Chapter Twenty-Two

128 4 1
                                    

"The last time you probably saw me was the night before your surgery." the day we made love.
"I didn't leave your side until the morning, naligo ako sa nurses quarters at pagbalik ko, nasa loob na ang mama mo. Nagyaya siyang lumabas ng pinto at doon, kinausap niya ako at sinabing alam niyang may relasyon tayo."

naisip niya ang mga iba pang sinabi ng mama ni Kristian pero pinili niyang hindi na sabihin ang mga iyon.

"Hindi na ako pwedeng bumalik sa loob ng kwarto, she doesn't want me to. Gusto sana kita kausapin pero kapag nagpumilit ako, makakarating sa supervisor ang pakikipag relasyon ko sa'yo. Pero i still kept trying to see you. Araw araw, nasa basketball court ako. Kahit doon lang kita makita masaya na ako. Nabalitaan kong halos di ka kumakain, kaya every morning ipinagdadala kita ng almusal."

"That was you?" lingon ni Kristian sa likod para tignan si Melody. Ngumiti na lang siya at hindi na sinagot ang tanong nito.
"Talikod ka, hindi pa ako tapos." pero ang totoo, tapos na siya. Ayaw lang niyang tinitignan siya ni Kristian habang nageexplain siya.

"Araw araw, nandoon lang ako sa court para makita ka, bawal na kasi ako umakyat papunta sa room mo, dahil pinagresign na ako. Noong naguumpisa pa lang akong magtrabaho as your nurse, napansin kong lagi kang nakatingin sa bintana always the same time, 6AM.

One time, nakita kitang malungkot at galing ka sa bintana, and hindi ko alam papaano kang pasiglahin. Sumilip ako sa bintana at nakita ko yung basketball court. Sa totoo lang, ako yung nagbabasketball noon ng mag isa sa court, always at 6AM because after an hour, start na ng shift. I guessed na malungkot ka kasi wala ka nang nakikitang naglalaro. Agad akong nagtanong sa mga ibang nurses kung gusto rin nilang mag basketball. So ayun, bumuo sila ng group ng mga employees ng hospital. Every morning, may nageexercise at naglalaro, kasama ako dahil ako pasimuno noon. Yun ang dahilan bakit late ako araw araw sa pagpasok sa hospital noon. Inaasikaso ko iyon hanggang sa naging regular na sila doon. Para kahit na nasa taas na ako at inaalagaan ka, may napapanood ka pa rin."

"Nabalitaan ko kay Mang Jimmy na nahirapan ka sa therapy, kaya hiniling ko sa isang attendant na magpatugtog ng mga encouraging songs kapag nasa session ka na."

"After a while, kailangan ko na ring maghanap ng bagong trabaho Dahil paubos na ipon ko. Tinulungan ako ni Mike maghanap ng bagong trabaho." Naramdaman niyang nag tense si Kristian sa mga sinabi.

"You looked okay naman kapag nakikita kita. You were getting healthy, and mukhang hindi mo rin naman ako hinanap noon."

"That's not true!"
"I didn't know that back then. You seemed okay with what happened. You didn't ask me through Mang Jimmy." mahinang sagot lang niya rito.

"Dumaan ako sa depression, after a while. Nagkasakit ako, di na nakakatulog at nakaka kain pero hindi parin ako tumitigil sa pagpunta sa hospital para makita ka. Kaso hindi  na kinaya ng katawan ko, bumigay na ako after a few weeks, nahimatay ako sa basketball court."

"Wait, I know that! Nagkagulo ang mga naglalaro noon at nagsipag pasok sa hospital- oh shit! it was you! Kaya rin pala tumigil yung pagdadala ng breakfast noon." malungkot na sabi nito.

"Sabi ni Louisse parang nagiging obsession ko na lang ang pagpunta sa court para makita ka. Kahit si Mang Jimmy at Mike hindi na natutuwa sa nangyayari saakin. Binawalan na rin ako sa pag punta sa court noon. Nagaway kami ni Louisse, umalis ako ng bahay, nag alok si Mike na tumira na lang ako sa appartment niya, pumayag naman ako." nagtense ulit si Kristian. Nagiiba agad ang reaksyon nito kapag si Mike ang nababanggit.

"Tinulungan ako ni Mike, sinasama sa church, hinahatid sa trabaho para siguradong di ako didiretso ng hospital kung nasaan ka. Noon akala ko kailangan kita para mawala yung sakit na mahiwalay sayo, at para mawala yung guilt na iwan ka. Ganoon din para sa mga kaibigan ko, akala ko kailangan ko sila Louisse at Mang Jimmy, at kay Mike na rin. Akala ko rin talaga kailangan ko na ng anti depressants, muntik na akong pumunta sa psychiatrist noon, pero palagi lang ako pinipilit ni Mike sumama sa kanya sa church, at doon ko nalaman na hindi ko pala pwedeng iasa ang kaligayahan ko sa kahit kanino, at hindi pwedeng umasa na lang sa tao, kailangan kay Lord muna. Tapos ayun, kung noon lagi kitang tinetext at sinusubukan tawagan, nag decide ako na itigil na iyon. So nagpaalam ako sa iyo, kahit sa text lang."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

200 Pounds Of TLCWhere stories live. Discover now