Dumeretso ng tayo si Melody at napatingin sa lalakeng nagbabantay sa kanya ngayon.
Si Kristian.
Ngayon lang sila nagsipag palit ng bantay, okay na sana set up kanina dahil hindi naman siya nadidistract sa ibang lalake, kaso si Kristian na itong kaharap niya ngayon.
Kainis! Kung kailan naman nakakalamang na kami!Umabot sa 23-17 ang score and in favor pa sa kanila. Mas tumindi ang opensa at depensa nila kaya naman mas nagiinit na ang laban nila.
Nag tinginan ang mga babae at nagkaroon ng understanding. Sumubok silang magsipag palitan ng pusisyon, kaso ay naka glue naman sa kanila ang kani-kanilang lalake na iniiwasang makaharap.
Nakaka distract kaya tumingin sa mukha ng taong may past ka! Critical pa naman ang scores, noh! Lalo na pisikalan ang laro, syempre nagkikiskisan mga balat nila. Nakaka distract talaga!
Patuloy na naglaro ang mga ito at kahit pa distracted sila, mukhang hindi lang naman sila ang ganoon, dahil kahit kapag magoopensa, si Kristian ang lalapit sa kanya, kahit iniiwasan niya na ito ay pilit parin siyang hinahabol nito. Ganoon din ang ginagawa ng iba na parang sinasabing hoy, ako lang dapat mong bantayan!Natapos ang second set na hinayaan niyang ang iba naman ang gumawa sa score, puro assist lang ang ginawa niya. At nanalo ang girls. 30-24 ang score.
Not bad na rin, para sa mga dehado sa laban, maganda ang ipinakita ng mga ito."Mukhang nag iba sila ng setting. Ayoko sa nagbabantay sakin." reklamo ni Hasna. Naka kumpol na silang ulit sa kabilang side kung saan malayo sa boys.
"Strategy nila yan, mas tumindi offense and defense natin kaya nagpalit din sila ng strategy." sagot ni Banana. Humahaba lang talaga ang salita nito tuwing nasa court at naglalaro.
"Kung ganoon, huwag na kayong magpigil, go lang sa pag push." sagot ni Louisse. "Kung sa ibang lalake, hindi tayo masyadong makadikit dahil nagiingat tayo, at baka matamaan mga private parts natin. Pero ngayon walang problema, kahit balyahin na natin sila, hindi magrereklamo yang mga yan."
"Hindi ba parang ang rough naman pakinggan niyan, okay lang na matamaan tayo? Lalake parin nagbabantay saatin?" Sagot ni Hasna.
Agad na sumagot si Kat."Mas magrereklamo at magagalit sila kung sa ibang lalake tayo magpapaka rough. Besides, nagaalanganin tayo sa mga bantay natin dati. Mas maganda nang kakilala natin ang nasa harapan natin ngayon."
"I guess i-grab na lang natin ang opportunity para makuha natin ang last round. Kahit naman sila ang nasa offense halos habulin pa ako ni Kristin kanina para ako ang magbantay sa kanya." Natatawang sagot ni Melody.
"Ganyan silang lahat ngayon, so i guess kapag offense, hayaan nating sila ang mag bantay saatin. Pero kapag defense tayo, mix it up a little para habulin nila tayo." Matalinong mungkahi ni Kat.
Hindi na nagreklamo ang iba, at natatawa silang bumalik sa court. Bola na ng boys dahil panalo ang girls kanina. Nawala ang mga ngiti nila nang sabay sabay snagsipag tanggalan ng t-shirt ang mga boys.
"H-hoy! Hoy hoy! Ano yang ginagawa niyo ha?" turo ni Louisse na nag aakusa sa mga lalake.
"Ano pa ba, edi naghuhubad. Ang init kaya!" sagot ni Yael. Ito talaga, ang sarap sapakin! Him and his smart mouth! Napaka hangin pa kung mag salita!
Tinignan ni Melody si Kristian nang naka singkit ang mata at nanghuhusga. Naka tingin lang ang lalake sa kanya na napapatawa sa reaksyon ni Melody. He's enjoying this! Naka hubad na rin ang top nito at naka display ang ganda ng katawan niya kasama ang nga ibang kalalakihan.
Keso na lang kulang, Lord!
"Mag-mag-mag-magsuot nga kayo ng damit!" Nauutal at naka iwas na tingin ni Kat.
YOU ARE READING
200 Pounds Of TLC
HumorIt's been three weeks since the accident at bawat araw, nagiging grumpy at irritated si Kristian. If there's someone who is good in pushing other people away, that would be him. Kahit ang lolo at mama niya ay di na kayang pakisamahan ang dating masi...