not bad. Still looks cute even after crying. Tahimik na sabi niya sa kanyang sarili.

"Thank you for boarding..."

Naku, ito na. Magte-take off na maya maya ang eroplano.

Dali-dali siyang naupo, isinuot ng maayos ang seatbelt, pumikit at napahawak sa armchair. Ito yung pinaka ayaw niya. Ang pagtake off. Linamon nanaman siya ng kaba. Kahit na pa maraming beses na siyang sumakay ng eroplano ay di parin niya nakasanayan ang nakakalulang pagtake off.
Ito ang dahilan kung bakit siya laging may suot na surgical mask tuwing bi-byahe. May ipinahid siyang menthol ointment sa mask niya para magpakalma sa kanya. Madalas rin kasi ang motion sickness niya kaya naman lagi siyang meron nito. 'Di bale nang medyo maanghang ang pakiramdam sa mukha niya, basta di lang siya makaramdam ng pagsusuka. Kahit na pa uminom siya ng gamot bago sumakay ay naninigurado na siya. Ayaw na niyang maranasan ang matinding pagsusuka na nangyari noon. Sa totoo lang ay pilit parin niyang kinakalimutan.

"Please fasten your seatbelt... "

At eto na nga. Aandar na ang eroplano.
Pumikit ito ng mariin at hindi tinanggal ang hawak sa armrest. Naramdaman niyang umaangat na ang nguso ng eroplano and the pressure started building up in his ears. Lumunok ito ng paulit ulit para mawala iyon.

Sa wakas ay pantay na ang paglipad ng eroplano at maari na nilang tanggalin ang pagkaka suot sa seatbelt.

Nakahinga na siya ng maluwag at dahan dahang tinanggal ang nakapalupot sa kanyang baywang.

Pagbukas niya ng mga mata ay pakiramdam niya'y may naka tingin sa kanya kaya sumulyap siya sa katabi. Sakto namang gumalaw ang ulo nito palayo at tumingin sa kabilang side.
Nagkibit balikat siya ng maliit at kinuha ang ipod sa bulsa.

It's gonna be a long ride kaya naman he has to kill time and do something. But for now, he thought of sleep.

++

I hate to leave, but i have to. Kung di ko to gagawin lalo silang mahihirapan. Pabigat na nga ako sa tingin nila kaya naman kailangan kong magsimulang kumilos. Di bale nang kulang pa experience ko basta makapag trabaho na. Ayoko nang masumbatan ng mga magulang ko lalo na at nagsayang pa ako ng panahot at...

Kailangan kong gawin ito kahit masakit. Kahit mahirap mawalay sa pamilya. Gagawin ko ito, lalong lalo na para saatin, baby.

Hindi ako magaaksaya ng panahon. Para makaipon ako agad at magpadala. Babawi ako sa lahat ng pagkakautang ko. At pagkatapos ay sa'yo ako babawi. Maghintay ka lang. Konting tiis lang.

200 Pounds Of TLCWhere stories live. Discover now